DEKADA (end)

6.5K 99 27
                                    


Paminsan-minsan ay tinatawagan niya si Aida sa opisina nito sa Brazil. Kinakamusta. Hindi naman ito pinaalam ni Aida kay Soraya...ayun na rin sa kahilingan ni Gerard. Para sa kanya, para na rin niyang nakausap si Soraya pag kausap niya si Aida. Ang kaibigang ito na lamang ang tanging link sa nakaraan nila ni Soraya.

Isang araw, nabanggit ni Aida na namatay na si Mang Andoy, ang ama ni Soraya.

----------------------

Sa bahay ni Soraya sa Nueva Ecija, ibinurol si Mang Andoy ayon na rin sa kahilingan nito.

Huling araw ng lamay kaya patuloy ang pagdagsa ng mga nakikiramay.

Halata ang lungkot at pagod sa mukha ni Soraya. Hindi maalis na ma-guilty. Sinisisi ang sarili kung bakit hindi niya napilit ang ama na pumisan na sa kanila ni Ricky sa Manila. Matagal na niyang hinihimok si Mang Andoy na ibenta o paupahan na lang ang bahay at bukid mula ng mamayapa si Lola Inez. Pero tigas ang tanggi ng ama, sinabing hindi nito maaring iwan ang lupa at bahay na minana pa sa kanyang ninuno. Kaya kumuha na lang siya ng isang malayong kamaganak para makasama ni Mang Andoy. Namatay ang ama habang abala siya sa opisina.

Sunod-sunod ang dagok sa buhay ni Soraya. Kamakailan lang ay muling na-istroke si Ricky. Para na itong lantang gulay. Iniwan niya ang asawa sa bahay kasama ng tapagalaga. Hindi na kayayanin pa ni Ricky ang bumiyahe.

Dagdag pa rito ang problema sa opisina. Namimiligrong hindi matuloy ang kanyang pet project na bagong kanlungan para sa mga inabusong mga babae dahil sa kapos ang pondo para sa lupang pagtatayuan nito. May sasagot na sa materyales at konstruksyon ng building.

Parang gusto ng bumigay ni Soraya. Pero sa tuwing makikita niya ang mga kawawang babae sa center ay hindi niya magawang sumuko. Kailangan siya ng mga ito.

Magulo ang isip niya habang pinagmamasdan ang ama.

Nagbabadya na muling tumulo ang luha, ng makarinig ang mahinang tinig mula sa kanyang likuran.

"Soraya"

Natigilan si Soraya...kilalangkilala niya ang tinig na yun. Iisang tao lamang ang bumibigkas ng kanyang pangalan sa ganung paraan...may pagsuyo at pagmamahal.

Dahan-dahan ang kanyang paglingon, natatakot at baka isang imahinasyon lang ang narinig dala ng matindi niyang kalungkutan...ng pagal na katawan at pagiisip.

Pero hindi siya nagkamali ng akala.

Si Gerard! Nasa mukha nito ang lungkot at pagaalala.

Napagibik lang si Soraya, walang salitang lumabas sa kanyang bibig, parang may bara sa lalamunan.

Ilang taon na nga ba mula ng huli silang nagkita.?

"Im so sorry Soraya" Bulong ni Gerard, habang hinahagkan sa pisngi ang tanging babaeng minahal.

Parang wala pa rin sa sarile si Soraya. Nakatitig lamang kay Gerard.

Nang yakapin siya ni Gerard, duon na kumawala ang lahat ng sakit ng kalooban. Ang lakas ng yugyog ng mga balikat habang nakasubsob sa dibdib ni Gerard at impit na humagulgol.

Humagulgol ng humagulgol...

hindi tiyak kung dahil sa namayapang ama o sa pagmamahalang pinagtaksilan ng kapalaran....sa pagibig na walang katuparan.

Matagal na nanatitling magkayakap ang dalawa. Hindi pansin ang mga mapanuring mga mata, ang mga bulung-bulungan sa paligid.

Habang nakatingin si Gerard sa labi ni Mang Andoy ay naalala niya ang mga sinabe nito sa kanya nuong una siyang dinala ni Soraya sa bahay nito.

---------------------------

"Gerard, maligaya ako dahil ngayon ko lang nakitang ganyan kasaya ang aking anak., at alam kong yan ay dahil sa iyo. Pero naniniwala ako na ang taong nagdudulot sa iyo ng labis na kaligyahan ay maaring ding maging sanhi ng labis mong kalungkutan."

"Kaya Gerard, isang bagay lang ang hihilingin ko sa iyo. Sana mahalin mo ang anak ko katulad ng nakikita kong pagmamahal niya sa iyo."

Seryoso si Mang Andoy habang nakatitig nuon sa kanya.

"Mahal na mahal ko po si Soraya , hindi ko po siya sasaktan, hindi ko pababayaan, pangako po."

Ang sagot niya nuon sa matanda.

--------------------------

"Patawarin ninyo po ako, hind ko natupad ang lahat ng pangako ko sa inyo, maliban po dun na mamahalin ko si Soraya. Hindi po yun nagbabago kahit na po naging madamot sa amin ang kapalaran." Bulong sa isip ni Gerard

Hindi iniwan ni Gerard si Soraya hanggang mailibing si Mang Andoy ..hanggang matapos ang pasiyam. Sa pinakamalapit na hotel siya tumuloy.

Matapos ipagbilin ang bahay at bukid ng ama sa isang katiwala, agad bumiyahe si Soraya pabalik ng Manila. Kasama si Gerard.

Tahimik ang dalawa sa biyahe. Parehong may malalim na iniisip. Habang nagmamaneho si Soraya, pasulyap-sulyap siya kay Gerard. Gayun din naman si Gerard sa kanya.

Minsang magkakatitigan. Makahulugan. Waring binubusog ang kanilang mga sabik na mata sa isa't isa.

--------------------------

Gabi na ng dumating sila sa Quezon City. Sa condo--tinutuluyan ni Gerard mula ng siya ay dumating--nagtuloy ang dalawa matapos magdinner sa labas.

"Ayoko pang umuwi ng bahay. I want to be with you tonight. I need you tonight" Ito ang tahasang sinabe ni Soraya kay Gerard sa kalagitnaan pa lamang ng kanilang biyahe. Naiintindihan naman ni Gerard ang pangngailangan ng mahal sa ganitong pagkakataon. Kailangan ni Soraya ang init ng isang nagmamahal upang gisingin ang unti-unting namamanhid na damdamin. Bigyang pagaasa ang lugmok na kaluluwa at ipamulat na maganda pa rin ang buhay na haharapin.

Madaling araw.

Magkayakap pa rin ang dalawa...dama pa ang labi ng init ng pinagsaluhang pagibig sa hubad nilang mga katawan.

Mahimbing na ang tulog ni Soraya. Si Gerard, matagal pa bago nakatulog sa kakaisip ..masayang malungkot and damdamin.

Nagising si Gerard ng mga mainit ng halik ni Soraya ..sa kanyang labi.

Gumuguhit ang mga halik pababa sa dibdib, sa puson hanggang sa kanyang pagkalalaki. Sabik si Soraya, matagal na siyang walang sex mula pa ng magkasakit ang asawa. Pero, higit ang pagkasabik dahil ang katalik ay ang kaisaisang lalaking kanyang minahal.

Kay tagal nilang pinangarap ang mga sandaling ito.

"Sorayaaaaaaaa" Singhap ni Gerard ng sakyan siya ni Soraya.

Mariing naghugpong ang mga katawang para lang sana sa isa't isa.

Mahigpit ang yakap ni Soraya kay Gerard habang gumagalaw ang balakang nito sa ritmo ng sayaw ng pagibig na kasingtanda ng panahon.

Tanghali na ng bumangon ang dalawa.

Hindi matapos tapos ang yakapan ...ang halikan habang sabay na naliligo sa banyo. Hindi humuhupa ang kasabikan sa mga katawang unti unti ng binabago ng panahon.

-----------------------

Sa isang restaurant na hindi kalayuan sa condo ni Gerard, halos hindi nabawasan ang masarap at magarbong mga pagkain sa kanilang mesa. Magkatabi silang nakaupo..hindi harapan. Gusto nilang sulitin ang bawat minuto ng kanilang pagsasama.

Sari-saring emosyon ang nararamdaman... lungkot at ligaya, galit at panghihinayang, pangamba at alinlangan sa kahihitnan ng pagmamahalan.

Isang napakahigpit na yakap at mariing hawak ng mga kamay. Pagkatapos ay inihatid na ni Gerard si Soraya sa kotse nito.

----------------------------

2000-2010

Ilang taon din ang mabilis na nagdaan.

Mula ng mamatay ang asawang si Ricky, ibinuhos na ni lang ni Soraya ang sarili sa pamamahala ng SinagPagasa. Tanggap na niyang malabo ng matupad ang pangarap na makapagpatayo ng bagong center para sa lumalaking bilang ng mga kababaihang knangangailangan ng kanlugan. Pilit na lang nilang pinagaari ang kasalukuyang mga gamit at pasilidad.

Maganda pa rin si Soraya, Mukha siyang kagalang-galang sa suot ng salamin. Marami pa ring manliligaw. Bahagya lamang kasing nagbago ang pangangatawan. Hindi mo sasabihing 53 years old na big boss ng SinagPagasa.

Pero wala na sa loob ni Soraya ang magasawang muli. At isa pa, walang pumasa sa pihikan niyang puso. Kahit pa matagal na siyang kinukulet ng kaibigang si Aida na mag asawa muli. Sa Ameika na naninirahan si Aida at malalaki na ang dalawa nitong anak sa asawang Amerikano na nakilala niya sa Brazil. Isa rin itong social worker duon.

----------------

Patuloy ang paglipas ng panahon.

Isang araw, nagulat na lang si Soraya ng makatanggap ng E-Mail mula sa isang foundation. Humihingi ng presentation tungkol sa SinagPagasa.

Eksperto dito si Soraya sa tagal at lawak ng eksperyensa. Mahusay niyang pinirisenta ang lahat ng aspeto tungkol sa SinagPagasa. At tulad ng palagi niyang ginagawa tuwing darating ang ganitong pagkakataon, idiniin niya ang matinding pangangailan ng lupa para sa bagong center.

Hindi naman na lubos na umaasa si Soraya. Sa dami ng nagawang presentation, madalang lamang ang talagang nagbigay ng malaking tulong.

Kaya laking gulat niya ng makatanggap ng tawag mula sa nasabing foundation.

Hindi siya makapaniwala na ganun lang kadali na maayos ang transaksyon para sa lupang donasyon pagkatapos lamang ng ilang meeting. Isang hektaryang lupa sa isang bayan sa Laguna. Maganda ang lugar, marami ng subdivision ang sinisumulan na sa paligid.

Naiyak sa tuwa si Soraya. Hulog ng langit an gang nasabing foundation!.

-----------------

Excited si Soraya habang hinihintay ang pagdating ang donor ng lupa para sa shelter.
Ngayon ang groundbreaking ng project. Masaya siya dahil tinanggap ng donor ang imbitasyon niya upang ito na mismo ang maghatag ng "corner stone". Ngayon lang din makikila ni Soraya ang espesyal na panauhin dahil foundation to foundation lang ang naging transaction. Pagkakataon niya rin upang personal na makapagpasalamat.

Hindi naman nagtagal, dumating na kanayang hinihintay, sakay ito ng isang luxury vehicle na angkop lamang sa multi-millionaire nitong pasahero.

Kumilos si Soraya upang salubungin ang bagong dating na nuon naman ay palapit na rin sa kanyang kinaroronan. Biglang siyang natigilan, lumakas ang kaba ng dibdib ng makilala ang panauhin. Iisang tao lamang ang nagpapatibok ng ganito sa kanyang puso.

"Mam Soraya Garcia, this is Sir Gerard Montesser." Pakilala ng kasamang assistant ni Gerard.

Matipid ang ngiti ni Soraya, makahulugan naman ang kay Gerard.

"Raya" Anang tinig na kay tagal ng inaasam na marinig ni Soraya.

"Gerard"

Nagkamayan. Mahigpit na nagdaop ang mga palad...

Dama pa rin ang hiwaga, ang haplos ng nakaraan sa init ng kanilang mga palad. Sa kanilang mga mata ay ang pagtanggap sa katotohanang habang buhay silang bilanggo ng takda nilang kapalaran

Tulad ng kanilang naramdaman nuong una silang nagka-daupang palad, tatlong dekada na ang nakaraan.

"Paano, bakit" Tanong ni Soraya ng sila na lang dalawa ang palapit sa groundbreaking site. Para siyang baliw na tumatawa habang umiiyak.

"Later, I'll explain it to you later. Come on let's break the ground."

Matapos ang seremonya. Dinala ni Gerard si Soraya sa Tagaytay.

Hapon na ng pumasok sila sa isang magandang restaurant. Tanaw mula dito ang Taal Lake.

"Gard, paano mo nalamang...." Hindi na tinapos ni Soraya ang sasabihin. May naalala.alam na niya kung bakit at paano.

"Si Aida, si Aida ang nagsabi sa iyo" Bulalas niya.

"You guessed right, si Aida nga. Pinagalitan ko nga dahil bakit matagal bago niya ito sinabi sa akin."

"Hindi ko rin naman nasabi agad nuon kay Aida. Ayokong dagdagan pa ang mga problema niya nuon sa trabaho. Alam mo naman si Aida, magpipilit yung tulungan ako."

"Gard I can't thank you enough" Buong pakumbabang wika ni Soraya

"Raya, no, don't thank me. It makes me feel so guilty, so selfish, knowing I did it for you."

"Salamat na rin, Ha ha ha, but I don't believe you, alam kong matulungin ka. Kaya nga meron ka ring foundation para sa mga street children dito."

"Its just my way of giving back something in return sa mga maraming blessings sa buhay ko" Seyosong salita ni Gerard.

"So, how's life been treating you?"

"I am good, especially now that we can start with the construction of a new center. Ikaw kamusta ka na...ang family mo. Balita ko super successful ka na sa Amerika"

."Hindi naman Raya, medyo sinuwerte lamang. Maayos naman ang buhay. Malaki na ang anak namin, may sarli ng buhay. Alam mo naman sa Amerika." Kwento ni Gerard.

Natigilan si Gerard, alam niyang awkward pagusapan ang tungkol sa anak, knowing ang nangyari sa anak ni Soraya.

"Oh God, how I've missed you." Malalim ang buntong hininga ni Gerard habang hawak ang kamay ni Soraya.

----------------------

Sa isang hotel overlooking Taal Lake nag overnight ang dalawa.

Malaki-laki na rin ang mga pagbabago sa kanilang mga katawan.

Si Gerard, bahagya ng malaki ang tiyan, manipis na rin sa tuktok ng dating mala-Kristong buhok, may ilang na ring mga guhit na lumilinya sa mukha nito.

Si Soraya, medyo malaki na ang puson, bahagya ring bumagsak ang dibdib. May ilan na ring mga guhit sa gilid ng mga mata at noo.

Pero ang hindi kayang baguhin ng panahon ay ang kanilang damdamin para sa isa't isa...ang alab ng pagibig na umusbong isang tag-araw nuong dekada 70.

Sa paningin ni Soraya si Gerard ay yung pa ring teenager na kumarga sa kanya papalayo sa kaguluhan. Ang simpatikong lalaking hindi niya akalaing mamahalin ninya sa mahabang panahon.

Para kay Gerard, si Soraya ay ang maganda at matapang na babaeng una niyang nasilayan sa gitna ng kaguluhan. Ang tanging babaeng nagbigay ng halaga sa kanyang buhay.

Anduon pa rin ang init ng mga haplos, ang mga maalab na halik, ang matamis na pagiisa ng katawan at damdamin.

---------------------

Masayang masaya si Soraya. Higit sa inaasahan niya ang mga bisitang nagsidalo sa pasinaya ng bagong center ng SinagPagasa. Marami din mga politiko at mga kilalang mga tao ang nag pledge ng tulong para sa center. Maraming nag padala ng bulaklak at pagbati. Pero iisa ang para kay Soraya ay katangi-tangi at pinakamahalaga:

Isang long-stem Amreican red rose , kalakip ay ay  isang maikling mensahe: 


"Raya,

Makibaka!!

Gard.


end

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DEKADA (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon