Shanelle POV
Eto ako ngayun inuugat na sa kakahintay ng maluwag na bus! My Gosh anong oras ako umalis sa bahay namin 6 pa, eh anong oras na ngayun 6:15. At OMG lang talaga 15 minutes na ako naghihintay??? I hate waiting pero may choice ba ako?? Wala naman kung hindi maghintay. Parang yung true love ko ang tagal dumating hayyys! Naisingit ko pa yun ah.
Eto na may paparating na bus! Tatakbo na sana ako ng may sumanggi sa akin at ang loka di man lang nag sorry buti na lang di ako natumba kung hindi sabunutan ko talaga sya. Nagpahabol na lang ako ng sigaw dun sa loka loka "Sige sayong sayo na ang bus mo! hmmp!" Waiting.. Waiting.. and Waiting .. Aysh nakakainis talaga. puro puno yung bus ayoko naman magsumiksik dun kasi masisira ang poise ko. Ang arte ko lang pramis! OO maarte na kung maarte. Bakit masaba ba? Magbabayad na lang rin nman ako bakit hindi pa ako maghintay dun sa maluwag at makaka upo ako ng maayos! Hayaan mo nang ma-late minsan lang naman. Tsaka ayokong tumayo noh! Like hello! Naka heels kaya ko. Atsaka nakakangawit. Ewww ang arte ko talaga! But wait dont judge me ha, hindi naman talaga ako maarte, slight lang hahaha, lalo na kong nasa lugar.
Natigil ang pag iinarte ko ng biglang nagvibrate ang phone ko. Yay! Tumatawag ang bessy ko. Agad ko naman itong sinagot habang nag aabang pa rin ng maluwag na bus.
"Goodmorning Bessy!"Energetic kong bati sa bessy ko!
"Bessy!!! Asan ka na ba?"Sagot naman sa akin nito.
"Eh san pa bah? Kundi nandito pa rin sa may bus terminal!! Hmmp!! Naiinip na nga ako eh!!"Reklamo ko.
"Hala bessy, bakit ganun?? Anong oras na oh! Mala-late ka na nyan!"
"Ay sanay na ako. Bakit ikaw nasan ka na ba? Wag mong sabihin andyan ka na sa office?!? Eh 6:30 pa lang."
"Andito na ako sa pleasant. Traffic nga eh. May nagkabanggaan daw na motor . Kaya kung ako sayo sumakay ka na. Hello its monday bessy sobrang traffic kaya.
"Eh ayoko sa hindi maluwag eh! Ayokong tumayo! Alam mo naman yan!"
"No choice ka na. Parahin mo na ang darating na bus kahit masikip pa yan. Tumayo ka na lang kahit ngayun lang. Hindi mo ba natatandaan ang sabi ni Maam Vicky kapon? pumasok daw tayo before 8 kasi may papagawa sya sa atin."Ay syete oo nga pala. Yun ang kabilin bilinanan ni Maam bago sya mag out ng maaga kahapon na kailangan naming pumasok ng maaga kasi may gagawin daw kaming importante di naman nya sinabi kung ano yun ..
"Ay oo nga pala! Yari ako nito bessy, What to do? What to do? Eh sa ayoko talagang tumayo. Pero ayoko naman mapagalitan ng bonggang bongga ni maam. Mukhang monster pa naman yun pag galit!! Waaaah!! Besssy!!!" Sagot ko sa bessy ko na natatakot!
"Kaya pumili ka na Tatayo ka ba o kakainin ka ni Maam ng buong-buo!?" haysh tinakot pa ako. Pero may choice nga ba ako? Kaya ang sagot ko sa kanya.
"Oo na! Oo na! tatayo na ako! Kahit makipagsiksikan pa ako at malukot ang damit ko .. tskk .. tskk.. Sige na bessy! Bye na! Ingat ka ha! Muaaaah! Thanks sa pananakot" Sarkastkong sagot ko sa kanya!
"Hahahaha! Concern lang naman ako sayo bessy! Ingat ka rin! Bye, Muaaaaah!!! Good luck sa pagtayo mo!!!" And with that binabaan na ako ni bessy.
Kundi lang ako takot sa Maam ko hindi ako mapipilitang parahin ang napakasikip na bus na paparating. OMG!!! Mapipisat ako nito panigurado! Pero bahala na!!!
Yung huminto yung bus sa harap ko dahil sa pagsenyas ko na sasakay ako, dali dali na akong sumiksik doon baka maunahan pa ako ng isa pang loka, loka! Waaaaaah!!! Good luck to me.

BINABASA MO ANG
TRUE LOVE WAITS
RomanceSimple lang naman ang motto ni Shanelle Zamora sa Buhay. "TRUE LOVE WAITS". Kahit nakakaramdam na sya ng pagka-inip binabalewala nya na lang ito kasi lahat naman ng bagay ay may tamang oras at siguro nga hindi pa dumadating ang tamang oras sa kanya...