Epal Girl meets Hearthrob

569 13 10
                                    

                                                                 PROLOUGE

Ako nga pala si Alicia Guillermo, “ALICE” for short. Ako ay3rd year high school sa  isang sikat na school, buti na lang kahit mahirap pa kami sa daga makakapag- aral ako sa isang  magandang school—siguro nagtataka kayo kung paano nangyari iyon noh! Salamat na lang talaga kay tita Lanny at siya ang nagbabayad ng tuition ko.

Ako ay isang simpleng babae lamang at ako ay nabibilang sa isang mahirap na pamilya , kami ay mayroong  isang maliit na tahanan, siguro nga mga 10 sq. meter lamang, ito ay gawa sa kahoy at wala pang pintura, mayroon naman kaming bubong ngunit parang wala rin itong kwenta dahil sa sobrang dami ng butas ..Ako ay isang madaldal na babae, mataas di ang aking self confidence ngunit madali rin akong mapikon, at konti lang ang nakikipagkaibigan sa akin , Pero kahit na ganon ako lang naman ang salutatorian , best in english, magaling din akong mag drawing at marunong din naman akong sumayaw . In physical appearance kayo na ang bahalang humusga sa akin kung pangit ba ako o pangit ( walang choice hehehe) Ako ay hindi naman masyadong Matangkad, may balat na kayumanggi, malaki na medyo singkit ang mata , medyo matangos ang ilong , merong magandang labi ngunit lagi namang nagbabalat , straight ang buhok ngunit dry at buhaghag dahil hindi naalagaan, simple lang ako manamit ngunit madalas lukot dahil wala kaming plantsa , pero para sa iba sobrang baduy daw.  Maraming nagsasabi na maganda naman daw ako at kaya kong makipagsabayan sa iba ngunit hindi lang ako masyadong maayos sa sarili marahil na din siguro sa kahirapan namin kayat hindi ko daw mailabas ang tunay na kagandahan ko. Pero bakit kaya ganon marami pa ring lumalayo sa akin  at nagsasabing pangit ako  , kung  minsan nga nahuhuli ko ang sarili ko na umiiyak sa isang tabi dahil sa dami nang naghuhusga sa akin at buti na lang nandyan ang mga iilan- ilan kong kaibigan upang patahanin ako at bigyan ng lakas ng loob at lagi nilang dinudokdok sa aking isipan na “GANON TALAGA ALICE MAHIRAP MAGING  MAGANDA LAHAT  PAGTITINGINAN KA AT PAPANSININ BAWAT KILOS MO  kaya dapat  FIGHT LANG NANG FIGHT “.

_____________________________________________________________________________________

                       

“MAHIRAP MAGING MAGANDA” Lahat pagtitinginan ka ,kaya fight lang nang fight that’ s my motto in life

Anak, ano na naman yang sinasabi mo wag ka ngang mag ambisyon, ikaw din mahirap pa namang umasa

Nay naman eh tumututol pa!! bakit kaya ganon pag sinasabi kong maganda ako lagi na lang maraming tumututol , si tatay lang naman at ako ang naniniwala at nakakakitang maganda ako.

Ilang araw na lng mag- papasukan na naman , ang bilis talaga ng panahon. Parang kalian lang Grade 1 pa lang ako tapos ngayon akalain mo 1st. year high school na. Bago na naman lahat bagong atmosphere, gamit, classmates, teachers  at syempre bagong inspirasyon. Wait lang joke lang yung sa huli, syempre kahit sino pang pogi ang makita ko dun , hinding- hindi ko pa rin ipagpapalit si “MY PUPPY LOVE”.

Chapter 1

Haay! Ano ba naman yan 5:30 a.m. na, first day of school pa naman ngayon , ang aga-aga mukhang puro kamalasan ata mangyayari sa akin. “ NAY,  NAY ” ! Ano ka ba naman bakit di mo ko ginising , baka ma late ako , mabagal pa naman akong kumilos.

“Eto namang bata na to, ako ba naman ang sinisi “ ako ba ang may kasalanan  kung bakit hindi ka nagising ng maaga dahil sa panonood mo ng black and white na T. V  natin na pinaghirapan pang pulutin ng tatay mo sa basurahan. Bilisan mo na ring kumilos at tumayo ka na, at bilis katukin mo na yung tatay mo sa C.R at ayun mukhang tumatae pa baka kasi tagalan at lalo ka pang ma late.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Epal Girl meets HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon