ASSIGNMENT/HOMEWORK
1) Yung iba, maayos at malinis.
-Sila yung pagkauwi, ginawa nila at hindi pinagpapabukas para Mangopya sa mga meron. Sila yung mga gumawa talaga at hindi nangopya, ganun.
2) Yung iba, Maayos at Kumpleto pero maraming katulad o kagaya.
-Sila yung mga maagang Pumasok para mangopya. Effort kaya yun no, Nag-effort syang pumasok ng maaga para mangopya ng assignment! Galing no?
3) Yung iba, Kulang at magulo.
-Sila yung na-late. Nahuli sa pagkopya ng Assignment ng kaklase. Hindi pa tapos, 'Pass your Assignments' na agad. Gumawa kasi sa bahaypara hindi nagkanda-ugaga kaka-madali at kaka-kopya. Yan tuloy parang ewan yung Assignment mo.
4) Yung iba naman, LUKOT na nung pagpasa.
-Ayan yung pinagkopyahan. Pinagpasapasahan, kaya ang ending, nalukot. Mangongopya nalang, Lulukutin pa? You don't do that to me! How dare you!
5) Yung iba naman, Walang Assignment.
-Sila naman yung hindi gumawa ng Assignment. Kahit nangongopya na ng Assignment yung iba, sya wala pa rin. Nganga kumbaga.

BINABASA MO ANG
BUHAY ESTUDYANTE
Non-FictionAnong buhay nga ba meron ang mga 'ESTUDYANTE?' Anong ganap mo sa mga taong nakakasalamuha mo sa loob ng 10 buwan? Mag-aral ng mabuti at gumawa ng mga hindi makakalimutang pangyayari sa iyong BUHAY ESTUDYANTE.