Part 3

14 0 0
                                    

Part 3

stare

napayag niya ako,

hindi naman siya panget, gwapo si frank, kaso nga lang nagiging gwapo siya dahil sa maputi siya,matangos ang ilong, makinis na kutis. parang bading.

marami nga nagkakagusto sa kanya. kasi nagagwapuhan sila.

mas nakakahanga yung si neong kahit wala masyadong itsura pero pinagkakaguluhan ng mga babae.

ayy. ako? ewan. hindi ko nga ba alam, kung bakit nagkakaganyan si frank eh samantalang nung 1st year kame, walang pakialam yan sa mga babae.

hayy

sa lahat ng babae bakit ako yung pinagtitripan niya. marami namang maaganda sa amin at hindi naman ako kasali sa mga magaganda sa room namin. ewan ko ba. naguguluhan na ako.

andito ako sa room kumakain ng tahimik at andito sa tabi ko si chan jee. lumipat lang siya ng upuan dahil seatmate niya si nicolee. maganda naman siya kaso nga lang may masamang ugali na nakatago lang.

hindi ko nga ba alam paano lumipat dito si nicolee matalino naman siya, sikat, at maganda. bahala na nga siya.

Second kasi yung section namin kaso nga lang halos lahat dito may topak.

wala dito si frank hindi ko alam kung nasaan na yun. nakakahinga ako ng maluwag kahit sa madaling oras lang.

weird si frank naoobservahan ko yung pagtukso niya parati sakin ay tuwing may mga kaklase kami dito na tumitingin eh kapag walang tao dito, hindi siya nanungungulit. weird moves.

tapos na ang lunch namin. mapeh na. 

malas na naman dahil kapartner ko siya at sa malas na ulit ako dahil sa sayawan pa.

hindi naman sa nandidiri ako. dapat nga siya ang mandiri sa akin eh.

wala kayang may gusto sakin. walang nagpapakita na may gusto sila sakin. lahat haters ko.

lahat nagpapakita na pangit ako.

ay ewan. hindi ko din alam kung may itsura ba talaga ako, o sadyang pangit talaga ako.

by the way. sa mapeh andito na ang teacher namin.

"class. may ipapakita lang akong video. tungkol sa anong iperform niyo. kindly share it using bluetooth. kasi meron kaming practice. I'm a member of a choir. kaya ayun. kayo ng bahala. please be honest and practice with your best. kasi 45% ang performance niyo sa isang unit. ok I need to go now. practice kayo sa time na mapeh."

naku naku. anong klaseng teacher na to. palagi na lang nagmamadali.

"marhean hali ka na. practice na tayo para matapos na to." kinamot niya pa yung ulo niya.

"ok mas mabuti nga."

"wait! wala kasi si nicolee. rhean kapag tapos na kayo mag practice ni frank turuan mo ko. please?"

"ok! chan" with matching smile pa. :D

"halikana." ay nakalimutan ko andito pala si frank.

"hoy frank! alam mo ang steps? hindi pa naman ako madaling turuan."

"ok" bat parang bad mood si mr. annoying.

nag sayaw kame. hinawakan niya yung kamay ko. at nilagay niya ang isang kamay niya sa likod ko.

"frank wag ka maniyansing"

woah. bat wala sa mood tong lalake na to? galit ang tingin niya sakin.

"Hi! Chan jee!! tara tumayo ka na diyan. tara praktis na tayo." andyan na naman si nicolee. annoying din paminsan ay hindi pala minsan, parati. hinahawakan niyang mahigpit ang kamay ni chan. hahha.

"aray!" si frank.

"ay! sorry sorry! sabi ko naman kasi sayo hindi ako marunong sumayaw." ayan tuloy natapakan ko paa niya.

nakaupo lang siya dahil masakit ata pagka apak ko.

"Ok lang. basta mahal ako nung nangapak sa paa ko. hahahaha!"

Tsuuuup.

"hoy! ano ba?! bat mo ginawa yun?! gusto mo ng suntok?!" nakataas yung dalawa kong kamao. eh paano ba naman kasi hindi ka magagalit, bigla lang naman akong hinalikan  at sa ilong pa talaga. nakaupo kasi ako. kaya ayan lahat ng mga kaklase ko nakatingin.

"HOY! KAYONG DALAWA MAG PRACTICE KAYO" si nicolee yan. eh hindi naman siya ang presidente dito eh.

kaya ayun bigla kaming dalawa tumayo at nagkakatitigan kame.

what the heck. he was really frank the most hot and charming boy. ang sarap lang titigan yung mukha niya. I was staring at his face, amaze na amaze ako sa mukha niya.

Secretly inloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon