Kinabukasan ng magising si Vice wala na sina Vhong at Billy sa higaan nito.
Bumangon si Vice nag uunat unat at nagpatunog ng katawan tsaka lumabas ng kwarto. Paglabas nya ng kwarto nakita nya si Karylle at binati sya nito.
"Hi, good morning.." bati ni Karylle kay Vice.
"Good morning din... teka ba't ang tahimik nasaan sila?" tanong ni Vice kay Karylle.
"Ah sila ba.. umalis sila kaninang madaling araw hindi ka ba nila ginising?" sabi ni Karylle.
"Hindi.. saan ba sila nagpunta?" tanong ni Vice.
"May sasalubungin sila, halos lahat sila umalis.. mukhang tayo lang nandito ah!" sabi ni Karylle.
Biglang sumulpot si Jhong at may dalang mangga.
"Good morning guys.. umakyat ako sa puno ng mangga ang dami kasing bunga.. gusto nyo?" alok ni Jhong ng mangga kina Vice at Karylle.
"Gusto ko sana pero hindi pa ako nag aalmusal!.. jhong san sila nagpunta?" sabi ni Vice.
"Sina Anne, Billy at Vhong may susunduin daw sila.. sina Jugs, Teddy at coleen pati yung malaki yung katawan na lalaki at yung koreyano magsho-shopping daw!" sabi ni Jhong.
"Sino yung susunduin nila?" tanong ni Vice.
"Hindi ko alam, hindi nga nila sinabi eh!.. ah karylle gusto mo ng mangga?" sabi ni Jhong.
"Jhong mukhang maasim pa yan ah... pahinugin mo muna!" sabi ni Vice.
"Hindi okey na sya vice matamis na sya!" sabi ni Jhong
"Matamis? sino nagsabi, sinabi ba sayo ng mangga na matamis na sya? hay naku jhong minsan magpacheck up ka ah! delikado na yan!" sabi ni Vice.
Natatawa naman si Karylle kna Jhong at Vice.
"Ah jhong mamaya nalang natin yan kainin pagdumating na sila!" sabi ni Karylle.
"Oo tapos lagyan natin yan ng WASABE para yummy!" natatawang sabi ni Vice.
"Ahh ano ka??" gulat na sagot ni Jhong.
"Hahahah ang sama mo!" sabi ni Karylle kay Vice na natatawa rin.
"Halakahalaka tuwang tuwa ka naman sus!" sabi ni Vice.
"Kayo ah! pinagtutulungan nyo ako ah!" sabi ni Jhong.
.
.
.
.
.
.
.
Maya maya pa ay dumating na sina Jugs, Teddy at Coleen pati narin sina Eruption at Ryan na may dalang supot.
"Hey wala pa sina ate anne?" sabi ni Coleen kay Karylle.
"Wala pa nga eh.. i think parating na yun!" sabi ni Karylle.
Nakaupo si Jhong sa sala at kumakain sya ng mangga with bagoong, at tumayo sya dahil naubos na ang iniinom nya at pumunta sa kusina para kumuha ng maiinom.
Lumapit si Vice sa kinakain ni Jhong at nakatingin lang sina Coleen at Karylle sa kanya at sumenyas si Vice na wag maingay.
Nilagyan ni Vice ng wasabe ang bagoong at tinabunan din nya ito ng bagoong.

BINABASA MO ANG
VICERYLLE Kapsyon. [Continuation]
FanfictionStarted with the Game. Game that we meet each other. A ViceRylle Future.