Chapter 2

739 4 0
                                    

[2]

Hi my name is Deena Claire Montreal, ang fiancee/lover/stalker ni Kenny Reyes. 

Bata palang ako alam ko na may nakatadhana na sakin.

Naka-arranged marriage na ko, pero nung una ayoko talaga kasiang unfair diba? Pero, simula nang makilala ko siya nagbago isip ko kasi nahulog agad ako sakanya kahit malayo siya. 

May 2 reasons kaya arranged marriage ang tadhana ko.

Isa, dahil sa gusto ng family niya at ng family ko na mag-merge ang business nila.

Pangalawa na sa edge ng cliff ang company namin at may isang company na gusto ako ang maging fiancee ng anak nila pero hindi pumayag ang pamilya ko sa dahilang masasama silang tao.

Kaya para maligtas ang company namin at maligtas ako ay gumawa sila ng contract na mag-memerge and company namin sa company ng Reyes Enterprises para maligtas kami. Eto lang ang paraan para hindi ako kuhanin ng kumpanyang iyon dahil legally protected ang Montreal Heritage pati ako. 

Noong una hindi ko matanggap kasi napaka unfair nun saakin. Kontrolado nila ako. pero nung makilala ko siya, ang magiging asawa ko.

Nagkaroon ako ng lakas na loob na ipagpatuloy ang dapat kong gawin. Pero, unfortunately siya lang ang walang alam nun. 

Imagine the possibility na umatras siya sa marriage contract namin? Madaming hindi maganda ang mangyayari, pwedeng ma-bankrupt ng tuluyan ang Montreal Heritage at makuha ako nung mga masasamang taong iyon. 

Para maging ligtas ako sa mga nangyayari, nagdesisyun yung pamilya ko at pamilya niya na sa US  muna ako mag-stay. 6 years old palang ako nun nung pinadala nila ako sa US. Kahit sa kaunting panahon ay nalimutan ko ang problemang iyon kasi bata pa naman ako nun.

Masyado pa kong bata para doon kahit pa alam ko na iyon 6 years old palang ako ay pinilit pa din nilang pasayahin ako.

Pinapadalhan lang nila ako lagi ng pictures ni Kenny at lagi akong natutuwa at kinikilig kasi ang pogi niya. Mas naiinlove ako kahit sa picture ko lang nun siya nakikita. Lagi siya yung naiisip ko. Hahaha landi ko na bata palang ako.

Nagawan ko pa nga siya ng mga higit 5 na scrapbook. Hehe. I was an ultimate stalker until now na 16 na ko!

Hindi naman ako nag-isa sa US andun si mommy para alagaan ako. Minsan dumadalaw si Daddy kaya masaya naman. Hindi sila nagkulang saakin. 

Friendzone (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon