Prologue

9 0 0
                                    

    
         Malakas na kalabog ang tila nagpagising kay Oli na siyang nagpakaba sa sarili. Hindi niya mawari kung ano ang dahilan ng kalabog pero alam niya kung saan nanggagaling ang ingay. Agad naman niyang tiningnan ang mahimbing pang natutulog sa kuna na batang babae - na nasa isang taon gulang pa lang,  na nasa gilid lamang ng kanilang kama kahit isang lamp shade lang ang nagbibigay ilaw dito. Nang makatayo na siya ay agad niyang binuksan ang ilaw ng kabuoan ng kwarto.

         "Ano ang ingay na iyon? Pambihira naman kung mga daga iyon, kakalinis ko lang kanina ah." tanong niya sa sarili na may antok pa sa tono. Napakamot na lang siya sa kaniyang ulo.

         Tanging si Oli lamang at ang bata na si Olier ang tao sa bahay dahil nasa trabaho pa si Andy, ang kaniyang asawa. Mamaya pa ng umaga ang uwi nito kay nagtataka siyang may nagkalabog. Sa bandang laundry area niya ito narinig kaya pinuntahan niya ito agad. Kahit antok na antok pa dahil madaling araw pa ay pilit na tinungo ang laundry area.

         Kinuha niya ang susi ng pinto na nakasabit sa gilid lang nito at binuksan niya ito palabas sa laundry area. Sa pagtataka ay wala siyang nakita dito sapagkat mga damit lang na nakasampay at mga nakababad.

          "Pambihirang mga daga iyan oh, ang lalaki niyo naman sa gaanong kalakas na kalabog." hindi na lang niya inintindi ang mga palanggana na siya palang rason kung bakit may kalabog dahil nagiba na ang pwesto nito bago niya ito iwan kanina ng maglinis siya.

          Ang akala niya ay daga lang ang sanhi ng kalabog kaya pabalik na sana siya sa kaniyang kwarto, paghawak niya ng pinto ay may humampas sa kaniyang ulo na siyang rason kung bakit nawalan siya ng malay. May nanloloob sa bahay nila Oli. Hindi iyon mapipigilan ni Oli dahil wala siyang malay. Nakahandusay lamang siya kung saan siya hinampas. Habang ang mga nanloob ay kaniya kaniya na ng kuha na kahit na ano mang gamit nila.

          Thirty minutes na ang lumipas pero hindi pa rin lumalabas ang mga kawatan pero si Oli ay bahagyang nagkakaroon na ng malay. "Ugh, Olier." agad niyang sambit nang magkaroon ng malay. Napagtanto ni Oli na linoob sila ng kawatan kaya dali - dali siyang bumangon at tumungo sa kanilang kwarto kung saan naroon ang kaniyang anak. Hindi siya gumawa ng anomang ingay na baka marinig siya ng kawatan kahit hindi alintana kung nasa loob pa ba ito o lumabas na. Nang makarating na sa kwarto ay agad hinanap ng kaniyang mga mata ang kaniyang anak. Nawala ang kaba sa kaniyang puso ng makita pa niya itong mahimbing ang tulog pero ang paligid ay halos magkalat na gawa ng pangangalkal ng kawatan.

          "Thank God, nothing happened to my daughter." tila nabunutan ng tinik ang kaniyang puso ng makita niyang safe and sound ang kaniyang anak. Kaya agad agad niyang kinuha ang pranela ng kaniyang anak sa gilid nito at isinuot sa anak. Niyakap niya ito ng mahigpit at lumabas ng silid para magsumbong sa pulisya.

          "Kahit simpleng bahay tol, pang mayaman ang kagamitan nila" sabi ng isang magnanakaw sa kasamahan nito. Tila hindi makapaniwala ang mga kawatan dahil hindi mo makikitang mayaman sila dahil sa panlabas ng kanilang bahay. Pero kung nasa loob ka na ay doon mo masasabi na mayaman ang nakatira dito. Nakuha ng mga kawatan ang mga alahas ng asawa ni Oli at iba pang pera.

          "Sabi ko sayo eh, matalino talaga ako pagdating sa pagpili. Idol mo na ako niyan?" pabiro namang sambit ng kasamahan. At nagtawanan naman sila. Parang naeenjoy pa nila ang kanilang tawanan na parang bisita lamang habang nasa sala na hindi wari na nagising na si Oli sa pagkakahampas nila dito.

Fated (On - Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon