Chapter 1 : What the!

5 0 0
                                    

Lindsey's POV

     Twenty-five minutes na.

     Twenty-five minutes na ang nakalipas naghihintay pa rin kami sa guro namin na hanggang ngayon ay wala pa ring senyales kung dadating ba o hindi. Wala ako'ng ibang ginawa kundi ang pabalik balik ng tingin sa relo ko.  Dahil na rin sa naiinip na ang presensiya ko kahihintay sa guro namin ay isinubsob ko nalang ang sarili ko sa mesa. Kaya ito, habang hindi  pa dumadating si Mr. Kilario, sobrang ingay ang nagagawa ng mga kakalasi ko. Lihim na lang akong napairap dahil sa irita.

     Porket ba walang teacher, ganyan na sila? Halos bumula na nga mga bibig nila kaka-dada. Ang ingay, super as in!

     Bigla na lang akong napaigtad dahil sa gulat nang may biglang tumusok sa tagiliran ko. Hindi ko inaasahang may gagambala sa nananahimik kong presensiya.

     "Ayy, leche!" galit kong usal. Bigla namang tumahimik ang mga kaklasi ko dahil sa gulat ko pero bigla rin nawala ang tahimik dahil natawa sila sa akin. Tss

     Inis kong hinarap ang taong walang hiyang nanggambala sa'kin pero hindi ko inaasahan na ang gumawa pala ng ka-baliwan ay ang matalik kong kaibigan. Nang mapagsino ko siya ay halos sunugin ko na siya sa matatalim kong titig habang siya ay tawa lang ng tawa.

     Sino ba ako para hindi siya gantihan? Syempre, ginantihan ko siya kaya ayon tumahimik ang loko.

     Bored 'kong tumingin Kay Wilson habang nakanguso ang kanyang labi. Tsk, kadiri.

     "Ba't ka na naman ba napadpad dito?" pagtataka ko lang kasi nasa kabilang section siya at ke-aga aga parang electron na kahit saan napapadpad. Pero bago siya  makasagot sa tanong ko ay biglang natahimik ulit ang kanina pang maingay kong mga kaklasi kaya nataranta na rin si Wilson dahil dumating na si Mr. Kilario.

     Hindi maipinta ang mukha ni Wilson habang hindi mapakali kung ano ang gagawin niya kaya nakuha na niya ang atensiyon ng lahat. Lihim na lang akong napapatawa dahil para siyang naiihi na ewan.

     "Peace!" sabi niya habang naka-peace sign at aakma na sanang tatalikod para umalis nang magsalita ulit si Mr. Kilario.

     "What are you doing here Mr. Pros?" seryosong tanong ni Sir. Pero imbis na kay Sir siya tumingin ay dito sa'kin na parang nagpapatulong. Tsk, kagagawan niya 'to kaya sariling palusot.

     "Lagot!" I mouthed.

     "Oh, nevermind. Just take a sit beside Ms. Barnes" inunahan na lang siya ni Mr. Kilario. Nakasimangot naman siyang tumabi sa akin at nagsimula na rin si Sir magsalita ng nasa kanya na ang lahat ng atensiyon ng mga estudyante. Pero hindi ako maka-concentrate kay sir dahil kay Wilson.

     "Linds, asan ang hustisya?" napatingin naman ako kay Wilson dahil sa tanong niya.

     "Pinagsasabi mo?" halos bulong kong tanong sa kanya. Pero parang wala sa sarili niya ang kaluluwa niya dahil nakatingin siya ng tuwid at nakapatong sa dalawa niyang kamay ang kanyang baba habang nakasimangot.

     "Wala dapat may maghohold ng class ngayon eh." pabulong niya sa akin. "Eh?" bulong ko naman pabalik sa kaniya.

     Bale iyong posisyon namin ay parehong nakayuko sa desk. Sakto lang na wala akong katabi ngayon kasi hindi pumasok si Dawn. Kaibigan din namin ni Wilson iyon. Si Wilson lang talaga ang nagpaiba ng section sa amin. Ewan ko ba sa kaniya. Pareho lang naman kami ng strand na kinuha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fated (On - Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon