Chapter 3

77 5 15
                                    

Lecture
/AN/
Sa mga sumuporta sa story ko salamat hahaha. Baka nag ka crush na din sa bakla, kahit iilan lang kayong readers ko salamat dahil 1st week ko palang ng paggawa ng story may comments na agad. Anywayyysss...enjoy nalang sa story. Sana magustuhan niyo.

ㅇㅇㅇ
Ugod ugod akong naglakad pataas sa classroom namin dahil sa paa ko. Huhuhu ang sakit! Langhiya kasi yung baklang yun eh! Ang taray, mas maganda naman ako kesa sa kanya!

"Ahahaha!! Tangina! Lola!" Pangaasar sakin nina Kyle. Ang sakit na nga ng paa ko nagawa pa akong ganyanin. Sinimangutan ko nalang sila pumasok na classroom. Naghihintay na pala si Ms.

"What took you so long?" Taas kilay niyang tanong. Ahaha natatawa ako sa kilay niya. Lagpas beshie! Bakit kasi ang hilig nilang drawingan ang kilay?! Yan tuloy.

"Pftt.." Pagpigil tawa ng mga kaibigan ko. Binigyan naman kami ng nagtatakang tingin ni Ms. Sinimulan ni Sophia na magpaliwanag,"Uhmm ano kase Ms-"

"Speak in English!!" Saway niya. Tinignan naman ako Sofia na parang naiihi. "Cassy...langhiya kang loka ka, ikaw may kasalanan nito ikaw magpaliwanag" Bulong niya sakin. "Gaga! Ang sabihin mo, pina English ka lang di mo na kaya"

Sinimulan ko ng makiusap"Ms-" ANO NA NAMAN?! Ang hilig niyang pumutol ah. "What happened to that?" Tinuro niya yung paa kong namumula parin at medyo nagpapasa na. "Ahhh.." Wala akong maisagot na maayos, tangina!

"Go to the clinic and let the School Doctor treat that" Utos niya at tumingin sa mga kaibigan ko. "Mina and Kyle escort her to the clinic please" Mariin niyang sinabi at sinimulan ng mag discuss. "No ba yan" pagrereklam nila Alaiza at umupo nalang sa kanilang pwesto.

Naglakad na kami papuntang clinic at ugod ugod na naman akong bumaba sa hagdan. Para akong lola. Nakasamangot lang ako pero merong lalakeng padaan...si JAYDEN LABS!! Emegedd! Enevehhh?!! Ang gwapo niya tangina mapapatay ko na to. Lalagpasan niya kami nong inamoy ko na naman siya. *inhale* Ang bango niya talaga *exhale* emeged. *Inhale* wag pang e-exhale tuluyan na niya kaming nadaanan *exhale* napapikit pa ako non ah.

"Luh. Hoy! Sigurado ka bang paa mo lang natamaan? Di yang ulo mo? Nasira yata eh" Tinignan ko naman si Mina na nagtataka. "Ano sa tingin mo?!" Sagot ko. Nagtinginan sila ni Kyle at agad nalang nagngitian at nagapir. Gawain na nila yun mga sira "Sira nga, ngingiti ngiti magisa eh" sabi ni Kyle at nagtawanan silang dalawa. Ha?

Nadaanan na namin ang School Doctor, sabi niya Baka 5-7 days daw ito tuluyan na mawawala. Basta daw lagyan ko ng Ice. Pinuliputan na niya ito ng bandage. At kung sinuswerte nga may lecture pa na nangyari sa Hall.

Nasabat namin sila Sofia on the way sa Hall. Jusko! Ang daming tao at bakit puro babae? "Beshie, ba't puro babae lang?"

"May lecture para sa hygiene ng girls" Ha? So anong ituturo nila don?! Kung paano isuot ng maayos ang napkin?! Umupo na kami sa upuan namin. Nakaupo na din sa wakas. Tama nga ako, napkin lang pala. Yun lang?! Pati cosmetics?!

Habang nangyayare ang lecture nakita ko sa may pinto ang nakatayong si Kian...at nakikinig. Nakikinig? Ba't yan makikinig dito?! Ahyy oo nga pala BAKLA. Psh. Natapos na ang walang ka kwenta kwentang lecture at inutusan kaming lumabas na pero masyado silang nagunahan. Mga tanga!! Ang liit ng pinto! Kasya kayo? Kasya?! Nagpaiwan na lang muna ako at umalis sa mga nagsisiksikang babae. Naisipan ko nalang na dumaan sa backstage dahil mas maluwag pa don. Masakit kaya yung paa ko mahirap maki siksikan.

Pumunta na ako sa backstage pero...teka anong-bakit ang lawak ng backstage?! Jusko. Kaso nga lang ang hirap hanapin yung pinto palabas. San na yun? Kaylangan ko ng lumabas. Naglibot libot pa ako pero hindi koand parin nahahanap. Namatay na yung ilaw sa stage, tangina! Ako nalang ba naiwan? Medyo dumilim. Tanga? Malamang namatay nga yung ilaw diba?

Lumingon ako sa likod dahil may narinig akong nahulog . Syet! Natatakot na ko! Agad akong humarap at patakbo na sana kaso agad din akong nahulog dahil sa nakabangga ko.

"Aray!!"

"Oww!"

Nakabangga?! Multo ba to?!! Nakapatong ako ngayon dito. Medyo bumangon ako para makita mukha niya, nagulat nalang ako nong may MULTO nga! Ang panget! Agad akong napabangon "Masamang espirito layuan moko! Puta, ampanget mo!"

Bumangon na din ang nakabangga ko.

"IKAW?!" Sabay naming sigaw. Multo nga syet panget nitong bekilet na to! "Eww! Ako panget? Baka ikaw. Ugh!" Inayos niya yung bangs niya sa harap at tumayo na. Nakaupo parin ako hindi ako makatayo sakit ng paa ko eh. "Oh? Hindi ka pa ba tatayo diyan? Wag mong sabihin tutulungan pa kita?" Pagtataray niya at naka crossed arms pa. Tinignan ko siya ng masama "Hoy! Bakla! Kasalanan mo to. Ikaw tumira sa binti ko ng bola kaya ngayon di ako makatayo" Sabi ko sa kanya at nakataas din ang kilay. Pataasan?!

"Wag ka ngang mag inarte di ka maganda tulad ko, ako lang ang may karapatang mag inarte kasi DYOSA ako ENGKANTO ka lang or dwende, wateber!" Nalakad na siya sa kabilang direksyon kala ko makikag Miss Universe maka rampa wagas. Bastos talaga. Mas maganda ako! Pinilit ko nalang tumayo at medyo ugod ugod parin akong lumakad papunta sa direksyon niya.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Tanong ko nong maabutan ko na siya. Tinaasan niya lang ako ng kilay "Pake mo ba? Eh gusto kong manood ng lecture eh! Dalaga din ako!" Ganun? Feeling talaga nito.

"Eh bakit dito ka dumaan?"

"Ba't ba ang dami mong tanong ha? Eh sa ayaw ko nga dun. Pagkakaguluhan lang ako ng mga bruhildang yun kaya dumito muna ako hanggang sa makalabas na silang lahat" Napatango nalang ako.

Kahit sa bakla yan hinahabol parin siya ng kababaihan. Bakla na nga papatulan pa nila. Dun nalang kaya sila sa kapatid niya no?! Sa bakla pa talaga.

Nakarating na kami sa pinto. Sinubukan niyang buksan kaso ayaw. Ang arte! Parang ang dali lang mangbukas ng pinto eh.

"Ako na nga! Arte mo" Tinulak ko siya at sinubukan ding buksan. Ayaw niyang bumukas, syett!! Di to pwede! "Buksan mo nga" Utos ko sa kanya. "Psh. Nagmamagaling kase" Binigyan ko nalang siya ng masamang tingin. Hinila hila niya yung knob at kung saan saang direksyon ang sinubukan. Kaso hanggang ngayon ayaw padin.

"Inangggg!! MY GHADDD! Di ko to keri! Na lock-an tayo!" Halos maluwa na ako. Ay-ayaw mabuksan! "Shunga! Meron pa sa harap, gaga!" Naglakad na naman siya papunta sa harap at iniwan na naman ako. Ganun? Ang sakit ng paa ko ha! Ini stress niyo ako! Umagang umaga!

Sinubukan naming buksan pero ayaw din. "Hello?!! May tao sa labas?! Paki bukas!" Sigaw ko habang linilikot parin ang knob. "Hoy! Bingi ba ang mga tao diyan?! Paki bukas sabi eh!" Kinatok katok ko yung pinto at sinipa. "AWWW!" Agad akong napahawak sa may pasa kong binti. "Yan kase ang tanga! Upo ka na nga lang, kaloka!" At umupo nga ako. Ang tanga ko, ang sakit. Iiyak na yata ako puta!!

Pano na to?!! Sa karami rami ng taong pwede kong makasamang malock, si Kian Bakla pa talaga! Pasalamat siya mga pasa ako ngayon kung wala talagang itutuloy ko yung plano kong ipakabao yan!

Ang Crush kong Bakla Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon