Mahalin mo siya sa kung ano ung klase ng pagkatao niya, tanggapin mo siya sa kung ano ung uri ng katauhan niya, kung palagi mo siyang hahanapan ng mga bagay na wala sa kanya, kung palagi mo siyang ikukumpara sa iba, hindi talaga karapat-dapat ung relasyon na ipinaglalaban mo para sa kanya. kaya habang maaga pa, hangga’t hindi pa siya nagsasawa sa pagkatao mong nakakalito, matuto ka nang makuntento sa kung ano ung kaya niya lang iharap sayo.
Wag kang magmahal para lang maging masaya. Magmahal ka dahil handa kang masaktan para sa kanya. Dahil kapag ginusto mo lang sumaya, hindi ka nagmamahal, nanggagamit ka lang.
May mga tao talaga na lalapit lg sayo pag may kailangan, lalp na kpag uutang. Tapos kung mag sisingil kna parang sila pa yung may ganang magaliy, ba’t ganun? Haha
alam na alam mo na nga na ayaw niya sayo, bakit ipagpipilitan mo pa ang sarili mo? hayaan mo nang mawala kung hindi naman talaga nararapat pa na pagkaingatan. mahirap magmahal ng tao na walang kwenta, pero mas mahirap naman yung ramdam na ramdam mo na ngang pinagmumukha kang tanga, eh heto ka’t pinatutunayan mo pa sa kanya.
Aanhin mo pa ang pagtitiis ng mahabang panahon kung alam mo namang kakayanin mong bumitaw. Huwag mo ng hintaying puro na lang poot at galit ang nasa puso mo bago mo maisipan na bigyang laya ang sarili mo sa isang katulad niya na di marunong magpahalaga ng nararamdaman mo.