Naranasan mo na bang iwan?
Yung bigla ka na lang iiwan ng taong mahal mo?
Yung taong sa kanya umiikot ang mundo mo?
Yung taong halos gawin mo na lahat wag ka lang niya iwan? kasi kapag nangyari yun di mo na alam kung paano ka pa mabubuhay?
Ako, hindi ko pa nararanasan yun. At hindi ko yun mararanasan. Bat naman ako hahabol sa taong ayaw naman sakin? Hindi ko gagawin yun. Di ko papahirapan sarili ko nu.
Kung ayaw niya sakin edi wag. Hahaha. Maglaway siya sakin ;) Di siya kawalan.
Ako nga pala si Elaine Mendoza, Ang Anne Curtis ng Pasig City. HAHAHAHA. Lakas ba ;) Bayaan niyo na totoo naman. Hahaha =)) Mahilig ako magsulat. Gumagawa ng mga storyang galing lamang sa aking imahinasyon. Madalas mga love story sinusulat ko, kasi parang binubuo ko yung pangarap kong love story.
Yung mga tipong makikita ni babae si lalaki, magpapakilala yung isa, tapos may sparks na mararamdaman yung isa. Ganun. Kaso yun nga. Di ako makabuo ng storya. Wala naman kasi akong alam sa love. Nakikita ko lang yun sa tv, sa movie, sa jeep, sa mall, at kung saan saan pa. Pero kahit kailan... Di ko pa to nararamdaman. Yung tinatawag nilang sparks. Well, di naman ako nagmamadali. Sa gandang kong to ;) HAHAHA.
Gusto ko ng love life pero ayaw ko. Ang gulo ko no. Takot kasi ako. Tulad nga ng nakikita ko sa tv. Ayokong maghabol. Jusko. Asa naman kayo. Kayo ang maghabol sakin. Kahit kailan.. kahit kailan di ako hahabol. Di ako magmamakaawa. Walang iyakang magaganap.
BINABASA MO ANG
First Timer
RomanceAng storyang ito ay tungkol kay elaine na hindi pa nagmahal kahit kailan. Nakikita lang niya ang pag-ibig na sinasabi nila sa tv, movie, music at iba pa. Pero kahit kailan di pa niya to nararamdaman. Tunghayan ang kanyang kwento.