"Hay nako ! Gumising ka na nga jan! Tanghali na! First day pa naman ng klase niyo ngayon. Bumangon ka na elaine!"
Ano ba naman yan, ang ingay ingay naman. Ugh. Inaantok pa ko.
"Wait lang, 5 minutes lang. Ayy 10 minutes na pala."
Maya maya may naramdaman na akong malamig sa muka ko.. Nagising ako sa lamig. Nilagyan ng ate ko yelo yung muka ko. Ugh ano ba yan ke aga aga.
"Yan lang pala magpapagising sayo e. Pinahirapan mo pa ko. HAHAHA." Tawang tawa si ate sa ginawa niya. Medyo nakakainis pero ganito talaga to si ate Cha. Charlene Mendoza. Ang nagiisa kong ate. Siyempre maganda siya. Pero mas maganda ako sa kanya >:)) BWAHAHA. Loko loko tong ate ko. Pero mahal na mahal ako neto. Alagang alagaga. Napaka swerte ko na siya ang ate ko.
"Bat ngayon mo lang ako ginising ha ate? Late na ko ano ba yan. Pano na yan di pa ko naliligo? 6:45AM na. 7am pasok ko. Grabe di na nga muna ko maliligo."
Kinuha ko na yung uniform ko. Yung uniform ko pala white longsleeve tapos maikli lang palda namin kulay blue na hanggang tuhod. Meron kaming necktie na kulay blue din na may tatak ng school namin. Sinuot ko na to agad. Buti na lang. Buti na lang talaga nakaplantsa na. Uminom lang ako ng gatas at umalis na.
Nakasakay na ko ng jeep. 30 mins biyahe ko. Medyo malayo kasi school ko. Inaantok na nga ko. Di pa ko nakakain. Di pa ko naliligo. Di pa ko nakapagmumog. Kadiri naman. Bayan mo na, di naman siguro halata >:)) Bwahaha.
Sa jeep ay may nakasabay akong mga lalaki..
Mukang taga school ko din sila. May tatak din yung necktie nila. Tss. Nakakahiya sila. Ang ingay ingay. Ang aga aga. Walang konsiderasyon sa iba. Daldal nila grabe. Dinaig pa ko.
Di ko na lang pinapansin pero iniirapan ko ng patago. Nakakainis kasi. Ke lalaking tao ang dadaldal. Bading ata tong mga to e. Psh. Bayaan mo malapit na rin naman bumaba.
Nakita ko na yung school ko. Wala pa ring pinagbago. Ganun parin. Bukod lang sa mga bagong studyanteng nakikita ko. Wala ng nagbago.
Bumaba na ko. Siyempre bumaba na rin yung mga maiingay na lalaki na yun.
Tumabkbo sila papasok. At nabungo nila ako. Ang lakas ng pagbungo sakin. Yung isa natapakan ako sa paa at nilaglag ang bag ko. Di man lang ako tinutulungan at kahit man lang nagsorry. Tch. Mga lalaki nga naman ngayon.
Nakakabadtrip talaga yung mga lalaking yun. Walang paki alam sa paligid nila. Buti na lang malaki school nami di ko na rin makikita yung mga bwiset na yun. Tch, makapasok na nga.
Habang naglalakad papuntang room, napapansin kong tingin ng tingin yung mga estudyante sakin. Tas nagbubulungan sila. Tch. Baka nagagandahan lang sakin. Hahaha. Di ko na lang papansinin.
Hanggang narinig ko na lang yung mga bulong bulong nila na hindi naman talaga bulong
"Uy pare chix oh. Hi miss!"
"Chix ba yan e mukhang di naliligo? Pacheck mo na nga yang mata mo."
"Di pa nagsuklay ang gulo ng buhok, dinikit pa nung mga laway laway niyaa. Dugyot pre"
Tinignan ko yung mga nagsasalita. Yung mga lalaki kanina sa jeep. Sila yun. Yung maiingay kanina. Yung bumungo sakin. Nagsalita pa yung isa. Yung nakabungo sakin. "Lakas ng aura mo miss, napalingon ako sa lakas. Ligo ligo din pag may time. HAHAHAHAHAHA" at malakas na nagtawanan ang mga lalaki.
"Anong sabi mo? Yabang mo ah. Eh kayo nga eh mga bading kayo ang dadaldal niyo. Daig niyo pa mga babae kung makapagchismisan. Mahiya nga kayo" sabi ko na ng iinis
"Anong bading na sinasabi mo! Sa pogi kong to ha? Di mo ba ko kilala ha? Halikan kita jan e, baka mainlove ka sakin?" Matigas niyang sinabi
Napapalibutan na kami ng mga studyante dahil sa ingay naming dalawa, buti na lang walang mga teachers na dumadaan kung di mag gguidance kami nito sa unang araw.
BINABASA MO ANG
First Timer
RomanceAng storyang ito ay tungkol kay elaine na hindi pa nagmahal kahit kailan. Nakikita lang niya ang pag-ibig na sinasabi nila sa tv, movie, music at iba pa. Pero kahit kailan di pa niya to nararamdaman. Tunghayan ang kanyang kwento.