85% sure ako na ni-minsan sa buhay mo naging 'feeler' ka din sa isang taong gusto mo. Well, sana magustuhan mo 'tong story na ginawa ko.. kahit pa na naaalala mo siya ngayon.
_____________________________________________________________________________________
"Kung sino-sino pang tinatawagan mo,
Nandito lang naman ako
At kung saan-saan ka pa naghahanap,
Nandito lang naman ako
Kung sino-sino pang tinatawagan mo,
Nandito lang naman ako
Kung saan-saan ka pa naghahanap
Nandito lang naman ako
Ako na lang sana
Tayo na lang dal’wa..."
"HOY!"
"Ay kabayong baog! Ano ba? Nanggugulat ka naman eh!". Hay nako, eto na naman ang bestfriend kong may saltik, si Mimi.
"Por dios por santo teh. Hindi ka ba naririndi sa kantang yan? Alay mo na naman kay James teh? Ikaw talaga!"
"Eh ba't ba?" sabi ko habang kinikilig-kilig pa.
"Anong bakit ba? Tanga ka ba o nagkukunwaring tanga?!"
"Both? Ehhh..". Baliw ako, baliw na baliw kay James..
"Tsssss. Pinapaasa ka lang nun! Di ba nga ang chismis daw eh si Grace yung natitipuhan niya ngayon dahil nga sa sikat at masarap..."
Binigyan ko siya ng titig na para bang nagtataka na nagtatanong.
"Masarap magmahal!" natatawang sabi ni Mimi.
"CHISMIS nga lang diba? Saka iba 'to eh.. Nafefeel ko na may gusto din siya sakin.. Eto na to eh.. Siya na talaga.." . Kwento ko habang nakahawak sa dibdib at nakangiting nakatingin sa langit.
"Sabog ka ba?" seryosong tanong niya sakin.
"Ay nako, basta! Ikukwento ko sayo mamaya yung mga factors kung bakit sa tingin ko may gusto din siya sa akin. Sa ngayon, lumarga na tayo at baka ma-late pa tayo sa klase." sabi ko kay Mimi na halata namang sinasakyan nalang ang kahibangan ko kay James.
"Osiya sige. Mabuti pa nga."
Ako nga pala si Maria Clarisse Geneviv Sarah Jane Pinaglabanan, Sasa for short. Eh kung mas tamad ka pa sa nanay ko, 'Sa' pwede na. Alam kong mahaba ang pangalan ko. Sabi kasi ni nanay, marami daw siyang gustong ipangalan sakin noon.. eh hindi daw siya makapili kaya pinagsama-sama nalang niya. Awang-awa nga sakin yung teacher ko noong nursery palang ako kasi pagsulat palang ng pangalan ko hirap na hirap na ako. Anyway, 2nd year college palang ako sa isang unibersidad dito sa Maynila. Accounting yung kinuha kong kurso dahil maniwala man kayo o sa hindi, ang isang hibang sa lalake na tulad ko ay may maipagmamalaki naman sa Math. Highschool palang may tama na ako kay James. Ikaw ba naman ang mapakitaan ng nagpuputukang abs at muscles, eh talagang mababasa na lahat ng pwedeng mabasang parte ng katawan mo. Syempre maliban dun, mabait din siya, HANDSOME, sweet, kind, generous, caring, at kung anu-ano pa! Haaaay.. he's the MAN OF MY DREAMS. :">
*sa room*
"Hi Sasa!"
Oh my God! Hinga-hinga! Relax Sasa.. relaaaax!
"Oh! Hello James." buong ngiti at gilagid kong bati kay James (my love).
"Uhm, pwede bang humingi ng favor?"
BINABASA MO ANG
BABALA: WAG KANG FEELER
Teen FictionSa bawat tao sa mundong ito, hindi natin maiiwasang hanapin sakanila yung HAPPINESS and LOVE SATISFACTION na gusto nating lahat. Eh paano kung akala mo siya na? Paano kung sa maling tao ka nahulog, makakabangon ka pa kaya? Eh paano kung masyado ka l...