"Hoy Wendy bilhan mo nga ko ng toyo yung sachet lang bilis! May bagong bukas na tindahan jan sa kanto!"-Aysht! kaya ayokong maiiwan sa bahay e ako inuutusan psh. Nagbabasa pa naman ako ng wattpad!
"Hoy bata ka napakabatugan mo!"- nanay ko
"Oo na! Oo na!"-padabog ako bumaba sa sala. Kinuha ko agad sa kanya yung pera.
"Hoy bata ka! Wag mo kong dabugan!"
*Blag* at dahil mabait akong bata di ko na siya pinatapos. Machine gun nanaman e psh.
Eto ba yung bagong tindahan (Malamang eto lang naman yung tindahan sa kanto, computer shop na yung katabi) Kaya naman lumapit ako at
"Pabili nga po!!"
"Wag mo kong sigawan"-Waaaa! Natanggal yung badvibes ko uh. Wasjo ang gwapo naman nito! Kasing idad ko lang to por shur!
"Ano ba yung bibilin mo?"-napatitig lang ako sa kanya. Nakita kong nagulat siya at umiwas ng tingin.
"Ahh..Pa-patis na sachet"-*Gulp*
"Nine pesos"-inabot ko sa kamay niya yung 100 waaa! Dumampi yung daliri ko sa palad niya! Umagash
"Wala ka bang barya?"-nakataas na kilay nitong tanong.
"Wa-wala"
"Ts"
"O sukli"
Waaaaaa! Naramdaman kong dumampi yung daliri niya sa palad ko! Pag aboy sakin ng sukli tumakbo agad ako.
"Hoy walangya kang bata ka! Di ka nangupit iba naman ying binili mo! Wasjo papalitan mo!"
"WAAA! Ayoko nakakapagod!"-pagmamaktol ko. Baka kasi mainis pa sakin si kuyang pogi.
"BILISAN MO NA WALA PA TAYONG PANGLAGAY SA ADOBO!"-At kumaripas na nga ako ng takbo.
"A-ah papalitan po pala ng toyo akala ko kasi ano patis e he-he"
"Ts"
Waaaa! Naasar na siya!
Pag-abot niya sakin takbo rin ako agad. Waaa! Sana siya ulit yung bantay bukas! Ang gwapo niya. Nakasumbrelo pa siya ng floral na kulay black Waaa!
--
"Teka eto na ba yung sinasabi mo wendie? yung may gwapong guy na nagtitinda!"-Chimes
"Tara na bili na tayo!"-Ashley
"Teka ako muna!"-Aliah
"Hindi ako muna!"-Ako
"Pabili nga po!!"
"Ano yun hija?"
"Pfffffffffffft"-silang tatlo
"Uh ano dalawang chowey choco"
Umalis na ko agad pagkuha ko at pagbayad. Yung tatlo kasi kanina pa nagpipigil ng tawa
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"-Sila yan
"Tsk"
"Ang gwapo nga fafa!"
"wasjo yun na yun?!"
"May apo na ata yun e crush mo pa aba matinde!"
"Hindi ayun yon mga luka!!!"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"
"Ipapakita ko sa inyo! Next time che!"
--
Ilang araw na rin akong bumabalik sa tindahan na yun pero yung matandang yun ang laging bantay haaay! kelan ko kaya ulit ako mapagbibilan nun! T3T
"Oh ano? Sasama ba kayo mamaya baka siya na yung nagbabantay?"-tumawa lang yung tatlo
"Wasjo! Gusto mo lang silayan yung matanda eh HAHAHAHA!"
"Che bahala kayo!"
"Oo na! Pfftt hahaha!"
--
"Wendy, pano kung yung matanda ulit ang nagbabantay? E isang buwan ka ng bumabalik sa tindaham na yun pero lagi kang luhaan"-ashley
"Kelan mo gustong tumigil?"-Aliah
"Kelan mo ititigil yang pagpapantasya mo?"-natigilan ako sa mga sinabi nila. Nasaktan na rin ako! Putspa naman kasi tong puso na to e na love at first sight ako T3T
"Ititigil ko 'to pag hindi pa rin natin siya ang bantay"-ako sabay lunok ng laway
"Sigurado ka?"
"Oo ayoko na rin umasa"
"This is it"
"Pa-pabili nga po!"
*Gulped*
"Ts"
Napatigil ako at napatingin sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko.
"Ateng siya na ba yun--"
"Ano yung bibilin mo?"
"U-uh chowey choco"
"Yun lang?"
"oo"
Pagkuha ko aalis na sana kami ng kaibigan ko pero nagsalita siya
"Pwede ba ako naman ang pagbilan mo?"-napatingin ako bigla
"Ha?"
"Pabili nga ng...ng PUSO mo"-sa mga sandaling yun tumigil yung tibok ng puso ko.
"I'm Ris by the way"
"I like you wendy nung una ka pa lang bumili dito. Inis na inis nga ako ng pinagbantay ako ng lolo ko e pero nung bumili ka ginanahan na ko. Kaya asan ang sukli ko?"
I just smile and said "Eto na nga e I like you too ris"
xxxx
BINABASA MO ANG
Oneshot Stories
PoetryKung nagtataka po kayo. Well pinagsama-sama ko na lahat ng oneshot stories ko yung lang po xxx