ILYV --- 10

971 16 0
                                    

10

Kris POV

Lumapit ako sa demonyitang Jessica. Intense na intense na yung mga mata ko. Bakit ba niya kami ginugulo? Ang tagal tagal na simula nung hindi na kami nagkikita. Ano ba problema niya? Ts. Tatapusin ko na nga ito agad. 

Tumakbo ako papunta sa kanya at inihanda yung paa ko upang sipain siya sa tiyan. *PAAAK!* Sakto sa tiyan! Napa-upo siya ng hinang-hina, pero tumakbo na ako agad kay Chariss. Nakaka-awa siya, basang-basa na yung mukha niya sa mga luha niya. Pero, mamaya na yang drama. Action muna. Kinagat ko yung packing tape sa kamay at paa niya para makatakas na siya. 

"Umalis na dito Chariss! Bilis!" Sigaw ko sakanya. Nang hindi ko namalayan na naka-tayo na si Jessica. Nakita niya si Chariss na tumatakbo papalayo. Bigla siyang nag-transform at hinabol si Chariss. Tatakbo ako papunta sakanya pero, nahuli ako. Hinablot ni Jessica yung buhok na Chariss. Hindi pa kase gaanong nakaka-layo si Chariss dahil puro sugat ang katawan niya.

"Kris." sabi ni Jessica. Patuloy parin niyang hinahawakan sa buhok si Chariss. 

"Bitawan mo si Chariss oh kung hindi, talagang masasaktan ka saakin!" Sigaw ko sakanya ng napakalakas.

"Ano bang gagawin mo kung hindi ko siya binitawan?" ngumiti si demonyita!

Tapos nilapit ni Jessica si Chariss sakanya at parang niyayakap siya. Yung parang mang-hohold-up. Yung ganon. Pero ang malala, TINUTUKAN NI JESSICA SI CHARISS NG BARIL!

"JESSICA, IBABA MO YAN!" Sigaw ko sakanya. Lumuhod ako sa harap niya at nag-simulang umiyak. 

"Ano bang pwede kong gawin?! Bitawan mo na si Chariss! Paki-usap naman Jessica!" sabi ko sakanya. Sana naman, madama niya mga pakiramdam ko.. Ginagawa ko to sakanya kase, eto yung dati niyang ginawa saakin nung araw na nag-ayaw kami.

**FLASHBACK

"What?! totoo ba yun?! May boyfriend ka na nga, may kahalikan ka pang iba! Niloko mo lang ako Jessica! Minahal kita ng sobra, pero ito lang isusukli mo saakin?!" Sigaw ko sakanya.

"Kris! Let me explain!" Luhod niya sa harap ko habang umiiyak.

"Explain for what?! I saw everything with my 2 own eyes!" Sabi ko sakanya at tinalikuran ko siya.

"Ano bang pwede kong gawin?! Mapatawad mo lang ako!" sabi niya saakin.

Pero nung huli, nagbati rin kami.

END OF FLASHBACK**

Nakita ko sa mga mata niya na may itinatagong lungkot ang looban niya. 

Dahan-dahan niyang binitawan ang buhok ni Chariss at saakin namain tinutok ang baril. Nakita ata ito ni Chariss. Ngumiti si Jessica saakin. Nagtataasan na yung mga balahibo ko! 

"Marry me, or I will kill you with this." sabi niya.

Ayaw ko magpakasal sayo! KAY CHARISS LAAAAAANG!

Sasagot pa sana ako pero biglang sinipa ni Chariss ang baril at nabitawan ito ni Jessica, Buti, malayo yung narating nung baril. Tumingin si Jessica kay Chariss at sinabing, "Hinahamon mo ba ako?" 

"Oo! Tantanan mo na si Kris!" sabi nito. 

Bwisit na bwisit na yung mukha ni Jessica at sinimulang suntok suntokin si Chariss! NOOOO~

Tumakbo ako papunta dun sa baril at tinutok ito kay Jesssica. Napansin ko rin na nakapag-transforn nanaman siya. Malapit na niyang makagat si Chariss ng biglang... *BANG!* 

Natigil ang lahat. 

Napatay ko si Jessica.

***********

Helloo~ Ang tagal ko na pong hindi nakakapag-UD

Busy po kase ako. Kakatapos lang po ng mga exams namin. Sana po, maintindihan niyo~

_Authornimm

I love you, Vampire (â˜...COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon