"Romeo and Julius" CHAPTER 1 'Childhood'

55 0 0
                                    

“ Bago sumapit ang pasko, namimili ang Mommy ko ng mga pangregalo para sa araw ng pasko. At itong aming Daddy, gumagawa ng Christmas tree. Sasabitan ko naman ng mga laruan at mga candy. May iba’t ibang kulay itong ilaw ng Christmas tree. Ito’y laging nagniningning pagsapit ng gabi. Thank you! Thank you! Ambabait ninyo,thank you!”awit ng magkapatid na Romeo at Romnick sa kanilang pangangarolling sa gabi ng Bisperas ng Pasko.

“Romeo, anglaki ng napamaskuhan natin!” Tuwang-tuwa na wika ni Romnick habang binibilang ang mga barya sa loob ng lata na ginawa nilang tambol.

“Oo nga kuya eh. Ang saya talagang mangarolling kapag bisperas ng pasko. Walang patawad.” Sagot naman ni Romeo habang hawak ang mga tansan na tinuhog ng pabilog sa alambre.

“Uwi na tayo. Sigurado naghahanda na doon sina Mama at Papa para sa Noche Buena.”

Magkapatid sina Romnick at Romeo. Ngunit ang turing nila sa isa’t isa ay matalik na magkaibigan. Napakalapit ng loob nila sa isa’t isa mula pa noong sila’y mga bata pa. Sa kabila ng hindi pantay ang pagmamahal na ibinibigay sa kanila ng kanilang ama. Sapagkat paborito nito ang panganay na si Romnick.

11:58….11:59….12:00….”MERRY CHRISTMAS!!!!” Napakasaya ng pagdiriwang ng pasko. Napakagandang tingnan ang mga parol na nakasabit sa mga kabahayan at sa buong paligid. Napakasayang pagmasdan ang mga Christmas lights na kumukutikutitap pagsapit ng gabi. Nakakaaliw panoorin at pakinggan ang mga batang nangangarolling sa mga bahay-bahay. Napakasayang magsimbang-gabi kasama ang pamilya at mga kaibigan. Napakasarap ng puto bumbong at bibingka na nabibili sa kalye. Damang-dama ang diwa ng pagbibigayan . At higit sa lahat, buhay na buhay ang paggunita sa araw ng kapanganakan ng ating Panginoong Hesukristo.

“Ma, Pa, Merry Christmas po!” masayang bati ng magkapatid na Romeo at Romnick sa kanilang Mama at Papa sabay mano at halik sa mga pisngi nila. Sama-sama silang nasa hapagkainan upang pagsaluhan ang inihandang Noche Buena.

“Merry Christmas din mga anak at sayo rin,Pa.” wik ni Aling Cecille sabay halik sa pisngi ng asawa. Si Mrs. Cecille dela Cruz ay isang English Teacher sa isang exclusive school para sa mga special children.

“Maligayang pasko din.” Tugon ni Mang Roldan. Si Mang Roldan naman ay sampung taon nang namamasada ng taxi. ”Romnick, anak, may sorpresa ako sayo.”

“Talaga po,Pa?” sabik na sabik na tanong ni Romnick.

“Oo, tingnan mo ang ilalim ng upuan mo.”

Dali-daling tiningnan ni Romnick ang ilalim ng kanyang upuan at nakita doon ang isang maliit na papel na nakadikit. Kinuha niya iyon at kanyang binasa.

“Isang bugtong? Papa naman eh!”

“Sagutin mo muna iyan bago mo makuha ang regalo mo.”

“Nung nakaraang pasko, mapa ang una nyong ibinigay. Pinaikot nyo pa po ako sa buong baranggay tapos sa huli eh nasa kwarto ko lang naman pala yung regalo.” Natatawang wika ni Romnick.

“Aba, dapat lang na paghirapan mo muna bago mo makuha ang regalo mo.”

“Ikaw talaga,Pa, lagi ka na lang may kung anu-anong gimik para sa mga anak mo.” Biro ni Aling Cecille.

Nakangiti lang si Romeo na nakamasid sa kanila. Pasimple nyang tiningnan ang ilalim ng kanyang upuan ngunit wala syang nakita.

“Hindi tao, hindi hayop, hindi nababali at walang mata ngunit lumuluha. Romeo, tulungan mo naman ako dito.”

“Sige kuya,teka, walang mata ngunit lumuluha? Baka kandila.”

“Hindi daw nababali eh.”

“Hindi tao?hmmm…hindi hayop, hindi nababali, walang mata, lumuluha?...luha?...hmmm” nag-iisip ng mabuti si Romeo. “Lumuluha….ang luha ay tubig…hmmm…Alam ko na kuya! Gripo!” tuwang-tuwa na sagot ni Romeo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 20, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Romeo and Julius" CHAPTER 1 'Childhood'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon