One Shot Story
Ang story na ito ay nabuo sa isipan ng author noong mga panahong wala siyang magawa at nagmumuni-muni sa paligid. Isa sa mga naging inspirasyon nya rito ay ang kantang Magdalena ni Gloc 9. :)
Salamat kay @bygail para sa pagdaragdag ng iba pang ideya para sa istoryang ito.
Be open Minded tandaan na non-teen fiction ang binabasa nyo!
-------------------------------------------------------
Para saan pa ba ang pagbabago, kung ang dahilan upang magbago ako ay wala na sa mundong ito?
-------------------------------------------------------
Severely
By: howfishylifeis
Third Person's POV
"Are you sure you're bringing him there?" Hindi makapaniwala si Kris na kasama nila ngayon sa gig si Charles. Kumunot ang mga noo nito't nagasalubong ang mga kilay.
"Oo naman! Para naman matuto siya ng buhay natin sa labas ng show business!" sagot ni Alexander at kinuha nya ang lighter nya upang sindihan ang dulo ng isang stick ng sigarilyo na nakaipit sa kanyang bibig.
Ngumisi at tumingin sa kanyang relo si Edison at kinausap ang katabing ibinuga naman sa kanya ang usok ng sigarilyo nito. "Ano naman kaya ginagawa nun sa loob ng dorm?! Ang tagal lumabas ah!" reklamo nito dahil kating-kati na ito sa kagat ng lamok. "At wag mo nga akong bugahan nyang usok. Ang baho eh!" umamba siya ng hampas kay Alexander pero imbis na hampasin nya ito, inirapan na lang nya ito't tumingin muli sa relo.
"Baka hindi nga kasi pumunta." nakahalukipkip lang si Kris at sumandal siya sa pader sa tapat ng dorm nila.
"Hindi pwede yon! Nangako yon. Tsaka first time ni Charles to na sasama sa atin." tiwalang-tiwala si Alexander na hindi sila bibiguin ng kaibigan. Ilang sandali pa ang lumipas, may naaninag na silang matangkad na lalaki na naglalakad patungo sa kinaroroonan nila.
Nagdampi ang dalawang palad ni Alexander at nakagawa ito ng isang matalim na tunog, "Sabi ko na nga ba! Pupunta siya eh!" at ibinato nito ang sigarilyong subo-subo nito kanina at inapakan ito upang mamatay ang apoy.
"Sorry! Late ako!" nagmamadaling lumapit si Charles sa mga kaibigan at patuloy sa paghingi ng paumanhin. "Sorry talaga ah, si Bryle kasi eh, tinakasan ko pa. Ayaw kasi nun akong pasamahin sa inyo."
"Lagi namang kill joy yung bestfriend mong yon! Minsan ka na nga lang namin maisama eh, ayaw pa nya. Gusto ka atang laging kasama non!" sabi ni Edison. Sumang-ayon naman sina Kris at Alexander.
BINABASA MO ANG
Severely [One Shot]
عاطفيةPara saan pa ba ang pagbabago, kung ang dahilan upang magbago ako ay wala na sa mundong ito?