CHAPTER 10

1.1K 32 18
                                    

(Kim's POV)

Gabi na pero andito pa rin ako sa park nakaupo sa swing, ayoko pang umuwi sa bahay dahil tatanungin lang ako ng tatanungin ni mama kung bakit malungkot ako.

Pati si Shane galit na rin sakin,
Ang baliw ko kasi!! Tumingala ako sa langit, ang lungkot tingnan parang yung nararamdaman ko lang.
Sana naging star na lang ako para pagdating sa  gabi ay lumiliwanag ako. Yumuko ako at umiyak. Di ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin.

Nagulat ako ng may biglang nagsalita.

"I was just wondering kung anong klase nang tao ang nakaupo sa isang swing habang umiiyak, diba ikaw yun my girlfriend?"

Inangat ko ang ulo ko at sinamaan siya ng tingin.
Girlfriend mo mukha mo.

I really dont want to see him.
Why is he here?

"Why are you still crying?" Tanong niya.

"Wala kang pakialam kung umiiyak ba ako o hindi" masungit kong sagot sa kanya.

"Umiiyak ka ba dahil sakin?" Tanong niya ulit. Ang kapal naman ng mukha niya kung siya nga ang iniiyakan ko.

"No, it's my own problem! Ang kapal talaga ng face mo" sabi ko sa kanya. Nagsalita ulit ako.

"Bakit ba ako naging ganito? Gusto ko lang naman protektahan ang sarili ko pero bakit ako pa ang nakakasakit, I'm very selfish arent i?" Tanong ko sa kanya. Bakit ko ba to kinakausap?

Okay na din yun dahil gusto ko lang na ilabas kung ano itong nasa dibdib ko para maginhawaan naman ako ng konti.

Nakatitig lang siya sa akin,

"Ngayon ko lang na realized na masama pala akong tao. Pati mga kaibigan ko galit na rin sakin." Naluluha ko na namang sabi.

"Your friends really care for you"

"No, they hate me more"

"Kung tunay silang kaibigan maiintindihan ka nila" maikling sabi niya. Oo nga naman maiintindihan din nila ako sa tamang panahon. Hayyy!  Salamat at gumaan gaan na ang pakiramdam ko. Thanks for Alex.

"Alex, bakit ka pala nandito?" Tanong ko.

Tumalikod siya sakin at pumunta sa motor niya.

"Let's go, I'll take you home crying lady" napangiti na lang ako at lumapit sa kanya. Kahit papano naman pala may kabaitan siyang tinatago.

Umangkas na ako sa motor at pinaandar na niya agad ito.

"If you dont want to die yet, you better hold onto me" sabay paharurot ng motor niya.

"Ahhhhhhh!!" Kumapit ako sa bewang niya ang bilis kasi magpaandar.  Nakakagaan din pala ng pakiramdam kapag nakasakay ka sa motor.

Malapit na kame sa bahay ng biglang may kotse na papunta samin. Di namin ito naiwasan.

"Ahhhhhh!!! Alex!!!!!!!"

(SCREEEEEECCCCCHHH)

Nakahiga kaming dalawa ni Alex na hahol ang hininga, shiitt!! Muntikan na yun ah akala ko mamamatay na ako.

"Bakit ba kapag nasa tabi kita laging may masamang nangyayare" mahina kong daing.

"Di ko nga alam eh, lapitin lang talaga ako sa disgrasya. But i can protect you, di ko hahayaan na masaktan ka "  Sagot niya na hinihingal at pumaibabaw sabay halik sakin. Di agad ako naka react  sa ginawa niya.

Pinikit ko lang ang mga mata ko, at nagrespond sa mga halik niya  siya na naman ang nakakuha ng second kiss ko.

I never thought that being with the bad boy would feel like this!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 01, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Bad Boy's SlaveWhere stories live. Discover now