Ang Simula

4.9K 36 29
                                    

Ang Ibong Adarna

(The Epic Fail Story)

Sa kaharian ng Veteris may isang mabait na hari na mahilig kumain ng stick-o ang nanamuno. Ang pangalan nya ay Haring Senex. Siya ay may tatlong anak na lalaki, sina Prinsipe Adorjan, Prinsipe Batian at ang bunso na si Prinsipe Celius. Masaya silang namuhay sa kanilang kaharian, ngunit isang araw tinamaan ng isang di malaman na sakit si Haring Senex. Palagi itong matamlay, medyo lumalabo na din bigla ang kanyang paningin at matagal humihilum ang kanyang mga sugat. Maraming doktor ang tumingin sa kanya pero wala ni isa ang nakakaalam sa sakit nya.

"M-mga a-anak." Tawang ng hari sa kanyang mga anak. Lumapit naman ang tatlo. "Mga anak sa tingin ko malapit na ang aking katapusan. M-Malapit na akong..." hindi natapos ang kanyang sasabihin dahil biglang umiyak ang kanyang panganay na si Adorjan.

"Ama, wag napo kayong magsalita. Alam napo naming na malapit na kayong mamatay. Kaya mo kami tinawag dahil pamamanahan mo na kami di ba?"si Adorjan.

"Tig-iilang hectarya tayo ng lupa kuya? Ang gusto ko yung malapit sa Dagat para gagawin kung bakasyonan at Resort." Bastian

"Ama san nyo po gustong iburol?" inosenting tanong ng bunso na si Celius.

"Mga anak, bakit parang gusto nyo na akong mamamatay?" hindi makapaniwala ang hari sa kanyang mga anak na parang excited na malapit na syang mamatay.

"Halata ba ama" Adorjan

"Ama, mamamatay na po ba kayo?" Celius.

"Hindi pa Celius, may lakas pa ako para mabuhay pa ng ilang araw." Haring Senex.

"Tsk, Sayang naman." Pabulong sabi ni Bastian. Halatang dismayado sa narining mula sa ama.

Isang araw may isang doctor na ang pangalan ay  Kadir na nagmula sa isang malayong kaharian na nangunguna sa makabagong paraan ng paggagamot ay dumalaw sa Veteris upang tignan ang Hari.

"Ang inyong ama ay may Diabetes. At malubha na ito." Malungkot na sabi nya sa mga anak ng hari. Pero parang nanalo ang tatlo sa lotto sa saya ng marinig nila ang balita.

"Ngunit sabi ng hari pag namatay siya wala sa inyo ang bibigyan nya ng mana." Biglang napatigil ang tatlo sa kanilang pagsasaya ng sabihin iyon ng doctor.

"Ano?!!"

"What!?"

"Weh? Di nga?"

"At ang sabi pa ng hari na kung gusto nyo ng mana, may dapat kayong gawin." Doktor Kadir.

"Ano?!Ano ang dapat naming gawin Kadir?" tanong ni Bastian.

"Mauna daw muna kayong mamatay." Doctor

(-_____- ") tatlong prinsipe.

"di, biro lang! Itong gagawin nyo. Dapat mahanap nyo ang Ibong Hoyl na syang tanging lunas ng inyong ama."

Ayon sa alamat, noong panahong na natukso ng ahas sina Adan at Eve na kainin ang isinumpang mansanas ay ininyaya ni Adan ang mga kasamahan nilang hayop na kumain din ng mansanas at ang Hoyl ang isa sa mga hayop na tumanggi na kumain nito. At dahil dito binigyan sya ng bathala ng kapangyarihan ng immortalidad.

"Gusto kong makakuha ng mana---err ano gusto kong mabuhay pa si ama at bilang panganay dito, ako ang maghahanap ang ibong Hoyl." Presinta ni Adorjan.

Nagpalakpakan naman ang mga taong kasama nila sa silid dahil sa sinani ni Adorjan.

"Mabuhay si Prinsipe Adorjan!" sigaw ng isa sa mga tao dun.

"Bakit namatay na ba ako?" si Adorjan at binigyan ng masamang tingin ang kawal na nagsabi nun kanina.

Napatikhim naman si doctor Kadir upang makuha ang attensyon ng lahat.

"Kayong lahat ang dapat maghanap ng Ibong." Sabi nito. Walang gana naming tumingin ang mga prinsipe sa doctor.

"Mas gugustuhin ko pang pumunta sa bayan at mamili ng bagong damit. Gusto mo bang sumama kuya Adorjan?" tanong ni Prinsipe Bartian sa kanyang Kuya.

"Ganun ba Mahal na Prinsipe? Sayang naman. Ang mananalo kasi dito ay ang susunod na magiging hari." Doctor Kadir.

"Naku! Nakalimutan ko, tumaas pala ang mga damit na mula sa tsina sa tingin ko ipagpapaliban ko muna ang pamimili ko ng aking damit."Prinsipe Bartian.

***

(to be continue...)

Fact! FACT! Fact!!!

Alam nyo ba na totoong may myth tungkol sa Hoyl?

Check the external link to learn more about the Malham or Hoyl Bird.

Check the external link to learn more about the Malham or Hoyl Bird

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ang Ibong Adarna (The Epic Fail Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon