Untitled Part 1

12 1 1
                                    

Patawarin mo ako kung hindi ko napigilang mahalin ka. Na sa araw-araw na pag-uusap natin ay nahulog ang loob ko sa'yo.


Patawarin mo ako kung natanggap ko ang buong pagkatao mo. Na sa kabila ng pinagdaanan mo ay di ko man lang nakuhang husgahan ka.


Patawarin mo ako kung hindi ka maalis-alis sa isipan ko. Na-araw at gabi ay ikaw lamang ang laman nito.


Patawarin mo ako kung oras-oras ay hanap-hanap kita. Na gusto kong malaman mga ginagawa mo at kung saan ka man magpunta.


Patawarin mo ako kung palagi kitang namimiss sa mga oras na hindi tayo magkasama. Na mga yakap mo at mga halik ay inaasam-asam ko pa.


Patawarin mo ako kung palagi akong nakayakap sa'yo sa tuwing magkasama tayo. Na kung pwede lang ay hindi ka na umalis sa tabi ko.


Patawarin mo ako. Mahal lang kasi kita at takot akong mawala ka pa.

Patawarin Mo AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon