7-BES

11 6 0
                                    

Lorean's Pov.

Kanina pako lumilibot libot dahil wala akong magawa, Pesteng blake kase iniwan ako -__-.

Dere deretso lang ako sa paglalakad ng may bigla akong napansin mula sa kalayuan, isang babae na nakaupo sa sulok habang umiiyak.

Dahan dahan akong lumapit sa babae.

"Pauleen? Bakit andito ka? Anong nangyari sayo?" Tanong ko sakanya.

*HUK!*

Bigla nyakong niyakap at nagpatuloy lamang sa pag iyak.

"Ga-galit yata saakin si R-rica huhuhu" mas humigpit pa ang yakap nya.

'Ano nanaman kayang nangyari?'

Dahil sa Curious nga ako ay hindi ko na napigilang mag tanong "ano bang nangyare?" Sabi ko habang dahan dahan syang inalalayang maka tayo.

"Ih ka-kase huhuhu" patuloy sya sa pag iyak.

"Dun muna tayo sa Garden. Tara" sabi ko habang inalalayan syang maglakad, alam kong nanghihina sya ngayon dahil sa sobrang iyak nya.

Sumunod sya saakin papunta sa Garden.

Habang naglalakad kame ay di maiiwasang may marinig na bulung bulungan.

Oh my! Anyare bessy! Kawawa si Pauleen! Bat umiiyak -bes 1.
Oo nga huhu to the rescue naman si Lorean na bessy nya -bes 2.
Mukhang hindi sila kumpleto! Asan si Rica? -bes 3.
Ah! Nakita ko sya sa classroom kanina bes, tulala -bes 2.
Napano kaya sila? Naaawa ako sakanila -bes 1.
Oo nga bessy! Ayaw ko silang nakikitang umiiyak -bes 3.
It hurts kase! Buti pa si Lorean di umiiyak -bes 2.
Duhh! Sya pa! Bessy naman! -bes 3.
Mahal na mahal ko talaga si Rica mga bessy, fan ako -bes 1.
Yahh! Ako naman love ko si pauleen -bes 2.
Loreanatics here! -bes 3.
Yak! Omg bes! Loreanatics ware. -bes 2.
Lorean lovers nalang haha mukha kang jeje pag loreanatics -bes 1.
Agree, Lorean lovers. Oh pak! - bes 2.
Oo na -bes 3.

Maya maya lang ay nakarating na kame dito sa garden. Umupo kaagad si Pauleen sa bench at ako naman ay nanatiling nakatayo habang umiikot-ikot.

"Oh napano na?" Tanong ko ulit kay pau na umiiyak hanggang ngayon.

"E-eng kasi pu-pumunta kame sa Ca-canteen. Tapos g-gusto daw umupo ni R-rica sa tabi ni N-nicolas ka...kaya pinuntahan nya si N- icolas sa table nila a-at tinaboy sya n-ni Nicolas ka-kaya ayun pinatu-tulan ko si Nico-colas dahil ayaw ko yung n-naging pakikitungo n-nya kay Rica. Ka-kaya ayun nagalit si Nicolas ka-kay Rica ka-kase inaway ko pa si Nicolas.' Mangiyak ngiyak nyang sabi.

Naiintindihan ko naman sya e, pinoprotektahan nya lang naman si Rica. Pero paano nag end up na naging ganito?.

"Oh tapos anong nangyari?" Tinignan ko sya bago sya magsalita upang ituloy and kwento nila kanina.

"Ma-may kasama si nicolas non. Si Jo-joseph Lewis. Di ko na ma control sarili ko sa sobrang galit ka-kaya sinipa ko si Nicolas at sinunt-ok. Bu-buti nalang at inawat kame n-nila rica and jo-seph. Tapos na-nagpakilala ako ka-kay joseph na ikinagalit naman ni Rica. Sabi nya nagalit na daw si Nicolas sakanya habang ako naman masayang kausap si Joseph".

Inisnaban ko sya "tss. Yun lang?" Kainis naman, yun lang pala.

Kung makaiyak naman akala mo namatayan.

"Anong yun lang? Anlaking problema nun e huhuhu" mangiyak ngiyak nya pang sabi.

"Tss. First time nyo yatang mag away ng dahil sa isang lalaki HAHA." Tumawa tawa pako kase nga nakakatawa sila, mukhang tanga. "Alis na! Mag sorry ka sakanya!" Sabi ko habang pinagtutulak sya.

DESTINO HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon