8 Weeks (Day 1)

395 9 0
                                    

I consider myself as one of the luckiest person living in the universe. Kasi yung taong dati sa panaginip ko lang nakikita, nabigyan ako ng chance na makilala siya for 8 weeks, 13 hours and 21 minutes. Oo maikli lang para sa iba pero para sakin napakahalaga nung bawat sandali nun. Gaya ng sabi ni Hong Sam Nom/Hong Ra On sa Love In The Moonlight (epidode2) ----"Instead of thinking you love someone you can't have, try to think that you made good memories that you can cherish for a lifetime."

--------*************+++++++++++++++++++++

"Ano ? Tapos na daw ba yung training ?" Mahinahong tanong ko kay tin (libero ng team namin). Medyo pagod na rin ako kaya naisipan ko munang maupo sa gilid ng court.

"Oo daw para daw maaga tayong makapagprepare para sa final test" agad naman niyang sagot habang inaayos ang gamit sa bag "whhooo life life, final tests tapos sasabayan pa ng finals ng UAAP, mabubuhay pa ba tayo 'te?" Dagdag pa niya.

"Oo naman, ngayon pa ba tayo susuko ? Kung kailan patapos na ? Finals na nga diba ? Pagkatapos nito puro team buildings nalang tayo" pagkumbinsi ko naman sa kanya. At agad naman itong sumang-ayon.

Hi :) Jovelyn Gonzaga nga pala, student athlete sa FEU, nag-aaral ng mabuti at maraming pangarap sa buhay. Chosss.

Nasa school pa kami ngayon nagtetraining para sa paghahanda sa finals.

Pauwi na sana ko nun nang may bigla akong nakitang magandang babae sa may garden, mukhang may pinagdadaanan. Naglakad akong papunta sa pinupwestohan niya para makita ang ginagawa nito. Chismosa ako ee bakit ba ?

Nang malapit na ko sa pwesto niya, nakita ko ang ginagawa niyang binabato ang mga bulaklak sa garden.

"Haluuuhhh, si ... Tama siya nga Si Rachel Anne Daquis ? The queen tamaraw ? Whhooo how lucky am I ? Ang dahilan ng pagluwas ko dito sa manila para maging student-athlete dito sa feu (fangirl be like) unfortunately, nung makarating na ko dito sa piyu, tapos na yung collegiate term niya :(" bulong ko sa sarili ko kaya't dali dali kong kinuha ang cellphone ko sa bag para makapagpapicture sakanya.

At nung nakatayo na ko sa tabi ng inuupuan niya "ate Rachelllll" masayang banggit ko ngunit malungkot siyang tumingin sa akin at may mga luha sa mga mata nito. Nagulat ako sa nakita ko, Rachel Anne Daquis, umiiyak ? Yung Rad na kilala bilang kengkoy sa court umiiyak sa garden ng piyu ? Haluuhhh bakit ? Hindi ba dapat ako ang maiyak kasi Idol ko na tong katabi ko ohhh, bes Rad na toh.

"Yes?" Tumugon naman ito at unti-unting pinunasan ang mga luha sa mata.

"Papapicture po sana ako kung okey lang po?" Sorry shytype si ate niyo jubilen ee :).

Tumayo naman ito at sinabing "sige okey lang".

At nang makapagpapicture na ko sakanya " Ate Rad ? Okey ka lang po ba?" Mahinang tanong ko sakanya syempre concern fan here haha.

"Uuhhhhmm oo okey lang ako, may naalala lang. Wag mo nalng akong pansinin" at pilit itong ngumiti "any ways, you're Jovelyn Gonzales, Am I right?". Tanong naman nito na lubhang nakapagpangiti sakin oo bes ngiting wagi kahit mali apilyedo. Imagine kilala ako ni Idol ? Heaven bes.

" aahhmmm Jovelyn Gonzaga po, not Gonzales" pagtatama ko sakanya. Minsan kasi kailangang itama ang mga mali (maliban lang sa test)

"Ahhhh okey sorry, Nice to meet you Jovelyn" and she offer her hand at syempre sino ba naman ako para hindi yun tanggapin "Gonzaga" habang we're shaking our hands.

"More than nice to meet you din po Idol Rad" sagot ko naman dito. "Sana po makasama din namin kayo sa training" dagdag ko pa, kinapalan ko na mukha ko bes, para sulit naman pagluwas ko dito.

"Soon" at ngumiti ito kahit halatang pilit at tumingin siya sa wrist watch niyang FEU "osiya sige na naabala na ata kita, I have to go na din naglabas lang talaga ko ng sama ng loob dito. Goodluck sa finals, bring back the crown to morayta okey?" Bilin pa nito

"Opo we will try our very very best of the best, Idol. Bye din po, ingat po sana magkita po ulit tayo soon" paalam ko naman dito

"Bye" yun nalng ang nasabi niya at unti unti nang naglakad palayo sakin.

"Ingat ka ate Rad ahh" muling paalam ko dito at iniangat nalng niya ang kamay niya with 'okey sign' (👍)

Grabe talaga tong araw na to, ito yung klase nang araw na ayaw kong matapos. Sana makita ko ulit siya. Grabesya nakakainlab siya ng sobra kala ko mahihimatay na ko sa harapan niya pero buti naagapan ko yung puso ko.

8 weeks, 13 Hours, 21 minutesWhere stories live. Discover now