8 Weeks (Day 3)

186 7 1
                                    

Maaga akong pumasok sa school, para magtraining kasi bukas na ang simula ng Finals round kaya kailangan namin ng puspusang training. Habang naglalakad ako papunta sa court ay may nakasabay ako dalawang babaeng may hawak ng cp at nagkukwentuhan.

"Eto be oh, tingnan mo. Odiba ? Si Rachel Anne Daquis nga yun! Sabi sayo ee kotse niya talaga yun ee" sabi nung isa

At sumagot naman yung isa "hala be oo nga, okey lang kaya siya ? Tsaka diba bago yang kotse niya na yan ?'

"Siguro, kotse lang naman yung binangga ee, hindi naman siya tsaka likod naman to oh syempre siguro naman nasa driver's seat siya" sagot din ng isa "oo ayan yung bagong bili niya" dagdag pa nito

"Sa pagkakaalam ko, papunta siya nun dito ee para tulongan yung lady tams magtraining kaso ayan nga yung nangyari kaya di na siya tumuloy"

Kaya't nagmadali na kong tumakbo papunta sa court para ibalita ito kay coach tsaka sa mga kaTeammates ko.

"Ohh andyan na pala ee," tingin ni coach saakin at mukhang ako nalng ang wala "so pano magsisimula na tayo ?"

"Wait coach teka lang . May balita na po ba kay ate Rachel ?" Nag-aalalang tanong, ewan ko ba basta kabadong-kabado ako ngayon

"Anong meron kay ate rachel ?" Tanong din naman ni Carlota

"Ahhh yung kotse ba niya ?" Singit ni coach nung akmang sasagutin ko na ang tanong ni carly

"Opo coach, okey lang po ba siya ?" Muling tanong ko

"Jovs and Lady Tams, no need to worry about Rachel" pagpapakalma ni coach "Una sa lahat, nagsorry na yung nakabangga at nangakong sasagutin niya yung ipampapagawa sa mga naging damage, pangalawa Kilala nila yun, kaibigan ng pamilya nila, at higit sa lahat kapatid niya yung sakay nung sasakyan at si bumblebee ang dala dala niya kahapon" paliwanag ni coach.

Tila ba nabunutan ako ng 100 tinik sa katawan nung narinig ang mga iyon.

"Hindi siya nakaabot kahapon kasi pinatawag siya nung manager ng RC Cola at inofferan siya to be part ng binubuo nilang team, at unluckily hindi ulit siya makakapunta ngayong morning seassion dahil she have to sign her contract sa RC Cola but she promised naman na pupunta siya sa afternoon seassion kaya pagbutihin niyo na ang pagpapapractice niyo dahil ang sabi ni Rachel, kasama niya daw mamaya si Veteran Tina Salak at ang Head Manager ng RC Cola .. Kaya galaw galaw na Lady tams !" Dagdag pa ni coach

"Woooooww Tina Salak, the veteran" si jerrili ayun

"Aigoooo" si Jeneath naman yun, si jeneath na nilalamon na ng kdrama "omoo Rachel Anne Daquis at Tina Salak with RC Cola management pa ?" Dagdag pa niya





At nagsimula na nga ang masinsinang training namin . syempre kailangan ee, kailangan manotice ako ni Idol . Kailangan madiscover niya ko .











(Lunch Break)

Nakaupo lang kami sa Bench ng Court habang inaantay ang pagkain namin . Oo isa to sa perks of being an varsity, libre foods at hindi ka talaga nila gugutomin, kulang na nga lang ampunin ka ng school ee . Pero isa din tong challenge samin na kailangang gawin nmin best namin pagnaglalaro para naman di masayang pinapakain samin . Hahaha pero no issues naman about dun.

"Tingin ko andiyan na sila" at tumayo na si coach . Kaya't napatingin nalng din kami kung saan siya nakatingin

"Ang alin ang andyan na ? Yung pagkain o yung mga bisita?" Tanong naman ni Bernadet

"Parehas bes, aigooo" sagot nman ni Jeneath

Nagulat rin ako sa nakita ko, oo tama sila RAD at tina salak nga dala dala ang pagkain namin habang si coach naman ay sunundo sa sasakyan ang iba pang bisita, tingin ako ayun na yung manager.

"Hi guys" bati ni ate tina

Kaya't isa-isa kaming tumugon sa bati niya

"Galingan niyo guys ahh, we're looking forward for something" sabi naman ni ate rachel

"Something like what?" Nagugulohang tanong ni kyle.

Wala ee speechless ako ngayon ee, nasa harap ko na mga idol ko ee.

"Malalaman niyo mamaya (sabay kindat)" si ate rachel ulit yun

Ggrrrr!! That " dapat pala ako nalng yung nagtanong para ako yung kinindatan " Feeling

"Aaauuhhhh inggit nanaman si jovs" bulyaw ni Maica

"Ayyy owww Hi Jovelyn, nice meeting you again" at binigyan niya ko ng isang matamis na ngiti

"Hello po, nicest meeting you again ate Rachel" sagot ko naman sakanya

"Wala na uwian na, ginalingan na ee .. May Champion na" bulyaw naman ni tin

"Ttssss kaw talaga tin, ang kulit mo pa din" si ate rachel ulit yun at agad naman nitong inakbayan si tin

Aaaayyyttt!! That "bakit ? Bakit hindi nalng ako ? Bakit si tin pa ?" Feeling ulet

"Ate Rachel, si Jovs din daw" singhal naman ni angelika

"Hahahaha di bagay ee, matangkad siya ee konti lang height gap namin . Cuddle nalng?" Sagot naman ni ate rachel

"Oohhh jovs, opportunity na ! Cuddle daw" si maica naman iyon

"Ayun po ate rachel, ako nanaman po nakita nilang pagtripan" ang tanging nasambit ko nalng . Pero deep inside *sige ba :D*

"Susss okey lang yun, part of a team . Halika na nga!" At inihanda na ang mga kamay niya para yakapin ako kaya lumapit na rin ako saknya at sinamantala ang opportuniting sinasabi nila.

"Ayan na may inspiration na" pang-aalaska naman ni kyle.

"Okey girls, may announcement sila" si ate tina naman yun .. Matapos siyang kausapin ni Coach at nung mga manager.

"Listen carefully lady tams, it's a very important announcement and opportunity para sating lahat" paalala nman ni coach

"Okey, btw I'm Henry Tan, head manager ng RC Cola Army team . At marahil nagtataka kayo kung anong ginagawa ko dito . Okey ganto yan, since kulang pa kami ng isa sa team, we are conducting an open try out kaya napagdesisyonan namin na sa inyo kumuha ng player at since isa lang ang kulang kaya isa lang din ang kukunin namin but don't worry sa mga hindi mapipili, always remember, there's always a lot of chances . So pano mamaalam muna ko, I will take charge ate tina at ate rachel, sila na ang bahalang humusga" paliwag niya

"Okey po thank you po" sabay sabay namang banggit namin.

"Okey guys kain muna kayo at after lunch hindi muna tayo magkakakila-kilala since we will have our try out now" paliwanag ni ate tina

"Ngayon na agad ? As in ?" Tanong naman ni bernadeth

"Yap ! As in . But enjoy your lunch first and later, Rachel will discuss the critics" sagot ni coach

So pagginalingan ko ? Magiging kaTeammates ko si ate rachel ? Aba'y ayos naman pala to ee . Ayyy dapat palang magpakabusog muna ko para ilalabas ko na lahat ng lakas ko mamaya .






(After Try Out)
"Good job girls, ngayon palang nakikita ko na ang future ng philippine volleyball" masayang banggit naman ni ate tina . "at sa pag-uusap usap naming tatlo nila rachel at coach, may napili kaming tatlo sa inyo but we will announce it after ng Finals, kasi itetest din muna namin ang galaw nung tatlong yun during the game. So lady tams, focus muna kayo sa finals niyo, bring back the bacon okey ?!! Lets go tamaraws, lets go!!" Dagdag pa niya.

"So pano girls ? Magpaalam na kayo sa mga ate niyo !! Baka abutan pa sila ng traffic" si coach naman iyun.

'Paalam ? Kailangan ba laging may paalam ? Di pwedeng puro hi at hello nalang?' Those words running on my mind.

At isa isa na nga kaming nagpaalam at ganun rin ang ginawa nila.




----------
May nagbabasa ba ??? Paramdam kayo guys :* Godbless :)

8 weeks, 13 Hours, 21 minutesWhere stories live. Discover now