Chapter 1

1.5K 26 3
                                    


  "MULTO UNIVERSITY"
a Short Horror Comedy plus medyo Romanti
Written by : JANELLE MAE CASTAÑEDA
Naniniwala ka bah sa multo?
Sa engkanto?
Sa forever?
Kung hindi, baka sakaling maniwala ka na kapag nakilala mo na sila ...... 
Babae1: ano bah bes! Bakit dito tayo dumaan!
Babae2: bakit natatakot ka bah?
Babae1: alam mo may nagpapakita daw dito na white lady !
Babae2: white lady? Gago! Eh mas nakakatakot pa nga 'yang mukha mo!
Babae1: Grabeh! Ang lakas mo naman mang-asar ! Nahiya naman ako sa mukha mo na parang pusang bakla! ...
.
Babae2: che! .... Hindi nga totoo 'yang mga multo na 'yan ! ...
"Weeehhh?"
Babae2: tekah? Ikaw bah yung nagsalita?
Babae1: anong nagsalita?
Babae2: yung nagsabi ng "weeehh" ??
Babae1: weeehh??? ... Hindi ha?! Nainum mo bah yung gamot mo sa ulo?! (nag-aasar)
Babae2: eh kung basagin ko Kaya 'yang bungo mo!! ... Eh kung hindi Ikaw ang nagsabi nun ?... Sino??
"ako!"
(Bigla silang Napalingon at nakita ang isang lalaking duguan na nakatayo....)
Babae1: be-b-!e- ..beeesss!!!! May multo!!!
Babae2: AaAaaAaAHHHHhhhHH!!!­
(tumakbo papalayo)
"GANERN!!!"
"ganern ang tamang paraan ng pananakot Sheena!"
"Eh 'di ikaw na ang magaling Duday !!"
Ako si Sheena, 16 years old at 3 years ng patay ...isang akong White Lady ....
3 years ago namatay ako dahil nabangga ako ng isang kotse ....Sinusundan ko kasi yung crush ko eh, Si James Andrew Dela Cruz!!! Hindi ko kasi napansin na may biglang kotse Kaya ayun! WAPAK! ... Patay ang ate nyo!! ..
Natanggap na ng pamilya ko na wala na ako ..... Nung bumisita nga ako sa luma naming bahay , narinig ko na sinabi ng Nanay ko na , "Ang landi-landi kasi kaya ayun WAPAK!" .. Dumagdag pa yung tatay ko, "Sana matahimik na yung kagagahan nya ..."
Ganun lang talagah sila pero alam ko na mahal nila ako kaya pumunta sila ng America .... para maka-moveon sa nangyari ... gusto ko nga silang bisitahin pero wala akong passport ! ...
Then one day nakilala ko 'tong si Duday, isang etchoserang makeup artist na ginahasa daw ayun sa kanya , pero nalaman ko na ninakawan pala yung parlor na pagmamay-ari nya tapos pinatay pa sya ...
Kewewe nemen sye pere keelengen nemen meg MOVE ON !!!
Isang araw, dinala ako ni Duday sa isang university ........ Isang kakaibang university!!
Duday: Halika ka nga rito! Para kang ignorante!
Ako: sorry!! ... Hindi lang talaga ako makapaniwala na merong ganitong unibersidad!
Teka ? Ano bang ginagawa natin dito??
Duday: Ito ang MULTO UNIVERSITY, ang natatanging eskwelahan para sa tulad engkanto, maligno, multo at mga kaluluwa! .... At nandito tayo para makapa-enroll Ka!
Ako: enroll? Wow! Lupet !
(biglang may lumapit sa amin- ISANG BAKLANG TIKBALANG)
Duday: Madam Digidig-digidig! Kamusta po kayo 
Madam Digidig-digidig :heto maganda parin  ....
(at nagtawanan silang dalawa-----boring!)
Duday: may kasama pala ako si Sheena, white lady po ...
Madam Digidig-digidig : Sheena, tawagin mo nalang akong Madam D.
Ako: Opo Madam D. 
(Sinamahan na kami ni Madam D sa classroom )
Madam D. : Mga Lamang lupa, Hampas Lupa at kutong Lupa ... Umupo kayo ng maayos dahil may bago kayong kaklase....
(tumingin sya sa akin)
Ipakilala mo ang sarili mo Sheena...
Ako: Ahh... Opo .....
Ako si Sheena, isang white lady ... 3 years na akong patay ...
(biglang tumayo ang isang kapre na nakasuot ng backless na damit at naka mini skirt)
"Virgin Ka pa bah Sheena?"
Ako: aahh? Opo , proud virgin 
(bigla silang nagtawanan)
"kawawa Ka naman... Namatay na virgin! Hahaha"
Duday: Chhee!! Ikaw nga dyan naninilip nalang kapag may lalaking umiihi sa puno!
(mas lalong umingay dahil sa tawanan)
Madam D. : TAMA na ang bangayan ! At sisimulan na natin ang first lesson ..
.. Ang RULES and REGULATIONS natin...
Una, bawat isa sa inyo ay dapat maging magandang ehemplo sa kapwa-multo ... Pangalawa, bawal magdala ng cellphone tuwing klase o mananakot! Bawal ang selfie! Groupie ! At Facebook!
Ivy (isang manananggal) : Pero Madam D ?! Hindi na ako makapag-status nyan?! Wala nang Hashtag Tanggal Laman at "At The Moment" ...
.Jessa (isang tiktik) : Oo nga! Paano na kaya yung ka-chat kong foreigner na Aswang?!!
Madam D : I don't care! Basta sinabi Kong BAWAL,....BAWAL!!!
(tumahimik ang dalawa)
Pangatlo, BAWAL MA- INLOVE SA TAO !!!
Ako: oh my g!! Pero?!!!
Pag-uwi namin sa lumang bahay ni Duday , napansin nya na malungkot ako :
Duday: what's the matter?
Ako: Yung pangatlong rules eh ..... Bawal mainlove sa Tao 
Duday: eh tapos?
Ako: mahal ko parin si James!
Duday: Asus!! Dibah sabi mo crush mo lang sya tapos ngayon "MAHAL MO NA SYA"?? Wow! Lupet!
Ako: pwede mo bah akong samahan sa bahay nila?
Duday: Sure ......
Ako: talaga?!! (ngumiti bigla)
Duday: pero samahan mo muna ako ......
Ako: Saan? Pero gabi na oh! ... 9 pm na!
Duday: basta! ( umalis na agad kami)
Ako: teka? Bakit tayo andito sa CR ng mga lalaki? Bawal ako dito!
Duday: OA!! Hindi naman tayo nila nakikita ...pero ako KITANG KITA KO ANG KANILA .... !!!
(TUWANG-TUWA ANG BAKLA)
(biglang may pumasok sa cr, GWAPO, CHINITO, MATANGKAD , MAPUTI at MALAKI !!! ...........................................
.............................ang MUSCLES!..
Duday: oh my!! This is it !!
(dahan-dahan binuksan ng lalaki ang zipper nya at umihi...)
Duday: oh my g! Oh my g! Bubuksan nya na !!!............... (biglang nagulat) .....HUH?!!! Bat ganun? Ang liit ..... ?
Ako: alam mo Duday! Ang basto mo talaga! (bigla Kong natabig ang balde at nahulog ito)
(lumingon ang lalaki pero hindi nya kami nakita .......)
Ako: takutin nalang natin sya! .... (Kinuha ko yung tabo at inangat ito ...)
Chinito: OH MAY!!! (gulat na gulat) ......
(tapos patay-sindi sa ilaw)
(at bigla nalang syang ......
Chinito: ...OUR FATHER WHO WORKS ON HEAVEN HOLY BE YOUR NAME ........(sobrang takot at bigla nalang 'tong sumigaw na parang isang babaeng nanganganak...) AaaaaaHhhhhHhhhh!!!!!!multo!!!!!
Ako: oh ganern! WAPAK!
Duday: eh 'di ikaw na! Ikaw na yung magaling! Ikaw na yung famous! Ikaw na yung mayaman! Ikaw na yung main character sa kwento!!!(tsskk)
Ako: Hahaha bakit Ka bah nagagalit kung maliit yung alaga ni chinito este chinita pala! .. Hahaha (tawang tawa)
(biglang may pumasok na madre)
Duday: Oh my G! May madre! Umalis tayo !! (natakot bigla)
Ako: Teka? Bakit pumasok ang madre dito na CR 'to ng mga lalaki?!
(lumapit ako sa madre at bumulong....)
Ako: NASA KABILA PO YUNG CR NG PAMBABAE MOTHER ....
(lumingon ito sa akin at sumagot ...)
Madre: ANO?! Sorry medyo malabo na pala ang mata ko iha ... Salamat ha ....( sinuot ang salamin nya sa mata)
(BIGLA SYANG NAGULAT... LUMAKI ANG MATA at SUMIGAW....)
Madre: MMMUL--MULTOOO!!!!!
Duday: mag-ingat Ka Sheena, nakalaban na 'yan dati ni San Goku !! Malakas 'yan!!!
Ako: anoh?
(kinuha ng madre ang rosario nya)
Madre: Kapangyarihang pinagkaloob sa akin ng kalangitan!
Ngayon bigyang kaparusahan!
Ang multong ito ay ibalik sa impyerno! .... ( nag pose na parang si Sailor Moon ..)
(biglang lumiwanag ang rosaryo nya)
Duday: umalis na tayo !! Tara sa fire exit!!!
(hinila ako ni Duday at tumakbo palabas --- pero hinabol kami ng Madre ... At tinawag nya ang mga kasamahan nya ...)
Madre ( kinuha ang iphone 7 at tumawag sa mga kasamahan nya) : Hello? Abangan nyo dyan sa groundfloor ang dalawang kaluluwa ..... Roger!...
Ako: sumakay nalang tayo sa elevator!
Duday: huwag na!! Wala tayong pambayad!! Fire exit nalang bilis!
Ako: Huhh?! Elevator may bayad !?!! AAYY MULTO NA NGA BOBO PA?!!?!
Pagdating namin dun sa groundfloor bigla nalang sumigaw yung isang madre ..
Madre2: sumuko na kayo! Napapalibutan na namin kayo! Marapat nang itaas nyo na ang iyong mga kamay kung hindi mamamatay Kayo! ...
Madre3: patay na po sila mader, kaluluwa na po sila ..
Madre2: Eh 'di Double kill!!
Ako: sumuko na tayo Duday?!
Duday: hindi tayo susuko! ... Lalaban tayo! Para sa ekonomiya! Para sa kalayaan ng Pilipinas!!
(hinila ako ni Duday at tumagos kami sa dingding)
Duday: hhhaaayyysss!!! Muntik na tayo dun! Buti naalala ko na kaya nating tumagos sa dingding ...
Ako: ULOL!!! Tapos hinila-hila mo pa ako papuntang fire exit!
The Next day , :
Ako: Duday?! Gumising ka na!?! Dibah sabi mo sasamahan mo ako kena James?!
Duday: 5 minutes more... Inaantok pa ako .... -.-
Ako: huh?! Hindi natutulog ang multo!
Duday: hindi totoo 'yan .... Kailangan ng multo na magpahinga ... -.-
Ako: ANDYAN YUNG MGA MADRE!!
Duday: Huh?!!! Saaan??!!!!
Ako: eh 'di gising ka na  .... (naisahan ko sya! )
(At dumating na nga kami sa bahay ni James ...)
Duday: wow!! Ang laki ng bahay nila ..
Ako: Tao po? James? TAO POOOO??!!! (kumatok sa gate )
Duday: HALA!!?! BOBO!! Multo na nga tapos kumakatok pah?!! Heler!!! (Lumapit sa gate .....at nag Door Bell!...Hahaha) ....
(biglang may bumukas ng gate)
James: Sino 'yan?? ..... Huh? ... Bakit walang Tao ... ??
Duday: oh my G! (nagdrama bigla) BULAG SYA??!!
Ako: Hindi nya tayo nakikita dahil multo na tayo ! Huwag kang TANGA!!
Duday: Eh 'di multo !! Ikaw na yung famous! Ikaw na yung bida sa kwento! Ikaw na yung gusto ng writer! Ikaw na yung may Lovelife! Ikaw na lahat bes! ..... Teka??! Ang bastos !! Kanina pa pala ako walang kausap dito! Pumasok na pala ang gaga! ....... Hoy! Yung nagbabasa pumasok ka na rin!!
(Nakaupo si James sa sofa ... Nanood ng TV ).
Ako: James? (medyo naiiyak na....)
Duday: Wow!! Ang ganda ng bahay nila! Parang bagong ayos! Ang laki ng flatscreen tv ! Wow !! NBA pa yung pinanonood nya!!
Ako: itigil mo nga yang pagiging ignorante mo! Nagmo-moment pa nga ako eh!
Duday: eh di ikaw na yung may moment! Ikaw na yung famous! Ikaw na yung may lovelife! Ikaw na yung gusto ng writer !!
Ako: AT IKAW NA YUNG PUPUTUKAN NG ULO ngayon pag 'di Ka tumigil dyan!!
Duday: sabi ko nga eh ...(sabay zipper sa bunganga)
Ako: James, sorry kung hindi kita masasamahan sa bawat anniversary natin ...
Duday: ( at nag-ASSUME to the highest level ang bruha!!)
Ako: sorry kung hindi na kita mapaghahandaan ng breakfast tuwing pupunta Ka na sa trabaho .....
Duday: ( naaawa talaga ako sa kagagahan nya)
ako (biglang tumingin Kay Duday) : alam ko ang iniisip mo !!
Duday: sorry .... Hehehe ..
Ako: James? ... Sorry ..... 
Mahal na mahal kita!........ MAHAL MO BAH AKO?? 
(biglang tumayo si James at tumalon--- Sobrang saya nito!)
James: Yeeeessss!!! Woohh!!! Yess!!!!
Ako: Duday?! Narinig mo bah yun ?!!! Mahal nya ako!!!!
Duday: talaga?! Eh 'di ikaw na yung mahal nya! Ikaw na yung may moment! Ikaw na ang famous! Ikaw na yung bida! Ikaw na Yung gusto ng writer!!! Pati nung nagbabasa nito ikaw na ang gusto !!!
Ako: James? Talaga ? Mahal mo ako?
James: Yeesss!!! Thank you Lord!!
Ako: (nagblush ng sobra) ang saya ko! (lumabas ng bahay)
James: Yess!!! Woohh!! Yess!! Panalo ang team na tinayaan ko!!! Yess!!!! Woohh!!!
Duday: HUH??!?!!! PATAY!!! .... Kaya naman pala "Yes" sya ng "yes....
(sinundan ni Duday si Sheena sa labas)
Duday: Sheena!! Tumigil ka sa kasasayaw mo dyan sa kalsada! May dapat kang malaman!
Ako: huh?! Mamaya na nagmomoment ako dito!! (sobrang saya)
(biglang may dumating na kotse....)
Ako: tekah? Pamilyar yung kotse?!
Duday: may sasabihin ako sayo! NBA!! Yung sa TV!!
Ako: oh My G!!! Yun yung bumangga sa akin!!!!
(lumabas sa kotse ang isang babae)
Ako: Rhea?? (gulat na gulat)
Duday: ANO??!!! Yung singer?!! Yung judge ng The Voice ?? Si Rhea Salonga?!
Ako: ano?!... HALA!! Multo na nga BOBO pah! Lea Salonga yun! ... Sya si Rhea, bespren ko.... Pero bakit andito sya sa bahay ni James? Anong pakay nya?
(pumasok si Rhea at sinalubong sya si James)
James: Mahal mustah ang lakad mo?
Duday: Oh my G!! Sya pala si MAHAL??!! Tumangkad na pala sya?!! Kailan lang nagde-date pa sila ni Dagul ....
Rhea: ok lang din mahal 
(nag hug at kiss)
Ako: (gulat na gulat) si Rhea ang pumatay sa akin? Pero bakit?
Duday: baka may gusto sya Kay James! Tapos nang nalaman nyang may gusto ka din Kay James pinatay ka nya!!
Ako: Huh?!! Paano mo nalaman?!!
Duday: Ewan ko pero yun ang nakasulat sa script!! ...tanong mo sa writer nitong kwento!!
Ako: huh?!
kinagabihan,
Pumunta kami sa kwarto nila James at Rhea ...
Magtutulog na sana ang dalawa kaya bigla akong sumanib sa katawan ni James...
Rhea: James?? Ok ka lang?
James (Sheena/ako) : Bakit mo ako pinatay ???
Rhea: Ano ?? James? Anong pinagsasabi mo?
James(ako) : hindi ako si James!! Ako ang bespren na pinatay mo!!
Rhea: Michelle??
James (ako) : huh?! ....Hindi!!!
Rhea: Lorna?? Thea? Analyn?? Teka Sino bah?
Duday: oh my!!! Ang dami nya na palang napatay!!... Wala syang puso't kaluluwa!!!
Rhea: Sino nga?!! Ahhh!! ..... Sheena?!!
James (ako) : So totoo nga na ikaw ang pumatay sa akin!!
(lumabas ako sa katawan ni James)
Rhea: Oo!! Ako ang pumatay sayo Sheena!!! At ginawa ko yung dahil mahal ko si James!! At gagawin ko ang lahat-lahat para maagaw sya sayo!!
James: Ano? .... Ikaw ang pumatay Kay Sheena? ... Ikaw ang pumatay sa crush ko?!!
Duday: ahhh!! Kinilig ang matres ko sa sinabi nya!!
Ako: crush din ako ni James?. (nakangiti)
Rhea: James? Ikaw na bah yan?? Sorry nagawa ko lang yun dahil mahal kita!!!
James: Sorry din pero Mali ang ginawa mo!!
(dumating ang mga pulis sa bahay at hinuli si Rhea)
Ako: James? ..... Salamat 
Duday: Sheena!! Mukhang may problema tayo!! Tinawagan din ni James ang Ninja turtles!!
Ako: ano?! Ninja turtles??
Duday: YUNG MGA MADRE!!!
Madre1: Huwag na kayong lumaban pa ! Kailangan nyo nang pumunta sa langit upang husgahan!
Madre2: Sheena! Pumayag ka na
Duday: huwag kang pumayag Sheena kung hindi matatapos na ang kwentong ito!! Este magkakahiwalay kayo ulit ni James!
(lumapit si James)
James: Sheena?.... Kung naririnig mo ako .... Please pumayag ka na ....
Ako: (umiiyak) ...
James..... Tandaan mo mahal na mahal kita 
Duday: hOY writer!!! Gawin mo akong dragon para mapigilan ko ito!!! Huhuhu!!!
Ako: Duday, tama na .... Magpahinga na tayo ....
(lumapit si Duday at hinawakan nya ang mga kamay ko ....
..dahan-dahan kaming nawawala ....
Naging parang pira-pirasong kristal kami papuntang langit ....)
At sa huling pagkakataon .....
Nakita ako ni James
James: Mahal kita huwag Mong kakalimutan yun 
Ako (umiiyak) : mahal din kita James 
Duday: Mga kapamilya , ito po ang MMK at ako si Charo Santos ....
Ako: hoy Duday! .. ako ang bida dibah? Akin muna ang moment ha 
Duday: eh 'di ikaw na yung may happy ending! Ikaw na ang may love life! !! Famous!! may moment!!! Bida at gusto ng writer!! Ikaw na ang lahat!!
Ako: pero ikaw ang bagong bespren ko  .....
Duday: talagah!!! Nakaka touch na man 'yang sinabi mo !!!
Excited na akong pumunta sa langit !!! .... Ano kaya ang hitsura ni San Pedro?? Balita ko may six-packed abs daw sya .....
Ako: Hahaha ..... 
(at nakarating na sila sa langit..... )
The End !!
Duday: Sabi ko na magtatapos na ang kwento eh!! Hoy! Tama na ang pagbabasa may katabi kang hindi mo nakikita!!!!
END
Akala mo End na hindi pa may kasunod pa po iyan  

"MULTO UNIVERSITY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon