Bespren

64 2 0
                                    

(Princess' POV)

"Ry, Tara na.. Dali! Sa canteen na tayo." pagaaya ni Andrew sa akin

"Oo na, Nagmamadali di naman aalis si Kristty"

"*Pouts* Kakain kaya tayo"

"Lelang mo! Kakain daw gusto mo lang makita si Kristty"

"Sige na nga"

Since grade 1st year kaklase ko si Andrew, at ngayon 4th year na kami, bale mag fofour years nakami niya sa october at august palang ngayon. Yung si Kristty gusto niya yun, ewan ko nga bat nagustuhan ni Andrew yun. Mas maganda naman ako wala siyang taste pumapatol sa mga Peke, mapagpanggap at gold digger

"Ate isang coke, spaghetti, burger, frenchfries ,ano pa ba? ah! Siomai 6 pieces po" 

"Andami naman niya drew?" pagtatanong ko

"Hah? Diet nga ako ehh.. Kailangan ko nang magpagwapo para kay Kristty baka di niya ako magustuhan at siyempre sayo yung siomai" sabay ngiti. 

*0* Ang gawapo niya talaga kahit naka eyeglasses pa siya, ewan ko sa lalaking to bat di mag ayos. Gwapo naman di nga lang alam pumorma, pero kahit naman na hindi na siya pumorma gusto ko parin siya. Ayiee.. kiligin kayo! Dali!

"Ohh.." umupo na kami sa isang table dun, siyempre kung saan malapit yung table ni Kristty *Roll Eyes* mukhanh paa lang naman ehh.. naka salamin na siya pero malabo parin ang mata niya

"Grabe Ry.. Ang ganda niya talaga" pinagpapantasyahan nananaman kase ng magaling kong bespren ang panget na si Kristty. Kung ako nalang tinitignan niya. Eh di sana masaya na siya inlove pa. Swerte pa O! diba 3 in 1. Kaso hindi Ehh..

"Tigilan mo nga yan Drew, nakakaasiwa ka." pagrereklamo ko. nakakaimbyerna ehh

"Si Ry talaga oh! Selos ka nuh.. Hahaha Ang gwapo ko talaga" Napailing lang ako sa sobrang kahanginan niya. Pero totoo naman selos ako ehh.XD

"Psh!"

"Uii.. Galit ka na ba? Sorry na.." At makulit po siya.

"Oo na oo na!" ayan okay lang saakin yun.

Pagkatapos naming kumain bumalik na kami sa mga Room namin. Pero dumaan muna kaming banyo. Pinauna ko na si Andrew

"Alam mo bang gusto ka ng andrew santillian yung 4th year na top lagi sa klase?" yan ang narinig ko pagpsok ko pa lang ng banyo.

"Huh? Sino yun? Gwapo ba? Mayaman?" tanong niya

Gold Digger talaga =.="

"Oo naman mayaman, kanina ko lang narealize na gwapo siya. Kung aayusan yun kamuha niya si Luhan ng Exo Grabe naman kase ang pagkanerd nun ehh pero gwapo talaga!" makilig kilig pa na sabi nung kausap ni Kristty Impakta

"Oh sige sige.. Lalapitan ko sa Monday" naghuhugas ako ng kamay ko at naririnig ko sila, di ba nila ako kilala? Mga impaktang to!

Pumasok na ako sa Room.

"Ry dito.." pinagtabi pa ako ng Seat ni Bespren oh! kilig ako.XD

Umupo naman ako don. Habang nag lelesson..

"Ry, Magiging pogi na ako sa Monday, abangan mo ko ahh?" pagmamayabang niya

"Ano ka? Teleserye?"

"basta! Abangan mo ko.. Maiinlove ka saakin panigurado" 

"Di kapanga nagaayos inlove naako" bulong ko

"Ano yun?"

"Wala, sabi ko aabangan nakita"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bespren(One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon