Prologue

14 0 0
                                    

"Paolo kausapin mo naman ako!" sa bilis ng lakad niya hinahabol ko na siya. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko. Hindi ko dapat ginagawa to pero mahal ko sya kaya gagawin ko.

"Ano bang gusto mo?!" sigaw ni Pao. Na para bang punong puno ng galit. Hindi naman siya ganito dati eh.

"Gusto ko?! Gusto ko ng closure!" yan lang naman ang gusto kong malaman eh.

"Closure saan Danica?!" muling pag sigaw niya saakin.

"Sa atin. Sa tayo! San pa ba?!" Ano nga ba ako sayo? Ano nga ba tayo?

"Tayo?! Eh wala namang tayo eh! Danica naman! Kaibigan lang ang tingin ko sayo!" mga salita niyang tila dumurog sa puso kong walang ginawang iba kundi mahalin lang siya. Oo nga pala, hindi nga pala kami.

"Kaibigan? Paolo.. Ka..kaibigan?" maluha-luha kong sambit.

"Oo! Kaibigan lang! Oh ayan na ung closure na hinihingi mo ah!" ang sakit mong magsalita..

"Pero sweet ka sakin.. sabi mo mahal mo ako.. pinaramdam mo na mahalaga ako sayo." Wala lang ba yun para sayo?

"Pwede ba Danica? Walang tayo! Ganun lang talaga ako. Bakit ba ang kulit kulit mo?!"

"Pero mahal kita.." kahit sobrang nasasaktan na ako.

"Sorry Dan.. hindi ko deserve yang pagmamahal mo. May mas better pang darating sayo. Salamat nalang. Mauuna nako."

At tuluyan nang umalis ang mahal ko.. iniwan akong luhaan. Paolo, bakit ka naman ganyan? Napaka pa-fall mong hayup ka!

SANA HINDI NALANG KITA NAKILALA!

Wala Eh, Tanga EhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon