Chapter 1

6 0 0
                                    

Bigla akong nagising sa isang masamang panaginip. Napansin kong may basa sa muka ko. Umiiyak na pala ako. Grabe pala, ang sakit. Panaginip palang yun sobrang sakit na. Paano kaya pag totoo na?

4:54 am palang, since hindi na ako makatulog.. nag online ako. Tinignan ko kung ilang hours siyang online..

Active 1hr ago..

1 hour? Ibigsabihin nagpuyat nanaman siya? Hay nako, Paolo talaga pasaway. Ano nanaman kayang pinagkaabalahan nun? Inistalk ko sya. Nagpost siya ng selfie. Ang gwapo niya talaga. Medyo singkit, matangos yung ilong, sakto lang yung kulay, tapos yung lips nya ugh. Hahaha. May nakita akong nagcomment, babae..

"Gwapo mo talaga B! 😍😘"

B? Anong B? Biglang may kumirot sa puso ko. Bumigat ung pakiramdam ko.. anong ibigsabihin nito?

Nakaidlip ako. Pag gising ko 8:21am na. Tinignan ko agad yung phone ko. May text message.

From: PaoMyLoves

Goodmorning princess! Kumain kana ba? Wag kang magpapagutom ha? Mahal na mahal kita! Ingat ka palagi. Mwa! Iloveyou!

Na siyang nagbigay ngiti saking mga labi :') Napakasweet talaga ni Paolo. Nireplyan ko na siya. Nagdecide kaming magkita sa Mall malapit samin ng 11 o'clock.

Agad akong naligo, nagbihis, at shempre! Nagpaganda. Hahaha. Kailangan maganda ako pag nagsama kami!

10:40 am, nakaready nako lahat lahat. Bigla siyang tumawag..

"Baby? San kana?"

"House palang baby, ikaw?"

"Nakaready kana ba?"

"Opo kanina pa."

"Susunduin na kita. Hintayin mo ako jan."

"Huh? Osige. Mag ingat ka."

"I will. Thankyou."

Hinintay ko siya dito sa labas namin, may huminto na trike. Nakita kong bumaba si Pao. Naka navy blue v-neck shirt saka pants. Simple pero ang lakas ng dating.

"Baby! Tara lakad tayo."

"Huh? Hindi kaba naiinitan baby?"

"Sakto lang yan! Basta kasama kita. Saka walks are romantic no! (sabay pisil sa ilong ko)"

"Hahaha baliw ka talaga. Sige na nga."

Naglakad kami. Malapit lang naman yung mall samin. Napansin kong tingin sya ng tingin sakin. Hinahawakan nya ung kamay ko habang naglalakad kami.

Nung nakarating na kami sa mall, kumain kami sa paborito naming kainan.. sa Siomai-yan! Hahaha. Dyan lagi bagsak namin dahil mahilig kami sa siomai. Sinusubuan nya ako tapos sinusubuan ko rin sya. Inaasar nya pa ako kasi antakaw ko daw. Eh sya nga tong nakakatatlong order eh!

Pumunta kami ng Quantum, diretso sa kantahan. Kinantahan niya ako ng Grow Old With You, hihi kilig kilig naman si ako. Sinamahan niya rin ako tumingin ng mga damit. Natutuwa nga ako sa itsura nya kasi antagal kong mamili pero di naman ako bibili. Hahaha.

Umabot na ng 6 o'clock, hinatid nya na ako, naglakad na kami pauwi. Nang makarating kami sa bahay, hinawakan nya ulit ung kamay ko..

"Baby salamat ha? Nag enjoy ako."

"Salamat baby. Ako rin. Mag ingat ka sa pag uwi ha?"

"Oo naman. Magpapakasal pa tayo e. Hahaha!"

"Hahaha! Loko ka talaga! Sige na! Bye."

Niyakap ko sya at kinawayan nung paalis na siya. Parang kami, pero hindi. Kumbaga fling lang, pero mahal ko na siya. Ramdam ko naman na mahal niya rin ako. Di naman masamang sumugal diba?

Paolo, kailan kaya magkakaroon ng totoong tayo?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wala Eh, Tanga EhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon