COMMON SENSE

391 0 0
                                    

Bakit ! bakit ? anong bakit ? kailan ba kailangan ang bakit? ano ba ang bakit? Bakit laging may bakit? Nakakatuwang isipin na ang mga Pilipino ay kadalasang nagtatanong ng BAKIT ?. Isinulat ko ang title na Common Sense sa kadahilang madalas ko itong naririnig sa mga taong nag uusap lalo na’t napaka common sense ng mga katanungan. Bago ko umpisahan ito mayroon talaga akong katanungan na “Anong Oras ba talaga ginawa ang Orasan ? naitanong ko ito sa kadahilang kapag mag tatanong ako nito ay walang nakakasagot ng matino. Ikaw kaya maaari mo kaya itong masagot?.

            Sa totoo lamang napakarami kung katanungan at obserbasyon sa kapwa ko Pilipino. Biruin mo ba naman mag tatanong ka ng mga nakakainis, or hindi ko malaman kung matutuwa ba ako? Like for example question alam nang nasugatan magtatanong pa ng OK KA LANG? ang critical talaga mag isip di ba? Ito pa alam nang nag bell magtatanong pa ang isang classmate mo NAG BELL NA BA? Minsan paulit ulit din!, maging ito ay na paisip ako sa pagkain na ito bakit tinawag na Hotdog ang pagkain na ito samantalang sa beef ito gawa? Sa jeep naka encounter din ako ng mga pasahero na bababa at sasabihing PWEDE PO BA BUMABABA? At sasabihin excuse me mga paa, kung minsan hindi literal ang dapat na iisipin di ba?.  

Samakatuwid hindi ko lubos maisip kung ang mga pilipino ba ay matalino o nagtatanga tangahan lang, paulit ulit na tanong, nakakainsultong tanong at kung minsan ay ang layo pa ng tanong sa sagot, pero ganoon pa man pinagmamalaki ko ang mga kapwa ko PILIPINO. Dahil sa mga salitang ito o dialogue ay nagkakaroon ng mga kaisipan na dapat na kinicritic. Ang bawat dialogue ay napakalaking halaga sa bawat isa lalo na sa mga bagay na dapat ay mayroong dialogue pero hindi ito mabubuo kung puro dialogue lang, dialogue without action and reflection is cannot exist. Pero ganoon pa man kung bakit na nabuo ang dialogue ay napakalaking tulong. Sa mga katanungan ko kung minsan ay ako din mismo ang nakakasagot, kaso ang mga kapwa Pilipino ko ay masyado nang malala sa mga bagay na pagtatanong hindi na maganda pero kung babalikan ang kasaysayan siguro dito ko malalaman kung bakit ang mga Pilipino ay matanong.

Sa mga common sense na tanong ay nakita ko na pwede din tayong maging critical mag-isip like for example bakit? Laging may bakit kung magusap ang Pilipino sa simple patatanong ay philosophers na tayo simula bata pa lamang dahil sa mayroong gustong matutunan, at malaman hindi para mainis, kung hindi para pagisipin ang mga tao sa salitang BAKIT ? kailan ba nagiging bakit ang bakit? Dahil kung minsan ay mayroon pang mas magandang sagot sa binibigay na kasagutan na dapat ay laging magkaroon ng salitang ito. Bakit ba laging mayroong bakit? Dahil hanggang na bubuhay hindi tayo mauubusan ng bakit dahil habang nabubuhay tayo dito sa sanlibutan ay dapat nating malaman ang bagay na katotohanan at para hindi maligaw sa mga bagay na napakababaw hindi ito sinusukat sa magandang halimbawa o sa salitang mababaw kung hindi maging isang hulwaran ng magandang dialogo na maiitutulong sa mga taong naliligaw at may gusting mapatunayan at malaman pero higit sa lahat na dapat bigyang pasin ay ang karunugan. Napakalaking kaibahan ang kaalaman sa karunungan. In life try to understand people we living in such a world, because as long we have a things to know is better to have to share and experiences. Need to have maturity wisdom. Common sense is not so common kaya dapat mabago na ang pananaw na hindi lahat ng common sense ay common.

CREATED BY: MA.THERESA C. GARCHITORENA

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

COMMON SENSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon