1week before the school starts
Tita meg(mommy ni klang) surprise the three of us ,may pinuntahan kaming condo malapit lng sa papasukan namin na school.
Si tita meg yung tipo ng mommy na go sa lahat,trendy,mas kikay pa kay klang,at gusto nya yung the best para kay klang at para sa close friends nya .pamilyang pamilya tlga yung turingan namin..
Sisterss nga kaming tatlo eh."Surprise guys this is for all of you! ,you three can stay here during school days pero pag wala namang pasok umuwi kayo sa bahay ah! Para malapit na din ,di na hassle pag pasok niyo ,then yung kotse ni klarisse lng yung iiwan jan
Yan na gamitin nyo pagpasok "sabi ni tita meg at pagkabukas na pagkabukas palang ng pinto ng condo,astig! Super laki parang bahay lng nila klang ang peg may tatlong kwarto,,well tag isa isa kami ,malawak na kitchen,ang bongga ng bathroom ang laki din eh parang kwarto ko lang sa bahay,tapos sa loob kumpletong kumpleto halatang pinaghandaan tlga ni tita ,may malaking bathtub, complete toiletries na din ,may tatlong malaking study table din waaaahhhhhh sakto pag gagawa na kmi ng plates malamang ito yung ka poreber namin sa puyatan,may mga study lights din kada table hanepp talaga saka sari sariling shelves.
May isang walk in closet din para sa pang kalahatan na."Awww tita you're so generous! Pretty pa!"si luis with matching payakap yakap pa kay tita
"Thanks mom!"-si klang sabay halik at yakap kay tita
"Welcome baby girl"si tita"Tita!! Iba ka tlga kaya labs na labs kita eh! "Sabi ko sabay takap dito ng mahigpit
"Pero pano mo napapayag sila mommy at daddy?"dagdag ko"Ahhh nung enrollment day nyo ,idecided to go to your house ganun dun kay luis,ayun sabi ko kay divine at delfin na may surprise gift ako sa mga future architects ko na eto nga bigyan kayo ng condo,at first nagulat sila syempre kasi malalayo nga kayo sa isat isat pero si mommy mo na nag convince kay delfin na payagan tutal mas mapapadali ka nga naman para di na din hirap,pinagkakatiwalaan ka naman daw nila eh"si tita
"Ahhhhh salamat naman grabe himala tlga to!"masayang sabi ko
"Osya sige na ihahatid ko na kayo sa mga bahay nio para kunin ung mga gamit nio" si tita
Agad naman kaming bumaba at sumakay na sa kotse pauwi....2km away lng yung condo na gift samin ni tita sa school di tulad kapag nasa alabang pa kami 2-3 hrs pa ang byahe.. Salamat tlga kay tita,.
.....
"Hi mommy ,daddy!"masayang bati ko kila mommy sabay halik at yakap sa mga ito
"Ateeeeeeeeeee!!!!!!!!!!"si gab patakbong papunta sa direksyon ko
"Oh gab bakit?"takang sabi ko ang hyper nito ngayon
"Sama ko sa condo nyo nila ate klang at kuya luis pleaseeeee"si gab
"Eh! Malayo yun sa school mo next time na pag college ka na din"sabi ko
"Oh maganda ba?"si mommy
"Opo mommyyy!! Superrr sobrang thank you po pinayagan nyo ko sa condo"-sabi ko habang yakap yakap si mommy
"Sarah,halika nga dito,,"tawag sakin ni daddy
Agad naman akong lumapit dito para bigyan na mahigpit na yakap,,
"Daddy,, thankyou po pumayag kayo ni mommy"sabi ko sabay yakap
"Mamimiss ka namin ingat ka dun ah ,aral mabuti at saka umuwi ka dito pag walang klase ah!"si daddy
"Daddy naman di naman po ako mag aabroad eh ,sige na po i hahanda ko na po yung mga gamit ko susunduin daw po kmi ni tita meg dito ng umaga eh"pilyang sabi ko at pagkatapos hinanda na ang gamitAfter dinner sabi ni mommy dun na daw ako matulog sa tabi nila tutal aalis naman na ako bukas
Tabi tabi kami nila ate at gab si daddy sa left side tas sa ginta kami nila ate at sa right side naman si mommy habang nanonood kami ng Kdrama."Pot! Tapusin natin to ngayon ah! "Si ate jona
"Hahahah sige ate 2 episode nalang naman eh"sabi ko
"Hephepheppp!"sabi ni daddy na may dala dalang popcorn na iniluwa ng pinto ng kwarto
"Yeeeeeeyyyyy"si gab
"Okay akin na dito ako ang nasa gitna"si ate jona sabay kuha ng popcorn kay daddy loka loka tlga to si ate
"Sandali mag titimpla ako ng juice"si mommy sabay baba sa kama
At sinimulan na namin ang panonood ng "weight lifting fairy"
Tinapos lang namin hanggang last episode saka natulog.