Isang oras nalang pwede nako umuwi kailangan muna ng may papalit sakin bago ako makauwi.
Nagtatrabaho ako sa isang Pizza parlor..........Ako nga pala si Dave.
Kriinggg!
Kriiinggg!
Nagriring ang telepono.
"Hello I'm Dave from Pizza Yum how can i help you?" Sagot ko sa telepono.
"........... "
"Hello?"
"........... "
Wala padin nasagot kaya ibinaba ko na ang telepono dahil baka nangloloko lang ang caller na iyon.
Segundo lang ang lumipas at may tumawag na naman.
" Hello i'm Dave from Pizza Yum how can i help you mam/sir? "
".........."
"Hello?"
"U-uhh Pizza?"
"Yes mam oorder po?"
Boses ng matandang babae ang caller.
"............... "
" Maam?"
"Uhh- Dadalawang pizza nga. "
Hirap na hirap ang boses ng babae.
Lumipas ang isang minuto at natapos na ang paguusap namin ng caller.
Pumunta ako sa opisina ng boss ko.
"Ah boss alis lang ako mag dedeliver lang."
"Sige Dave pagtapos mo mag deliver sa bahay mo na ikaw dumeretso sayo na ang bayad tutal madami ka ng nagawa para sa Pizza Parlor na to. Padating na din si Rey kaya may kapalit kana."
"Sige boss salamat ng madami. Bukas nalang."
"Mmm."
Umalis na ako at sumakay sa kotseng pang delivery.
Sinet ko ang GPS para madali ang pagpunta ko.
Ng makalabas ako sa mataong lugar katahimikan at madilim na gubat ang bumugad sa akin.
Lumipas ang 20 minutos ay narating ko din.
Ang bahay nato ang nagiisang bahay dito sa gubat kaya ito na siguro yon.
Lumabas ako ng kotse daladala ang dalawang box ng pizza at dumeretso ako sa may pintuan.
Walang doorbell kaya kumatok ako sa pintuan.
BINABASA MO ANG
Pizza Delivery (Horror Short Story)
Horror3/3/17 Kung matapang ka. Tara at basahin. Tagalog Short horror story