Chapter 1

59 0 0
                                    


"Joanna!! May naghahanap daw sayo,galit na si Madam Susan!!"

Muling sigaw ng boardmate nya sa labas ng pintuan. Dagli syang bumangon at basta na lang initsa ang kumot. Wala pang tatlong oras ang tulog nya, tinapos nya ang buong episode ng Korean dramang dinownload nya sa Dramacool ng nakaraang gabi. Alas otso pa lang pagtingin nya sa relo.

"Joanna! Ano ba? Lumabas ka na dyan!" Muling sigaw ng boardmate nya.

"Oo na! Ito ngat lalabas na!" Iritadong sagot nya at agad na lumabas ng silid. Hindi na sya nagabalang magmumug man lang.

"Hindi pa ba gising si Joanna?!" Narinig nyang pasigaw na tanong ni Madam Susan.

Nairitang bnilisan ni Joanna ang hakbang patungo sa hallway pababa sa first floor , kapag ganong sumisigaw na ang matandang dalaga'y kailangan nyang magmadali, dahl paniguradong sermon ang aabutin nya. Strikta at masungit pa naman si Madam Susan. Palibhasa retired teacher na matandang dalaga. Ito ang namamahala sa paupahan na minana nito nito sa mga magulang dahil ayon sa narinig nya ang dalawang kapatid daw nito ay parehong nasa ibang bansa.

Isang buwan pa lang syang lumipat sa boarding house na yun. Ilang beses na rin syang nagpalipat lipat.She have her own reasons.

Nakapagtatakang may naghahanap sakanya.Sumikdo ang dibdib nya sa kaba. Bumuway ang kanyang hakbang at patingkayad na naglakad palapit sa paanan ng hagdan.

"Imposibling natunton nila ako hangang dito.." Bulong nya sa sarili. Dahan dahan syang sumilip sa baba at nakita nyang nakatayo sa may sala si Madam Susan kaharap ang isang matangkad na lalake, hindi nya Makita ang mukha nito dahil nakataliod ito mula sa pwesto nya

Nakita nyang kinikilatis ng landlady ang kaharap nitong lalake, lalo syang kinabahan , bagaman hindi nya Makita ang mukha nito alam nyang hindi ito ordinaryong tauhan ng immigration.

"He's a Korean!" Her mind screamed. Natatarantang yumuko sya at pinakinggan ang pinaguusapan ng dalawa.

"May I know why you're looking for Joanna?" Striktang tanongng landlady. Bagaman hindi ito ngumingiti ay nakita nyang kumislap ang mata nito sa paghanga sa kaharap -He must be good looking. Pero agad ding sumeryoso ang matanda, back on her usual posture.

"She had committed numerous crimes in Korea Madam, you better cooperate or we will report that you're keeping a criminal in your property."

Halatang nashock ang matanda at kumunot ang noo. Natutop din nito ang dibdib.

Napangsinghap si Joanna ngunit agad nyang tinakpan ang sariling bibig. What the hell is he talking about?? Hindi sya gumawa ng kung anong krimen ! Agad na pinagana nya ang utak. Hindi sya dapat magsayang ng oras kailangan nyang makaalis sa lugar na yon.

Dahan dahan syang umikot para bumalik sa inuukupa nyang silid. Ngunit bago pa man sya makahakbang nakita sya ng matanda.

"JOannna !!!Bumaba ka dito ngayon din !"

"Ottoke??? Hindi sya lumingon ngunit nanigas ang mga binti nya. Contimplating if she should run towards her room or the other way . Kagat labi syang kumaripas ng takbo pabalik sa kangyang silid. Pero mukhang minamalas nga talaga sya dahil bigla na lang nagsilabasan ang ibang boarders sa kanikanilang silid and block her way.

"Wag ka nang magtangkang tumakas, Joanna wala ka nang tatakbuhan...Sabi ko na nga ba eh may kakaiba sayo..."

Pinandilatan nya ang nagsalita, si Quenny isa sa mga maarteng boarder na madalas mang trip sakanya. First day pa lang nya sa boarding house mainit na ang mata nito sakanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 02, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My FianceWhere stories live. Discover now