"Maling Akala"
Mahal kita higit pa sa inaakala ng iba at sa inaakala mo,
Minahal kita hindi dahil gwapo ka o mayaman ka,
Minahal kita hindi dahil sa kung anong meron ka,
Minahal kita hindi dahil sinasabi ng iba na bagay tayo,
Minahal kita dahil pinakita mo na mahalaga ako sayo,
Minahal kita dahil sa pananaw mo sa buhay,
Minahal kita dahil sa pagiging responsable mo,
Minahal kita dahil napaka simple mo,
Minahal kita dahil alam mo pahalagahan ang pamilya mo,
Minahal kita dahil ikaw ang nag silbing liwanag sa madilim kong mundo,
Minahal kita dahil akala ko parte din ako ng mundo mo,
At higit sa lahat
Minahal kita dahil akala ko may lugar ako sa puso mo,
Akala ko lang pala,
Akala ko lang pala na mamahalin mo ako gaya ng pagmamahal ko sayo,
Akala ko lang pala na iba ka sa mga lalaking nakilala ko,
Akala ko lang pala na may isa kang salita,
Akala ko lang pala na ako lang at walang iba,
Akala ko marunong ka makuntento, hindi pala
Akala ko lang pala lahat ng yon
Oo, umasa ako
Umasa ako na baka sakaling pwede pa at kakayanin pa
Umasa ako na baka maayos pa
Umasa ako na may tayo pa
Umasa ako kahit sinabi mong tama na at may iba kana
Kung bibitaw ka lang din naman pala, sana hindi mo na ako hinawakan
At kung ako lang talaga ang minahal mo ay sana sa umpisa palang ay ako lang at walang siya.
BINABASA MO ANG
Para Sa Mga Umasa At Umaasa
PoetryThis is a compilation of my works. Para sa mga pinaasa at umasa naman. Sa mga nauto ng akala nila ay pag ibig na talaga. -Ysa