"Di mo naman kasalanan"
Kamusta kana mahal?
Ayos ka lang ba?
Maaga kana ba pumapasok ng school?
Kumakain ka ba on time?
Inaalagaan mo naman ba ang sarili mo?
Ano na ang pinagkakaabalahan mo?
Saan kana ngayon pumupunta pag vacant mo?Oo nga pala, wala akong karapatan sayo
Pasensya kana ha?
Pasensya kana kung minahal kita at minamahal pa rin hanggang ngayon,
Pasensya na kung umasa ako at nagbakasakaling pwedeng magkaroon ng salitang "tayo"
Masisisi mo ba ang isang tulad ko na mahalin ang isang tulad mo?Oo nga, dapat nakinig ako sa payo ng mga kaibigan ko
Na isang kahibangan ang mahalin ka at mahulog sayo
Pero mahal, hindi ko napigilan
Hindi ako nakinig sakanila
Hinayaan ko yung sarili ko na mahulog sayo kahit alam kong masasaktan lang akoMahal, di ko naman alam na masosobrahan yung pagkahulog ko sayo
Akala ko mababaw lang,
Yun pala sobrang lalim at hulog na hulog na pala ako sayo
Ngayon, hindi ko na alam paano ko iaahon ang sarili koPero mahal, wala ba talagang pag-asa?
Umaasa pa rin kasi ako at nagbabakasakali hanggang ngayon na baka pwede pa
Umaasa pa rin ako na magkakaroon ng "tayo"
Umaasa ako kahit sinabi mong hindi ako ang gusto moAng sakit mahal, sobrang sakit
Pero wala ka namang kasalanan e
Di mo naman kasalanang di mo ako mahal. Diba?
BINABASA MO ANG
Para Sa Mga Umasa At Umaasa
PoesíaThis is a compilation of my works. Para sa mga pinaasa at umasa naman. Sa mga nauto ng akala nila ay pag ibig na talaga. -Ysa