Weightless

9 0 0
                                    

-Chapter 1-

"Pasensiya na po!!!"

Pasigaw na sabi ko habang naka yuko ang ulo. Puchang gala naman oh! First day ko palang, palpak agad! Ugh!

Ako nga pala si Neon San jose, isang punk-ish na babae na...na...uhm...pano ko ba sasabihin to... Lampang shushunga shunga? Di ko naman sinasadyang madapa eh. Ang sama-sama kasi ng sahig palaging namamatid, ang mga upuan at lamesa harang ng harang sa daanan. Tas yung mga basahan ang asuming! feeling banana peel.

"Miss, do you know how much I bought this bloody shirt for? Tas tatapunan mo lang ng mga tirang pagkain?" galit na sigaw ng lalakeng costumer saakin.

Nagbubuhat kasi ako ng maraming used na plato pabalik sa kitchen. eh biglang may dumaan na bata sa harapan ko, tas yung nagfeeling nasa matrix ako kaya iniwasan ko with style, ang taray nga eh! Ang ganda na eh! Nakalusot na eh! Kaso may table pala sa dadaanan ko, kaya pag-iwas dun sa bata... Booogsh!!! Tumama ako dun sa table tas nag-mala-flying saucer yung mga hawak kong plato at yung mga tira-tirang pagkain? Ayun naging design sa damit ng lalakeng naka-upo.

"pasensiya na po talaga!" sinabi ko ulet, di ko parin tinataas yung ulo ko sa pagkayuko.

" Listen miss, This shirt cost more than what you can get in a year while working as a cheap waitress for this cheap restaurant." wika ng lalake, habang nakatitig sakin ng masama.

Wow ha! English! Nosebleed! Pero wait lang, sumosobra na tong lakakeng to ah! Wala akong naintindihan!! De joke, I can speak english fluently! Mama ko kase british kaya natuto din ako. Pero bwisit parin talaga ako dito sa impaktong lalakeng to eh. Kung English-in ko din kaya to! Baka magulat to sa accent ko! (nakanaks! Yabang!)

tumayo ako ng tuwid at tinitigan ko sa mata yung mr.Bwiset. Muntik na nga ako natawa eh. Nakasuot kase siyang long sleave na blue na shirt tas white pants, at ang taray ah, naka-jordan ang bruho! May mga kanin-kanin na naka kalat sa buhok niya, may nakasabit pa ngang mahabang spaggetti noodle na nakalaylay sa may kanan na tenga niya tas Andaming kung ano-anong sauce napunta sa pantalon niya, (good luck sa paglaba) may mash potato pa na nakadikit sa ilong niya... Hahaha! Pwedeng pang piccasso ang work of art ko ah! Grabe! Tinigil ko yung tawa ko at ginawang seryoso ang facial expression ko.

"Listen dude, It was an accident! I said I was sorry! Seriously... what a drama queen."

"accident!? Eh, kung tinitignan mo yung dinadaanan mo. At anong Sorry!? Bakit yang Paghinge mo ba ng pasensiya makakabayad sa dry-cleaning ng shirt ko? Hindi, di ba? Palibhasa kase kayong mga babae ayaw niyong magpakahirap, gusto niyo isang "sorry" lang, okey na lahat. Sorry to break it to you, Miss. Pero ang buhay ay di ganon kadali." Sabi ng impaktong lalake.

Sayang pogi pa naman sana! Parang siyang si Zayn Malik na pinaputi at kulay blue yung mata. Ngayon at natitiigan ko yung mga matang yun, parang familiar... Pareho sa kulay ng mata ni Mom. Napangiti ako sa utak ko. Syempre di ko linabas yun! Nakikipag sagutan ako dito sabay bigla-biglaan akong ngingiti? 'Nu yun? Bipolar lang?

Pero, grabe ah, napaka sexist ng lalakeng to! Magbubukas palang ako ng bibig para sumagot ng biglang,

"Ms. San Jose! Anong nangyayare dito?"

dumating yung manager/owner ng restaurant na ito. Galit na galit ang itsura. Haynaku! Buhay naman talaga, Oo!

Kinausap muna ng impaktong lalake yung manager/Owner/boss ko. Ako, nasa lalaland! Nag-iisip ng magagandang paraan para patayin yung bwiset na sexist na to! Alam ko na! Gagawa akong paraan para mabulag siya tapos dadalhin ko siya sa mataas na lugar tapos kunware trip to boracay pero ang totoo, trip to heaven! Mwahahaha.

I smirked as I looked up and stared at my target. Napatingin siya din sakin at napa-smirk din. Wait! Bakit siya naka-smirk... Masama to pano kung-!

"Ms. San Jose!" tinawag ako ng Manager/Owner/Boss ko/Nakakatakot na matandang dalaga. Mahinhin akong lumapit sakanila. Lahat ng tao nakatitig saamin ang Awkward. Natapunan ko lang po siya ng tiratira hindi laman loob ng tao! Hindi po ako kriminal! Wag niyo po akong jina-judge gamit ng mga mata niyo. Ayang ginagawa niyo sa mata niyo? Oo, tigilan niyo yan! Please!

"Ms. San Jose, kinuwento ni Mr. Delos Santos ang nangyare." wika ng boss ko, "ito lang ang masasabe ko sayo, tinanggap kita dahil may itsura ka at kala ko kakayanin mo ang trabahong ito, maganda din yung nasa resume mo, pero... First day mo palang nanyare ang ganto, kaya pasensya pero, I'll have to let you go."

"What!?" gulat na sinabi ko. Nanlaki ang mga mata ko. Huminga ako ng malalim, di ko naman talaga kailangan ng trabaho eh! Ang kailangan ko pampalipas oras! Ang boring kasi eh! Yung mga sched ng mga pasok ko ang aaga tas si Mik, yung best friend ko, mostly hapon naman pasok niya. Kaya wala akong magawa pag mga gantong oras. Alam niyo yung kantang scared to death? Yeah, BORED to death naman akin.

"you're fired! Idiot" sabi ng impaktong lalake. Alam mo onti nalang sasapakin ko na to! Onti na lang talaga!

Makalipas ng ilang segundo, pumunta na ako dun sa locker room

at nagpalit ng damit. Sinuot ko yung paborito kong batman na T-shirt at jagged na pants. Nag buntong-hininga ako ng linabas ko lahat ng gamit ko at sinara yung locker. Konte lang naman dala ko at first day ko nga, sinuot ko yung earphones ko na nakasalpak sa iPod na bigay saakin ng mama ko ng buhay pa siya, yup! My mom died. Pero over na ako dun. Three years na ang nakalipas eh.

Ti-nurn on ko yun iPod at nakinig ng mga kanta ng favorite kong mga banda, tulad ng Black veil Brides, Falling in Reverse, All time Low at Paramore, while tying my cof fee brown hair in a high ponytail. Ang haba na ng buhok ko. Kailangan ko magpagupit.

Naglalakad na ako pauwi ng biglang ng dilim ang paningin ko. Nabubulag na ba ako!? Sino nagpatay ng araw!? Wait, lang... Tinaas ko kamay ko at hinawakan yung mukha ko. Nag buntong-hininga nanaman ako at tinanggal ang papel na nakasampal saakin.

"ano to?" sinabi ko sa sarili ko. Oo, kinakausap ko sarili ko. Bakit? May problema ka? Wala? Good.

Tinitigan ko yung Papel na hawak ko, flyer siya. Masyado naman ata dinadam ng papel na to yung pangalan niya, lumipad lipad talaga? Ibon lang te?

"got talent? Got a dream? Come on down to Wattpad Stadium on January 25 , (saturday) and who knows? You might be the next teen sensation of our generation! Check our website for more information." Binasa ko yung nakasulat ng malakas. Nanlaki ang mata ko. HOMHAYGULAY!! Ever since nung bata ako dream ko to! Maging sikat sa larangan ng pagkanta! Wow lalim diba? XD wait! I should tell that idiot about this.

Tumakbo ako patungong kaliwa with halong talon-talon.

Nang bigla ako tumigil at umikot ng 180 degrees.

"Mali pala, pakanan pala daan papunta sa bahay nun" wika ko habang napa kamot ulo at binilisan ang lakad ko.

- - - - - - - -

A/N: YO! carra "lyk-a-boss" baker here! how are you doin'? before kayo mag-comment dyan, itong storyang to ay technically napag-tripan naming gawin ng pinsan, gagawa kami ng kanya kanyang story na connected sa isa't isa so kung may makita kayong character na pareho kami yun yung explanation dun. what did you guys think of neon does she rock or suck? ang daldal ko rin no? at dahil in-entertain niyo ang daldalan ng Babaeng to, BIGYAN NG JACKET!!!! haha, see you soon!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WeightlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon