Sulat

20 18 1
                                    

        Paano kung isang araw may nais sayong makisabay na isang sikat sa school niyo sasabay kaba o hindi?
ANGEL POV.
       Ako nga pala si Angel isang simpleng estudyante sa MKJ University.Pero ang simpleng buhay ko ay nagkandagulogulo na simula nung nagkasabay kaming kumain ni Lance .Diba ang babaw kasi ganto yun eh madami kasing humahanga sa kanya kesyo daw gwapo,matalino at mabait kaya galit na galit sakin yung mga babaeng humahanga sa kanya akala ko nga babaero siya pero mali pala ako kasi kinakausap niya lang ang mga ito dahil ayaw nitong may umaasa sa kanya.Oo inaamin ko gwapo siya matalino at mabait kaya lang pilosopo .Sa hindi inaasahan sa kakaisip ko sa kanya makakasalubong ko na pala siya.
Lance:Hi!
Angel:Ako ba?
Lance:Ay hindi ikaw yung katabi mo siguro!
Angel:Wala naman akong katabi ah!
Lance:Oh wala ka palang katabi eh .Edi ikaw yung pinagsasabihan ko slow mo eh nuh.
Angel:Salamat ah.
Lance:Para saan?
Angel:Sa pagbigay mo siguro ng award eh nuh slow.
Lance:Ayy tara kain tayo Pangit?
Angel:Ako pangit?
Lance:Hindi joke lang yun ano kaba naman.
Angel:Iwan ko sayo bahala ka nga dyan.
Lance:Ikaw naman joke lang yun, ganda mo kaya.
Angel:Alam ko namang maganda ako kahit hindi mo sabihin.
Lance:Ay oo nalang, gusto mo ,sabay tayo kumain wala akong kasabay eh.
Angel:Bakit asan yung mga kaibigan mo ?
Lance:Diko alam.
Angel:Bakit ako ang inaaya mo eh madami namang magaganda dyan oh.
Lance:Maganda nga pangit naman ang mga ugali nila .
Angel:Ay grabi siya oh!
Lance:Tara na nga gutom nako oh maawa ka naman ah.
Angel:Sagot mo garud pagkain ko ah.Salamat.
Lance:Wow ah dipa nga ako umoo nagpasalamat kana kaagad iba ka rin eh nuh.
Angel:Oo naman baka tumangi kapa hahahaha..
Lance:Sige na pasalamat ka mabait ako .
Angel:Oo nalang ako kahit hindi.
        Nagtungo kami ni Lance sa canteen abay bungga center of attraction kami kasi  naninibago siguro sila kasi hindi barkada ni Lance ang kasama niya kundi ako .Pinabayaan ko nalang sila kaya humanap na ako ng upuan namin at baka wala na kaming maupuan. Nang makaupo ako tinignan ko yung mga babae dito sa canteen abay nakatingin kay Lance sa sobrang titig nila baka matunaw na si Lance .Nandoon kasi siya pumipila at ako naman nakaupo lang hinihintay siya .
Lance:Oh ayan na pagkain mo!
Angel:Masakit ata loob mo na nanlibre eh bili nalang ako ng akin.
Lance:Hindi naman ikaw talaga oo .Tara kain na tayo.
Angel:Sige sana hindi sumakit tiyan ko.
Lance:Sumakit sana(Pabulong).
Andrea:May sinasabi kaba?
Lance:Ah wala kain na tayo .
        Habang kumakain kami hindi ko maiwasang hindi tumigin sa mga taong tumitingin sa amin.Sa totoo lang gwapo talaga si Lance eh at matalino pa oh diba bungga ka girl.Napansin niya atang hindi ako mapakali eh.
Lance:Wag mo silang pansinin kumain kalang.
Angel:Okay.
       Natapos na kaming kumain ng biglang dumating ang mga kaibigan ni Lance .
Jake:Bro pasensya kana biglaan yung alis namin nila Tom.
Lance:Ayos lang bro.
Jake:Oh kasabay mo pala si Angel ?
Lance:Oo kumain naba kayo,kasi tapos na kami.
Jake:Oo kumain kami sa labas bro.
Lance:Ay okay .
Jake:Bro mamaya may pool party si Max punta daw tayo dapat daw may mga partners daw para masaya.
Mike:Oo nga bro kaya inaya ko si Nadine para may partner ako.
Jake:Ako naman si Scarlett.
Lance:Sige maghahanap ako mamaya mga bro.
Jake at Mike:Sige bro kita nalang tayo mamaya.
Lance:Sige.
Mike:Bye Miss Angel.
Angel:Bye din
       At yun nga umalis na yung mga kaibigan ni Lance .Ang bungga namam may pa pool party pa talaga .
Lance:Gusto mo sumama mamaya sa pool party mamaya?
Angel:Hindi,ayaw kung sumama.
Lance:Sige na please para naman may partner ako (matching puppy eyes).
Angel:Bakit ako nanaman ,ano ba talagang trip mo ah?
Lance:Wala ,masama ba kung gusto ko ikaw ang kasama ko.
Angel:Oh sige na nga sasama na ako pero last na ito ah.
Lance:Grabi ka namang makalast.
Angel:Bakit may susunod paba ah?
Lance:Oo madami pang susunod.
Angel:Hayy  iwan ko sayo.
Lance:Sunduin nalang kita sa bahay niyo magkatapat lang naman bahay natin eh mamayang 7pm ah.
Angel :Yes Sir.
Lance:Good.
Angel:Feel na feel mo naman matawag ng Sir.
Lance:Hindi ah sige na bye na .
       Abay ang luko iniwan nako.Ano naman kaya susoutin ko hindi naman kasi ako ready eh asar talaga yung lalaki na yun.Malapit ng magseven kaya naisipan kunang magbihis simpleng dress lang above the knee at pinaresan ko ng doll shoes na color sky blue .Nang biglang tinawag ako ni mama.
Mama:Anak nandito na sundo mo.
Angel:Upo ma baba na po.
Lance:Tita alis na po kami ni Angel wag po kayong magalala iingatan ko po siya.
Mama:Sige ingat kayo.
        Hinalikan ko si mama bago umalis .Bakit ang gaan ng loob ni mama kay Lance siguro tingin niya safe ako oh kaya baka naman sinuhulan ni Lance.
Lance:Ang bait ng mama mo.
Angel:Oo mabait talaga siya kaya siguro mabilis kayong nagkasundo.
Lance:Oo nga eh.By the way you look beautiful.
Angel:Thank you.
             Nagbyabyahe na kami gamit syempre kotse niya richkid eh .
Lance:Tara na?
Angel:Okay.
              I feel nervous kasi naman ngayon lang ako ulit pupunta sa mga gantong ocation .
Max :Bro buti naman nakapunta ka,sino naman itong kasamang magandang babae bro?
Lance:She is Angel.
Max:Oww Hi Angel!
Angel:Hello.
Max:Tara kila Jake naliligo na sila sa pool .
           Ayy anak ng tipaklong naman oo akala ko naman yung motif ay sa pool lang yun pala magswiswimming pa pala.
Lance:Tara bili tayo ng damit mo ?
Angel:Wag na hindi nalang ako magswiswimming kayo nalang dito nalang ako sa gilid.
Lance:Sigurado kaba diyan.
Angel:Oo naman sige punta ka na sa mga barkada mo.
Lance:Okay dito kalang ah.
           Ayon umalis na si Lance nakikipagusap sa mga barkada niya .
LANCE POV.
             Ako nga pala si Lance isa ako sa sikat sa school namin .Inaamin ko madaming naghahabol sa akin kaya lang ayaw ko sa kanila kasi masyado silang malalandi hindi kagaya ni Angel simple lang kaya nga gusto ko siya eh matagal na.Alam ng mga barkada ko yun alam din nilang mahina ang loob ko pagdating kay Angel .Pero nilakasan ko yung loob noong nalaman ko yung chismis na may balak daw manligaw kay Angel  yun yung time na inaya ko siyang sumabay sa akin .Sa kasamaang palad pumayag naman siya narealize ko sana dati ko pa ginawa para ngayon maipagtapat kuna na may gusto ako sa kanya matagal na pero diko siya bibiglain yung tipong dahan dahan lang para hindi siya mabigla.Pero ngayon gagawa ako ng paraan para malapit sa kanya .Gusto ko maramdaman niya na may gusto ako sa kanya na mahal kuna  siya.Kaya ngayon uumpisahan kuna maglagay ng letter sa locker niya baduy man kung iisipin ito lang ang paraan para hindi agad mahalata.Magsusulat na ako .
       Dear Angel,
             First of all have a nice day my princess.I know you don’t know who I’m .Dipa ito yung rigth time para malaman mo kung sino ako.Matagal na kitang gusto pero torpe ako kaya hindi ako lumalapit sayo .
                                                                                           
                                                                                                 Mr.Torpe
             Nailagay kuna sa locker niya syempre walang nakakita sakin .Ayan na siya makakasalubong kuna.
Lance:Hi Angel!
Angel:Hello.
Lance:Sabay tayo kumain at umuwi?
Angel:Okay sure.
              After a year mas lalong napalapit kami sa isa’t isa lagi kuna siyang kasama at sabay umuwi .Palagi akong naglalagay ng love letter sa locker niya siguro ito na yung time para ipagtapat ko ang aking nararamdaman sa kanya.Sana hindi siya magalit pag nalaman niyang may lihim akong pagtingin sa kanya .Kasama ko siya ngayon.
Lance:Angel may ipagtatapat ako sayo but don’t mad at me please.
Angel:Oo naman ano ba yun?
Lance:Kasi.....ano.....
Angel:Ano hindi mo naman maituloy tuloy yang sinasabi mo naccr kaba ah hahahaha....
Lance:Hindi ah!
Angel:Defensive.
Lance:Ito na nga ,gusto kita matagal na Angel pero takot akong sabihin sayo kasi takot akong lumayo ka sa akin o kaya baka magalit   ka .Galit kana ba?
Angel:Alam ko may gusto ka sakin ,ramdam ko yun hindi naman ako manhid para hindi maramdaman yun eh hinihintay kulang naman na sabihin mo sa akin eh kasi nahulog narin ako sayo nahihiya lang akong sabihin baka kasi ganyan  kalang  talaga makitungo sa akin .
Lance:So you mean may gustoka din sakin?
Angel:OO.
Lance:Yes so tayo na?
Angel:Agad agad?
Lance:Joke lang syempre liligawan kita araw araw kahit tayo na.
Angel:Okay.
         After 5 months naging kami na ni Angel ang saya ko kasi officially kami na .Ngayon gragraduate na kami ng college ,ang saya kasi sabay kami gragraduate.Kasama namin ang mga parents namin,alam ng parents namin na kami na  4 years na nga eh syempre andaming problema ang dumating  pero nalampasan namin yun matatag eh.Balak kunang mag prupose sa kanya syempre after a year pa magiipon muna ako ng pambili ng engagement ring niya .Ngayon nagtratrabaho  na kami pareho.
          Dumating na ang araw na magprupropose na ko sa kanya .
Lance:ANGEL WILL YOU MARRY ME SAY YES PLEASE?
Angel:Yes.
Lance:Ano hindi ko marinig  babe?
Angel:SABI KO YES,OO PUMAPAYAG AKO.
            Angsaya ko  kasi pinakasalan ako ng taong mahal na mahal  ko .Ngayon masaya kaming magkakasama,oo may baby na kami siya si  Gelance ang cute niya kamukha ko syempre mana sa tatay paryas na gwapo .

                                                  THE END

SulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon