Kabanata 1

278 14 5
                                    

Tunog mula sa malaking kampana ang nagpapagising sa bunsong prinsesa. Kinuha nito ang unan at itinakip sa kanyang tenga at muling natulog nang biglang may tumulak sa kanya dahilan para mahulog siya sa higaan.

Napakamot sa ulo at binalingan ang tumulak sa kanya. Ang pinaka panganay sa magkakapatid, ang kanyang ate na si JIA.

"Ate naman ehh!" pagmamaktol niya.

"Kailangan mo nang gumising, Mahal na Bunsong Prinsesa." masungit na saad ng kanyang ate.

"Masyado ka atang pormal, Ate Jia. Wag mo nga akong matawag ng ganyan. Wala tayo sa harap ni Ina." tukoy ng bunso sa kanilang Inang Reyna.

Biglang nagsalubong ang kilay ng ate niya. "Kahit wala tayo sa harap ng Mahal na Reyna, ay kailangan pa rin nating galangin ang isa't-isa. Mga prinsesa tayo, Prinsesa Sunny. At wag na wag mong matawag tawag na INA lamang ang reyna. Labag iyan sa kautusan ng palasyo."

"Opo, Mahal na Prinsesa Jia." tumayo ito habang hawak-hawak ang balakang.

Sa lahat kasi ng mga ate niya, itong si Prinsesa Jia ang pinaka seryoso sa lahat. Di mo mabiro. Parang laging may buwanang dalaw dahil sa sungit nito.

"Magandang umaga, Reil." bati ng pangalawang prinsesa na si Prinsesa Nichole ng lumabas siya sa kanyang silid.

"Magandang umaga din sa iyo." ganting bati ng pang-anim na prinsesa. "Himala ata at nagkasabay tayong lumabas ng silid."

Si Prinsesa Nichole ang pinakamatagal sa kanilang magkakapatd na gumising. Kung si Sunny mahilig sa adventure, itong si Nichole ay mahilig matulog.

" Kailangan ko kasing maagang gumising. May aralin kasi ako ngayon." sagot nito at nagpatiuna ng lumakad sa malaking pasilyo.

"Nasaan ang iba?" tanong ng pang-lima na prinsesa na si Gabby.

Nasa hapag na siya para sa kanilang agahan. Tanging sina Jia, Sunny at siya lang ang nasa hapag.

"Ang Mahal na Reyna ay dun lang po sa kanyang silid mag-aagahan. Sina Prinsesa Nichole at Prinsesa Reil ay papunta na po rito. Si Prinsesa Adrienne ay maagang nangabayo. Si Prinsesa Ava ay nasa silid-aklatan maagang pumaroon para magsaliksik." sagot ni Ginang Eli, tagapangasiwa tungkol sa mga gawain ng mga opisyal ng palasyo.

"Ba't mo pa hinahanap ang mga wala dito?" komento ni Sunny at umuna ng sumubo ng pagkain. "Di ka pa ba sanay na minsanan nalang tayong magkakasabay kumain."

Binalingan siya ni Jia na nagkasalubong ang kilay. "Di gawain ng isang prinsesa ang magsalita habang puno ang bibig ng pagkain."

"Wag kang masyadong istrikta diyan, Jia." sabad ni Reil at umupo sa tabing bakanteng upuan ni Sunny.

"Kaya takot sa iyo ang mga tao mula sa kabayanan." dagdag ni Nichole at umupo sa tabi ni Jia.

"Matuto kayong sumunod sa utos, mga Prinsesa." paalala ni Jia sa mga kapatid.

"Oh! Ang aga pa at nagsesermon na ang Mahal na Prinsesa Jia." nakangising sabi ng pangatlo na prinsesa na si ADRIENNE na ngayon ay nakabihis na ito at nakalubid ang mahabang buhok. "Baka maaga ka niyang maging matanda."

Sa lahat kasi ng magkakapatid, ito lamang ang makapagbiro sa unang prinsesa at mahilig itong mangbara. At mahilig sa mga panlalaking gawain.

Two Different WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon