Second Chance

1.4K 34 8
                                    

“Picture!” Andito kami ngayon sa birthday party ng college friend namin.

“Nice! Walang pagbabago, ang cucute pa din natin. oh guys yung mga berks naman” Kami yun, yan yung tawag sa barkada namin. 6 kaming lahat at close kami sa isa’t-isa.Lima lang pala ka close ko jan. >.>

“Henry! Tara!” Tumingin ako kay Marco, tinatawag niya si ano na kasama yung girlfriend niya.

“Sige pre, kayo na lang muna! Pass muna ako jan”Tumingin ako kay Marco.

“Kung ayaw wag mo ng pilitin, tayo na lang” Lumapit ako kina Cassie, Kath and Jane.

“Ahem! Ahem! So what’s with the attitude girl?”-Cassie

“Anong what’s with the attitude?” Nasa gilid kami ng pool. Nakasawsaw yung mga paa namin sa tubig. Woooh lamiiiiiig.

“Ano ba yan Cassie, ang mean mo talaga, hindi na nga namin pinansin yung sinabi niya tapos ngayon magtatanong ka,ang mean mean mo”-Kath. Sarcastic pa yung pagkakasabi niya.

“Alam niyo para kayong ewan, hindi ko kayo magets.”

“Sus,denial queen ka talaga, halata pa ding BITTER ka eh no. Picture lang ayaw pang isama.”-Jane. Tumingin ako sa kaniya.

“Ha! Eh siya nga tong may ayaw eh, eh bat pa natin pipilitin kung ayaw di ba?” Napatingin ako kay ano, ok ok . Sasabihin ko na sa inyo, he’s my EX. BITTER ba ako? Hindi naman ha!.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon