Patricia's Pov
"Pam! halika na! Wag ka ng tumunganga dyan at titigan yang crush mo! Anjan na si ma'am!"
Bumalik ako sa realidad at tinignan ng masama si Zoey- ang aking bestfriend.
"Oh ano na? Magtitigan nalang ba tayo? Halika na!" sabi nya sabay hatak sakin at hindi man lang pinansin ang matatalim na titig na ibinibigay ko sakanya.
"Ano ba zoey! sabing hindi ko na nga gusto 'yun eh!" sabi ko sabay hatak pabalik ng kamay ko at nagpapadjak.
"Wushuu wala daw pero kung makatitig wagas! Naku bes alam kong may gusto ka pa rin sa kanya noh! Para san pa at naging magbestfriend tayo kung hindi ko alam yang lamang loob mo?!" sabi nya sabay sundot sa gilid ng tyan ko
"Ay! ano ba!? tigilan mo nga yan!"
"Alin?" inosentong sagot nya sabay sundot ulit ng gilid ng tyan ko
Tinapik ko ang kamay nya dahil sobrang nakikiliti na ko
"Yan!"
"Alin ulit?"
"Yan nga sabi eh-hahaha t-tama naa! Haha"
Tinigil nya na ang pagkiliti sa akin. Phew buti nalang!
Pinaymewangan ko sya at tinignan ng masama
"Hoy ikaw Tranzoey! Hindi mo ba ako titigilan??" galit galitan kong sabi with matching duro duro.
"Saan?"
"Dyan sa pangingiliti mo!"
"Ah.. okey...lika na!" yun lang ang sinabi nya sabay hila ulit sakin
Tignan mo 'tong babaeng 'to
Layo layo ng sinabi ko sa sinagot nya okey daw? Tss anong okey dun? Paki explain! Moodswing much?
Anyways habang nagpapatangay ako sa bestfriend kong alon--este tao .Magpapaalam muna ako kay dinurog na pula. Bye bye crush slash future boyfriend slash future husband slash future -- "Hoyyy!!! Andito na tayo! Tungangersh ka pa dyan! Ano! tapos na ba yang pamamaalam mo sa crush kuno mo! OA mode ka na naman eh kaklase naman natin sya! Kahit kelan ka talagang babaita ka! Tapos sasabihin mo hindi mo na gusto nakuu lokohin mo lelang mo! Pagkatapos sasawayin mo ko sa pangingiliti ko sayo tapos idedeny mo na naman na 'di mo gusto eh halos tumulo na yang laway mo kakatitig sa kanya--"
Ehem ayan na naman po si nanay zoey daig pa nanay ko sa pagbubunganga eh tsss maaga tatanda 'to *iling iling
Makalipas ang limang minuto sa classroom ay hindi pa din ako mapakali.
Hayy..
Hayyy.
Hayyyyy.
Hayyy--- "Ikaw ba Patricia Anne de Guzman ay hindi titigil dyan sa pagbubuntong hininga mo!?"
"Hayyy--h-ha?" tinignan ko sya nang may nagtatanong na mata ng biglang-
"Aray!"
"Ano! gising na ba yang kaluluwa,utak,puso at balunbalunan mo?!"
sabi nya sakin habang nakapamewangSeriously wala bang role tung kaibigan ko dito kundi bulabugin ako palagi? At seriously ulit, mas mataray pa sya sa nanay ko.
Nandito kami sa room at hinihintay si Sir. At si *ehem* crush. Ay! ako lang pala naghihintay dun sa isa hihi.
"Hoy!" panggugulat ni Zoey.
.
.
."Ay!" kunwaring gulat ko makatapos ang sampung segundo
Tinignan nya ako ng masama at sinabing,
"Ano yun! super late reaction!?"
"Maybe" bored kong sabi
"Tse" nasabi nalang nya at umirap.
Bakit ba? trip ko syang inisin eh!
Nahawa na ata ako sa moodswings nya.
Tss. Ang dapat palang pangalan ng storyang ito ay "Ang Magbestfriend na Palaging May Moodswing"
Hay.
Ako nga pala si Patricia Anne de Guzman , 16 years old, isang problemadong estudyante, kaibigan, anak, at tao. I live in Southville City , which is 40 minutes away from here.
Fan ako ng JaDine at mejo hate ko ang KathNiel! Hehe joke lang peeps! Love ko din sila!
May circle of friends kami ni Zoey pero kaming dalawa talaga ang pinakaclose.
Para kaming spoon and fork, laging magkasama. Feeling ko nga soul sister kami nito eh! Pero buti hindi ko sya naging kapatid kase baka bingi na ako ngayon pa lang.
"Pssst! psst!" sitsit nung makulit.
"Ohhh?" sabi ko kay zoey.
Kulit din nito eh! Pero kahit ganun yan mahal ko yan! Yak haha.
Lumapit naman sakin si Zoey at bumulong.
"Anjan na si dinurog na pula mo!" bulong nya.
Tumingin naman ako sa tabi ko.
Yes guys! Katabi ko lang po si crushieee!!
" Ayieee" mahinang asar nya sakin.
Minsan sarap din upakan nitong kaibigan ko eh!
"Psst. Psst" panguulit ko sa ginawa nya.
"Ano bes? Andyan na din ba si Crush ko? Hihi" tanong nito at nagpalinga linga sa likod.
Lumapit ako dito at bumulong.
"Andyan na si Sir"
Tinignan naman nya ang pinto. At nanlaki ang mga mata.
"Ay! Bye na bes!" sabi nya at dali daling bumalik sa upuan nya.
Nakaganti din sa pangiinis nya.
Terror kasi ang teacher namin ngayon, natakot tuloy ang bruha!
Anyway pasimple akong tumitingin kay crush. Nakita ko na nagdodoole sya, parang Patricia nga yung nakasulat eh BWAHAHAHA
Sana nga Patricia nalang ang nakasulat.
Eh 'di sana nagpaparty ako!
BINABASA MO ANG
Belong to Somebody
RomanceMinsan hindi porque nasaiyo na sya ay nasayo rin ang puso nya.. Nakatitig ka sakanya pero sya nakatitig sa iba... Hinihintay mo sya pero sya may hinihintay na iba... Mahal mo sya pero may mahal na syang iba.. IBA? yun yung taong nai-iiba sa...