stalker

12 0 0
                                    

     Dali dali akong naghanda sa sarili papuntang school.Crap! di ako masyadung nakatulog kagabi.Di mawala sa isip ko kung paano nakuha ni Lacey ang numero ko.Siguro ngay sa sobrang agresibo nito'y gumawa ito ng kahit anung paraan para makuha yun.O baka nga,ipinagkanulo ako sa isa sa mga barkada ko.Pinagtritripan.Makakatikim talaga sa akin ang mga iyon basta mapapatunayan kong pinagkatuwaan nilang binigay ang number ko kay lacey.May pa good morning greet pang nalalaman sa text pag gising ko kanina.Tsk.tsk.tsk.
Nasalubong ko si mama pagbaba ko ..

"Di ka kakain ,nak?"ani nito

"Di na siguro , Ma."

"Naku baka magkasakit ka nyan.?"

"Sa school nalang siguro."

Mabilis na akong lumabas patungo sa motorbike ko.Ito ang ginamit kong service papuntang school araw araw.mabilis.May sasakyan kami pero mas gusto kong gamitin tong motor ko.

"May allowance ka pa dyan.?" habol ni mama sa may pintuan..

"No worries,Ma"....sagot ko sabay kaway senyales na paalis na ako.

kahit kailan talaga si mama mula nung iniwan kami ni papa ay lahat ng atensyon nakatoun sa akin .Ayaw nya akong mapariwara kahit busy ito sa trabaho bilang public attorney sa PAO Office.Di man kami sobrang mayaman pero kahit paanoy may naipundar kami bago iniwan ni papa...

Pagdating sa school ay dumeretso akung canteen.May 10 minutes pa naman so napagdesisyunan Kong kumain muna.Natagpuan ko na dun ang mga kasamahan ko sa isang lamesa at sumabay ako sa kanila pagkatapos Kong biniyaran ang MgA inorder kong pagkain sa cashier.Lima lang kami sa barkada.Si Sheena na pinsan ko na kaklase ni Lacey dahil architecture din ang kinuha nito.Si Jex,Lester, Omar at Leonard,puro engineering students. At iisa lang ang hilig naming lahat.MUSIKA.

"By the way,may tanong ako." Ani ko

"ANo yun,Tol."Pasimpleng sagot ng mga ito

"Hmm,sinong nagbigay sa number ko Kay Lacey.?"Pinilit Kong maging mukhang kaswal lang

Nagitla sila dahil dun  at sabay napailing ng nakapalakas na akala moy iniimbestigahan sa disciplinary office..Nagtatanung ang mga mukha na kunwari walang Alam.

"Ikaw,Sheena?" Baling ko naman nito na tila seryoso sa kinain

"Wala akong ibinigay.!" Tumayo at ito at itinaas ang kanang kamay na tila nanunumpa."Promise,mamamatay man ang professor nating bakla....

"Sabi nyo ,eh" ani kong hindi nakumbinsi sa mga ito.Nagtitinginan lang mga to nung nararamdaman nilang hindi nila matanto kung anong nasa isip ko..

"Ibig sabihin ,pati sa celpon guguluhin ka na rin ng babaeng yan." Si Omar.

"Patay tayu Jan." Si lester

"Matinding iwasan yan." Si Leonard na tinakpan pa ang bibig para di makatawa.
Alam Kong iniinis akong ng mga kumag na to.Palibhasay Alan nalang di ako mahilig mag text.

"Anong text nya, tol ? pwedeng pabasa oh." Malakas na sabi ni Jex na siyang dahilan kung bakit napatingin sa amin ang iba.

"Hinaan mo boses mo ,uy!daig mo pa ang speaker ,kahit kailan ka!"siko ko pa nito

"Pengeng number." bulalas ni jex

" Mga gago,Dalian nyo na Jan at may klase pa tayo." Tumayo ako at di ko na pinatulan ang paghingi ng number ni jex.Baka mahalata nyang wala akong balak ibigay sa kanya ang mga iyon.






note.
pasensya na po ..nagkabaliktad ang part.mas nauna po ang susunod na chapter...kaya yun muna basahin inyo..ano be yan...

crazy about youWhere stories live. Discover now