Kabanata 003

160 12 3
                                    

Noong unang panahon, may mga magkakapatid na naga-gwapuhan na nagngangalang GAYEXO. 

Sila ay gwapo, matalino, magaling maglaro (hindi feelings) at magaling sa kama...(erase mo yan, ma MTRCB tayo)

May iisa silang prinsipyo, "Kung may mahal ka, huwag mong pakawalan."

Marunong silang makisama sa lahat, mabait sila sa ibang tao ngunit isang araw, may nakita silang dilag na kalilipat ng baryo at sila'y nabighani sa ganda na taglay nito. Kaya naman sila ay hindi nagkakasundo dahil iisa lang ang babaeng iniibig nila.

Ang mas masaklap pa ay hindi pala sila tunay na magkakapatid!


---

"Hoy! Nandito na ang mga kamag-anak natin. Hindi ka pa ba sasama?"

Mabilis kong tinago ang notebook at hinarap na si nanay. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, ba't naka gown 'to?


"Nay, may prom ba?"

"Tanga ka ba?! Pupunta raw tayo ng syudad, isasama nila tayo doon at mamasyal daw tayo sa mall, hindi ko alam kung saang planeta iyon pero 'yun naman ang sabi nila eh."

"Pero naka gown talaga?"

"Wag ka na magreklamo, oh suotin mo ito." Mabilis niyang hinagis sa akin ang gown na light pink.

"Nay? Mag-gogown din ako?"

"Ano pa nga ba?"

"Eh, nakakahiya atsaka umaga pa! Mamaya nalang pag gabi."

Evening gown kasi ito kaya saka na pag gabi.

Ito kasi ang napapanuod namin sa telebisyon, 'yung mga mayayaman naka gwon silang lahat kaya nga pumunta si nanay kahapon sa ukay-ukay (wagwagan) para makabili ng damit. Alam niyo naman kasing baryo lang itong tinitirhan namin at hindi pa kami nakapunta ng syudad.

"Ano pang hinihintay mo diyan?"

"Ito na ito na."

Nagbihis na rin ako ng gown at sabay kaming lumabas ni nanay ng kwarto. Seryosong napatingin ang mga kamag-anak namin sa amin.

"What are those?" Maarteng tanong ni Kookie. Siya ang pinsan kong taga syudad.

"Gown." Simpleng sagot ko.

Ang ganda namin ni nanay.

"Wala namang prom 'dun eh. Atsaka, expected na namin na ganyan ang susuotin niyo kaya binilhan na namin kayo ng mga damit." Saad ni Jin at nanay-nanayan ni Kookie.

"Magbihis na kayo." Utos ni Namjoon at tinulak kami ni nanay papasok sa kwarto.

Nagbihis naman kami kaagad at muling lumabas.

"Ayan! Nagmukha na kayong tao." Tipid na komento ni Suga saka ito lumabas.

Lumabas na rin kami ni nanay at nagulat kami nang makita ang mga tao na nagkukumpulan na kaharap ang kotse dalawang kotse.

"OMAGHAAAD! Umalis kayo!" Sigaw ni Taehyung.

Kotse kasi nila ito at hindi ko naman masisisi na mamangha itong mga taga Yehetinorat, kasi first time nilang makakita ng kotse. Medyo maalikabok ang kotse dahil hindi naman kasi gawa sa semento ang daan patungo rito.

Nagulat nalang kami nang makita na may mga drawing na nag mga bintana. Mga dikaaya-ayang mga imahe ng ari ng isang lalaki!

Ang mamanyak ng mga kapitbahay namin!

Mabilis na nilinis ni Jimin ang kotse na nakangisi, sus. Tatawa-tawa siya eh manyak din naman kasi siya eh.

Ang pitong lalaking ito ay ang mga kamag-anak namin na nasa syudad nakatira. Doon rin naman sana kami kaso gusto ni nanay na bumalik dito sa baryo. Iniwan namin ang kapatid ko dahil tulog pa ito.


Hindi ko nga alam kung bakit pinapunta kami sa syudad, kahit pers taym namin na pumunta eh hindi kami nagpahalata ni nanay na masyado kaming ignorante sa mismong lugar na pupuntahan.


Huminto na ang sasakyan sa isang napakalaking bahay, medyo modern na yata ang ganitong istilo at parang nasa ibang planeta ang disenyo. Di na ako magtataka dahil architecture ang  kinuha ni Taehyung, siya siguro ang nag design nito.


Nagulat kami dahil maraming katulong ang nasa labas at nakabow pa ito.


"Maligayang pagdating master."


"Tzuyu, kunin mo ang mga bitbit na bag nina Pingay."


Tzuyu yata itong magandang katulong at mabilis niyang kinuha ang mga bag namin. Pumasok na nga kami sa mismong bahay at nagulat ako nang makita ko muli ang lolo't lola ko.


Nagmano ako pati na rin si nanay na anak nila.


"Bakit po kami naparito?" Tanong ni nanay.


"Kasi naman, iyang mga anak mo ay walang proper education, bakit ka pa kasi umuwi sa baryong iyon eh marami naman kaming educational resources dito. Pinalayo mo naman sa kabihasnan ang mga apo ko." Mahabang paliwanag ang naisaad ni Lola Ten.


"Oo nga kaya nga pinapunta ko kayo rito para dito na mag-aaral ang mga anak mo." Seryosong sambit ni Lolo Taeyong.


ITUTULOY...



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 04, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She's Dating the PosterWhere stories live. Discover now