Inabutan kita ng panyo habang pinupunasan mo ang pawis niya.
Pinagtatawanan kita habang kinikiliti ka niya.
Tinitingnan kita habang tinititigan mo siya.
Tinatapik ko ang balikat mo habang yakap ka niya.
Naglalakad ako ng mabagal papunta sayo habang tumatakbo ka papunta sa direksyon kung nasaan siya.
Nasasaktan ako habang masaya kayong dalawa.
Nagalit ako ng sinigawan ka niya.
Pinunasan ko ang luha mo habang sinasambit mo ang pangalan niya.
Niyakap mo ako nung sinaktan ka niya.
Hinihiling ko na ako ang mahal mo at hindi siya.
BINABASA MO ANG
Short Story.❤
Short StoryHis and her thoughts. Short story and written in Tagalog. Well maybe I'll translate it in English.. Just maybe. Pis.✌