His~

0 0 0
                                    

Hindi ko napigilan ang sarili ko.

Nagsawa na ako sa kaiiwas mo.

Hinila ko ang braso mo.

"Bullshit naman oh! Wag mo naman akong iwasan! Masakit na dito.."

Nakita ko kung papaano nanlaki ang mata mo. Ang ganda mo parin talaga.

"Mahal mo ba ako?"

Napatigil ako sa tanong mo..

Mukhang nagulat ka rin yata sa nasabi mo kaya iniyuko mo ang ulo mo.

"H-Huh... Ano kasi..."

Lecheng bibig to. Bakit ba kasi ang torpe ko?

"S-Sorry.. Wag mo nalang isipin yung sinabi ko."

Papaalis ka na sana pero niyakap kita.

Nagpapasalamat ako dahil nasa music room tayo.

Walang ibang tao. Walang manggugulo.

"Mahal kita. Mahal kita dati pa. Mahal kita hindi bilang isang kaibigan kundi higit pa. Mahal kita.. Mahal kita...sobra..na masakit na. Nung una kitang makita hindi lang ako nagandahan sayo, nabuhay din ang kuryosidad ko sayo. Alam kong hindi ka naniniwala na maganda ka dahil kung gaano kababa ang height mo yun din kababa ang self confidence mo. Hindi mo alam na madaming naiinggit at may gusto sayo. Best friend.. Kahit mahal na kita pumayag ako na maging best friend mo dahil dun palang dapat maging masaya na ako dahil kahit papaano nagkaroon ako ng role sa buhay ng isang maganda, mabait, matalino, masarap pakisamahang babae na tulad mo.Kaya hindi ko masabi sayo na mahal kita dahil ayokong mawala ang papel ko na iyon sa buhay mo. Duwag ako. Gago ako. Ang tanga ko. Oo. Aminado ako. Pero tandaan mo na may duwag, gago, at tangang nagmamahal sayo. Mahal kita.. Sobrang mahal kita. Walang siya..Walang sila.. Ikaw lang talaga."

Hinintay kong kumalas ka.

Hinintay kong sabihin mo na layuan na kita.

Hinintay kong lumapat ang palad mo sa pisngi ko.

Hinintay kong alisin mo ako sa buhay mo.

Pero nagulat ako ng iba ang sabihin mo.

"Mahal kita. Mahal din kita dati pa. Kahit duwag, gago at tanga ka pa.... Mahal pa rin kita."

Short Story.❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon