Virus 2: Dead Bodies on the School Ground

4 0 0
                                    

February 18, 2017 Saturday 10: am

Yuan's POV

Nasa sasakyan kami.. Bagong sasakyan. Yung mas malaki ang space dahil may bago kaming kasama. Si anthony, si lizbeth, Keisha, at Janna. Sila yung nakita ko sa store kanina. Wala silang kagat at mukhang di sila infected.

"p-pwede ba tayong dumaan ng school of **************? Nandun kasi ang kapatid namin ni beth e" sabi nya habang naiiyak sa takot.

"Sige. Basta bibilisan lang natin. Kung wala, edi wala. " si Kennedy.

"at kung nandon, aalis agad tayo at wag na magpatumpik tumpik pa, boom kara karaka! " si Johnny.

"bading neto e HAAHAHA" sabi naman nila jorge at aldrean.

"bakit pa dadaan tayo don? Kung gusto nila, sila ang pumunta! Paano kung may mga infected don? Tss" sabi ko. Totoo naman e.

"tol, be a gentleman, besides.. Baka nandun pa si Jin Carla, yung bestfriend mo. May pasok sila diba? Baka naka survive sya.." aldrean.

"oo nga no? Shit. Dalian mo jorge! Fuck!" di ako mapakali. Baka napano na sya. Pero alam kong buhay pa sya.. Alam kong di pa sya walker.. Sana.

"pasensya na kayo kay yuan ha. Kamamatay lang kasi ng ama nya kanina nung niligtas sya sa kanila.. Masyadong stress na kasi. " si johnny.

"a-ayos lang johnny. Tama naman sya at condolence at salamat sa pagtanggap samin.. " sabi ni anthony na mukhang.. No hate please pero para syang.. You know.. Beki.

(wala akong problem sa beki ha! Sa totoo nga, may mga kaibigan akong ganon dati. Tinuruan pa nga ako maging magaling sa laro e :D)

Nang papasok na kami sa eskwelahan, tumambad samin ang patay na katawan ng mga estudyante at mga guro, pati ata mga magulang e. Wala na kaming dadaanan, kaya no choice kundi ang daanan ang mga patay na katawan. Habang sila, diring diri at takot na takot sa nasasagasaan ng gulong namin, ako naman ay tuwang tuwa..  Dahil narin siguro sa stress ay kahit ang pag sagasa ay naeenjoy ko. Talsik yung utak at mata sa windshield. Hahaha. O tignan nyo! Yung mata ng bangkay naka dikit na ata sa windshield at parang nakatingin samin. Hihi

Nang makalagpas kami sa mga bangkay, agad kaming pumarada at isa isang bumaba maliban ulit kay jorge at sa tatlong babae. Kilala naman ni Anthony ang mga kapatid nila kaya siya nalang ang sumama.

"mag iingat kayo ha, johnny, kenn, thony" sabi ng tatlong babae.

"ako walang goodluck?! "

"tss. 'ngat! " sabay sara ng pinto. Wow! Nagalit ata sa pagsusungit ko. Tss. Kung di lang sila maganda, iniwan ko na sila sana kanina.

Nagpipigil naman ng tawa yung iba kaya sinamaan ko ng tingin at labas ng katana. Ayun, tigil sila ih. Hahaha.

At yun na nga, sabay sabay kaming pumasok sa loob. Pinasok muna namin kada room sa first floor. Puro katawan parin. Patay na katawan. Sinusubukan naming wag gumawa ng ingay para walang walker na magambala.

"yuan, tol wala tayong mapapala dito sa first floor. Sa taas tayo. " sabi ni aldrean.

Tumango nalang kami bilang sagot. Tumungo kami sa hagdan at umakyat. Nasa hallway na kami ng second floor ng madatnan namin ang anim na infected na nag aabang sa labas ng isang room. mula sa bintana, kita ko na may mga survivors doon. Mga estudyante. Sana nandyan si jin. Sana talaga!

Binunot nila johnny at kenn at aldrean ang baril nila ngunit pinigilan ko.

"Wag kayo gumawa ng kahit anong tunog dito! Or else malilintikan tayong lahat!! " pabulong na pasigaw ko. Hanep! Lakas ng imahinasyon! XD
Bulong sigaw daw. Bobo e no?

The Dead Awakens: The City Of WalkersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon