1 [Sheena]

10 1 1
                                    

“You don’t understand! I don’t want this marriage!” Hindi ko na napigilan pang mapasigaw. Bakit ba hindi nila kayang makinig sa gusto kong iparating? Bakit ayaw nilang intindihin ang nararamdaman ko?

Tumulo na ang luha na kanina pa nangingilid sa mga mata ko. Tiningnan ko si Mom pero ni sulyap ay wala akong natanggap.

Nakatayo lang siya sa tabi ni Dad katulad ng palagi niyang ginagawa. Nananahimik, nagtitimpi, sumasang-ayon sa lahat ng desisyon nito. Parang anino na sumusunod lang sa nagmamay-ari rito.

“Dad! Don’t do this” I begged at him. Falling under my toes with tears stricken face but he did not even dare to look into my eyes.

“No. there’s nothing you can do. Everything’s settled.” He deadpanned. Tumayo siya mula sa sofa at tinalikuran ako. Ito ang paraan niya ng pagpapakahulugang tapos na ang usapan at wala na akong magagawa pa.

“No. This is my life. I have a say in it.” pagmamatigas ko. I stood up my legs feeling wobbly. Napatigil si Papa sa paglalakad.

“All my life I had been doing whatever you want. Always telling me it’s for the best when clearly it was just for your own benefit. Napaka selfish mo Dad! Sinusunod naman kita sa lahat ng gusto mo diba?”

Long silence.

“Nung High school gusto mong mag-aral ako sa all girl school, ayaw ko dahil masyadong mahirap makapasok pero sinunod ko. Wala kang narinig sa akin kahit pa napilitan lang ako. Nasa isip ko kasi baka gusto mo lang protektahan ako.”

“You enrolled on a lot of extra curricular activities na hirap na nga ako sa subjects ko sa school dinagdagan mo pa. Sabi mo it’s for my future.”

“Nitong College, gusto mo akong mag major ng engineering course kahit na ang bobo bobo ko sa math dahil gusto mo akong sumunod sa mga yapak mo. Galit na galit ka pa noon dahil hindi pasado sa standards mo ang grades ko.”

I stomp my feet in the floor. Punong puno na ako. Sawang sawa na at pagod na pagod.

“Akala ko matutuwa ka na sa awa ng diyos ay nakagraduate ako pero hindi, you’re still not satisfied. Dahil gusto mo maging maganda ang kinabukasan ko.”

“Now, what? Gusto mo akong ipakasal sa isang lalaki na I don’t even know. Business partner? The heck dad!? Business partner. Binibenta mo na ba ako ngayon?”

“Ako na unica hija mo? Kaisa-isang anak itatali mo sa isang lalaking mayaman para lang mapalago ang negosyo mo? Ito na ba yung future na sinasabi mo? Ang ihanda ako para ibenta sa isang negosyanteng tulad mo?”

Nagc-crack ang boses ko at hindi na ako makapag isip ng matino.

“Sumagot ka. Gusto kong intindihin ang side mo. Gusto kong malaman ang dahilan kung paano mo to nakakayanang gawin!”

Hindi parin siya umimik pero nagpatuloy na sa paglalakad. 

“I hate you!” sigaw ko sa kanya.

 Tumigil siya sa mismong pinto at parang may sasabihin pero hindi niya tinuloy. Tumikhim siya at nagsilapitan naman ang lahat ng mga bodyguards niya.

“I-lock ang buong bahay. Wag na wag niyo siyang hahayaang mawala sa paningin  ninyo” utos nito at tuluyan ng umalis.

"Mom!" Nilingon ako ni Mom pero iniwas rin niya ang tingin sabay sunod kay papa na parang aso na nakadikit palagi sa amo nito.

Ni hindi manlang niya ako kinampihan o pinagtanggol man lang. Lagi na lang siyang ganyan. Parang patay na isda. Sumusunod sa bawat ripples na ginagawa ng mundo nitong tubig.

“Ganun na lang ba 'yun? Ni paliwanag man lang ba pag-kakaitan niyo ako? Kahit kasinungalingan hindi niyo man lang ba ako gagawan? Ganun na ba ako ka worthless?”

Napatawa ako ng mapait habang dahan dahang sinara ni Mom ang pintuan. Nakikita ko sa mata niya ang pagkaintindi sa kalagayan ko. Pero sa likod ng empathy nangingibabaw ang takot. Ang takot niya mula sa daddy ko.

Ang mata ng isang taong nabubuhay para sa iba. Mata ng isang duwag.

Tumakbo ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Hinayaan kong tumulo lan ang luha ko. Nagtaklob ako ng kumot habang naka curl up like a giant snow ball.

I hate him. I hate her. I hate them all. 

Masaya naman kami dati? Bakit kailangan pa nilang kumplikahin ang lahat? Bakit?

Hindi ko hahayaang matapos lang to ng ganito. Hindi ako papayag na mabuhay sa lahat lang ng gusto nila. Tatakas ako. Antayin lang ninyo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The RunawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon