Mahal Parin Pala Kita

5 0 0
                                    

Mahal parin pala kita, akala ko kasi wala na,  akala ko ayos na,  paulit ulit kong sinasambit na nakamove on na ako, ang gusto ko nalang ay maibalik ang nasirang pagkakaibigan,  akala ko yun nalang ang gusto kong maibalik,  hindi pala, hindi kasi mahal parin pala kita.
Ano bang nangyari satin? Bakit biglang nawala ang pagmamahalan nating dati lang ay kay tamis? Parang kailan lang ay mahal kita at mahal mo ako,  pero sa isang iglap biglang naglaho. Ano bang nangyari satin? Hindi na ba natin maaring ulitin? Ulitin ang pagmamahalan na meron tayo noon,  ulitin ang mga masasayang araw na magkasama tayo, ulitin ang mga away bati at ang malambing na pagsuyo mo sakin, wala na bang pagkakataon na maulit ulit natin ang pagmamahalang dati'y meron satin?
Miss na kita, iniisip ko namimiss mo rin kaya ako? Ilang araw,  ilang buwan, ilang taon narin ang nakalipas nung huli kitang nakausap, bakit ba bigla nalang nawala? Bakit hindi natin nagawang isalba ang relasyong puno ng pagmamahalan? Nangako pa tayo sa isa’t isa na hindi tayo matutulad sa iba pero anong nangyari? Bakit bigla nalang naglaho ang pagmamahal na sabi mo'y hindi magbabago. Walang araw na hindi kita inisip, walang araw na hindi ko inalala ang mga masasayang araw nating magkasama,  walang araw na hindi ko hiniling na sana tayo nalang ulit,  na sana ako nalang ulit, bakit hindi nalang maulit ulit? Wala na ba talaga? Hindi na ba talaga natin maaaring ibalik? Kung hindi man ngayon kahit sana sa tamang panahon sana tayo'y magkaroon pa ng pagkakataon, pagkakataong makapagusap muli,  pagkakataong maayos kung ano ang nasira satin,  pagkakataong maiparamdam ulit natin sa isa’t isa ang walang kapantay nating pagmamahal. Maaring ito ay huli na, maaring wala ng tyansa pa, pero bakit hindi ko magawa? Bakit hindi ko kayang sumuko nalang basta basta? Bakit hindi ko kayang tanggalin at kalimutan ang nararamdaman kong ito? Bakit kahit ang sakit sakit na ay mahal na mahal parin kita?
Siguro tunay na may pagkakamali ako,  ang pagkakamali kong huli ng malaman ko na mahal parin pala kita,  naging matigas ako,  nagsinungaling ako sa sarili ko,  nagtapangtapangan ako,  pero ngayon hindi ko na kaya pa, suko na ako, mahal parin talaga kita… Sana may pagasa pa.
😞😞😞

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 04, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mahal Parin Pala KitaWhere stories live. Discover now