Inuna na nilang lakbayin ang kapahamakan kaysa hayaang manatili ang
kasamaan.
"Ngayon, maghanda kayong lahat para sa digmaan. Pupunta tayo sa
kaharian ng Alyara at pupuntahan natin ang guardian ng nyebe na si Elsa.
Pagkatapos ay sasabak tayo sa isang labanan. Ang labanan para sa
katarungan at kalayaan." taas noong sabi ni Jack Frost sa kanyan mga
kasamahan.
------- Sa Kaharian --------
"Nabalitaan kong pupunta at sasalakayin tayo ni Sudra, ang malademonyong
ahas. Yung babaeng iyon, may pahiganti-higanti pang nalalaman. Akala mo
naman kung sinong maganda eh puro naman kaliskis yung mukha.
Nakakainis....." ani ni Elsa.
"Ipapahanda mo na ba ang ating mga kawal para sa isang labanan?" ani ng
kanyang kapatid na si Anna.
"Aba! Oo naman, sisirain ko ang mukha nung babeng yun. Puputulin ko
yung ulo nun. Naaalala ko pa, ang mga ginawa niya sa atin lalong lalo na ang
pagpatay niya sa ating mga magulang." ani ni Elsa.
"Okey lang yan ate, alam kong mananalo ka, for the sake of our parents."
ani ng kapatid ni Elsa sabay halik at yakap sa kapatid.
ELSA's POV
Naaalala ko pa, limang taon na ang nakalipas mula nang
aksidenteng natamaan ko ng aking taglay na kapangyarihan ang aking
kapatid. Buti nalang at nasolusyonan ito, dun rin nalaman ng lahat ang taglay
kong kapangyarihan at gumawa ako ng palasyong gawa sa yelo.
Hindi ko makakalimutan ang sakit na idinulot ng pagkamatay ng
aking ama at ina. Bago sila sumakay sa barko, hinding-hindi ko
makakalimutan ang mukhang, iyon. Ang tila ahas na umaaligid sa mga
magulang ko. Sumabay siya sa barko na sinakyan nila daddy kaya akala ko
patay na rin siya. Ngunit sabi ng isa sa aming mga kawal na nakaligtas raw
siya at siya raw ang may pakana ng pagkaluod ng barko. Syempre, nagalit
ako kaya ngayon, nang nalaman ko na buhay siya, sisiguraduhin ko na
mamatay siya at ako mismo ang papatay sa kanya. Ngunit naguguluhan
parin ako kung bakit siya nabuhay at kung sino ang kaniyang kasabwat......