" Albert! Ano ba!", sigaw ko dito habang inaabot ko ang teddy bear ko na nasa mga kamay nito.
" Abutin mo muna," mapang asar na naman na sagot nito habang mas lalong inilalayo sa akin ang teddy bear ko.
" Asar naman eh!!!!!... Ano ba ... ibigay mo na kasi iyan. Bat ba ako lage ang nakikita mo!" maktol ko dito
" Masarap ka kasing asarin", tawang tawa pang sabi nito nang nakakaloko. " Bilisan mo wag kang pabagal bagal. Lampa!", tumakbo ito nang mabilis.
Sa ako naman na si tanga di ko namalayan may nakausli pa lang bato sa dinaraanan ko kaya nang humabol ako sa kanya ay nadapa ako. May namumuong luha sa mga mata ko bago tumayo. Matamang tiningnan ko ang sugat sa tuhod ko. Kainis naman kasi ang hapdi na tuloy nang tuhod ko mapapagalitan pa ako ni Mommy nito. Di ko rin namang makuhang umatungal kasi pag umiyak ako lalo akong aasarin nito.
Sa batang isip ko nakuha ko nang magtago nang nararamdaman. Lalo na pagkasama ko siya. Nilingon niya ako at mabilis pa sa alas kwatro na bumalik ito sa kinatatayuan ko, sabay pagpag nang narumihan kung damit sa pagkakadapa ko kanina.
" Tsk!! lampa ka nga".
Lumabi lang ako dito. Kahit di niya sabihin nakikita ko sa kanyang mga mata ang pag aalala at parang nakokonsensya ito sa ginawa. And it make my heart feel warm inside.
BINABASA MO ANG
Book 2: Payback
RomanceI see him with another girl AGAIN! Ano ba ang bago? When I try to approach him he just glare at me and says something painful right into my face. " Pakialam mo ba? Kaano ano ba kita?" Galit nyang sagot sa akin. "Kung makaasta ka akala mo pag aari mo...