Try ( One Shot )

136 5 4
                                    

Ever since naman nung bata ako, I was always the problem child. Ako lang ung bukod tangi saming apat na magkakapatid ang nagpapasakit sa ulo mo diba?

I've never been the best at honesty

I've made more mistakes than I can even count

Naaalala mo pa ba nung nasa elementary palang ako? I was in fifth grade that time.

Kasali ako sa quiz bee. I did everything I can. Nag-aral ako ng todo dahil yun yung gusto niyo diba? Na manalo ako dahil simula kay Kuya Hiro hanggang kay Kuya Gio, lahat sila, nagchampion diyan sa quiz bee na yan.

Kaso, wala eh. Second place lang ung inabot ko kasi hanggang dun lang yung kaya ko. But you're not satisfied with a silver medal kaya nagalit ka, kayo.

Yeah, masakit siya. Pero di palang naman dun natapos yun remember?

But things are gonna be so different now,

You make me wanna turn it all around. 

Sometimes, I tell myself I shouldn't have existed. I can't do a single thing right. Why? Cause you always tell me I should be like THEM. You want me to be perfect like Ate Shiro. Gusto niyong mapantayan ko yung galing ni Kuya Gio sa sports. And lastly, gusto niyong maging doctor din ako tulad ni Kuya Hiro.

But I'll try, to never disappoint you,

I'll try, until I get it right,

I've tried. You know how many times I've tried. Walang gabi na hindi ako umiyak dahil sa pressure na binibigay niyo sakin.

Pero, okay lang. Pinilit ko ung sarili ko na gawin yung gusto niyo. If this will make you think that I'm finally worthy of  your attention. I'll do it.

Dahil . . . yun lang naman talaga yung gusto ko ever since then. Gusto ko lang na mapansin niyo ako hindi dahil sa mga maling nagawa ko. Hindi dahil palpak ako sa mga bagay-bagay. Just this once. I want you to notice me because I finally did something right, something you can be proud of.
 

I've been the best at letting people down,

I've never been the kind of person you could trust,

Finally. Fourth year highschool na rin ako. Akala ko magiging okay na ang lahat dahil gragraduate na sana ako bilang valedictorian.

Kaso, may nangyari nanaman. Two weeks before graduation, pinatawag ako sa office dahil may nakitang foil na may drugs sa bag ko. 

I don't even know how on earth it got there. Sinubukan kong magexplain kaso ano? Nakinig ba kayo sakin? No. You and the school administrators never believed me.

Lahat ng paghihirap ko for what? Four freaking years nawala lang dahil sa isang set-up. One freaking set-up planned by those jerks na gustong maging valedictorian ung kaibigan nila. Ansakit diba? Nangdahil dun, di ako nakagraduate. Nagalit ka, kayo. Ikinahiya niyo ako.

Alam niyo ba kung gaano kasakit yun? Yung sarili mong pamilya hindi ka pinaniwalaan at ikinahiya ka nila? Crud. 

But if you can give me half a chance I'll show,

How much I can fix myself for you.

Remember how many times I've asked you for a second chance? Antagal nga bago ko kayo mapapayag eh. Andami ko pang narinig sa inyo before you allowed me to retake my final year in highschool.

I'm on my last year on highschool. Again. This time, nakagraduate na ako. Pero, balewala lang talaga sa inyo. Walang congratulations or anything, just endless complains.

You asked me what course I'm planning to take in college. I told you I wanted to take a music course dahil yun yung passion ko. Pero ano? Di kayo pumayag dahil sabi niyo wala namang mangyayari pag yun yung course na kinuha ko. That's why you pushed me to take a medical course. Gusto niyo kasi maging katulad ako ni Kuya Hiro. crud. How many times have you told me that?

I'll try, to never disappoint you,

I'll try, until I get it right


I took BS psycholgy. Nakagraduate ako and all. Nagawa ko na ung gusto niyo. Are you finally happy? Hindi. You want me to become a well-known doctor just like him.

Di ko na kaya. I'm tired of you guys telling me what to do. I've always tried to make you proud, to make you happy. Pero kahit ano namang gawin ko, di na yata talaga magbabago ung tingin niyo sakin.

Nagpunta na kayo sa U.S. at iniwan niyo ako dito sa Pilipinas. Kasi nga tingin niyo wala akong magagawang tama diba? Wala rin naman akong maitutulong sa family business kaya eto.

You've always seen me as a useless, pathetic kid. Masakit yet masaya ako. Kasi ngayong iniwan niyo na ako dito, I can finally do what I want.

I took a music course. Dito ko naramdaman kung pano maging masaya. Kasama ko kasi ung mga taong tanggap ako kung sino ako at hindi ako ikiukumpara sa ibang tao. 

Years passed at naging successful musician na ako. 

I'm right here, infront of many people, singing this song. Yung kantang. . . parang summary ng buhay ko? * weak laugh *

"Don't give up on me and I'll prove that,

I can do this!"

Tumingin ako sa inyo as I said those lines.

See? I told you I can make you proud. Hindi nga lang sa paraang gusto niyo but atleast I've tried. 

For the first time, I saw you smile at me. 

Finally. . . I made you proud.

--------------------------------------------

Hey Ya. SF-nyan here. Bigla nalang nabuo tong idea na to habang nagsasoundtrip ako ng Try eh. 

So Yeah. Alam kong di ganun kaganda tong one-shot na to pero, kailangan ko lang talagang ilabas ung sama ng loob at pagdradrama ko xD

Yun lang at salamat sa effort na basahin mo to. Ja ne~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Try ( One Shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon