One Last Chance

2 0 0
                                    


PROLOGUE

"Salamat sa pagpapakopya ng notes" Sandaling tinapunan ng tingin ng labing tatlong taong gulang na babae ang kaklaseng si Andrew. Saka ito tinanguan bilang sagot.

Wala pang isang minuto ng umalis si Andrew ay may isa na namang batang lalake ang lumapit kay Yvannah. Nakataas ang kilay niya ng tingnan ang isang bungkos ng santan na hawak nito. Matapos tingnan ay lumipad ang mata niya sa batang lalakeng may hawak non.

"Ano yan?"

"Hindi mo alam? Ang ganda mo pero ang tanga mo."

Nakaramdam ng pagka irita ang batang babae sa sinabi ng batang lalake.

"How dare you to call me stupid?" Sigaw niya.

"Stupid! ang sabi ko sayo Tanga hindi Stupid!!"

Nalaglag ang panga ng babae. Sino ba ang abnormal na batang to?

"Pero tinawag mo din akong stupid!!"

"Oo nga kase Tanga ang sinabi ko sayo hindi stupid!!"

"Ugh!!" Inis niyang binalibag sa mukha nito ang inaabot nitong santan. Pero ng mahulog iyun sa sahig mabilis na pinulot ng batang lalake.

"Baket mo tinapon? Kinagat pa nga ako ng langgam para lang ibigay sayo yan tapos itatapon mo?"

"At baket ko naman yan tatanggapin? Bukod sa abnormal ka, anong laban ng santan mo sa mga roses na binibigay saken ng mga iba pang boys?" Sigaw ng babae saka tinignan ang mga nakakalat na roses sa table niya, na para bang pinapakita niya ito sa lalake.

"Eh ano naman kung roses ang binibigay sayo ng ibang mga lalake? Eh ano kung mahal yang mga yan?"

"Bigyan mo ako ng dahilan baket ko yan tatanggapin at hindi ko itatapon?"

"Kase gwapo ako." The boy simply said. Muli ay nalaglag ang panga ng batang babae. "S-saka crush kita Yvannah." Nais sanang magtaray ng batang babae dahil sa kayabangan nito pero naumid ang dila niya ng makita niya kung gaano kapula ang pisngi ng batang lalake.

Hindi niya alam kung baket niya tinanggap ang santan at tiningnan ito. "Gwapo ka nga. Pero gago ka naman." Sabi niya bago ito iwan pero napatda siya ng marinig niya ang huling sinabi ng lalake.

"Ayaw mo non? May gagong gwapo na may crush sa maarteng katulad mo."

Akala niya tapos na ang lalake sa gustong sabihin pero muli siyang tinawag nito at nginitian ng ubod ng tamis. "At ako ang magiging asawa mo sa tamang panahon."

——

Yvannah Perez's POINT OF VIEW

Kunot noo kong tinaas ang aviator glass ko ng mapansin ko ang mga titig ng nga bubwitang nag-chichismisan sa daan. Duh! I really can't believe this, dito ako babagsak sa pobreng University na to mula sa isang napaka prestigious na school na pinanggalingan ko.

Nagkibit balikat lang silang tatlo. Muntik na kong mapatalon ng bigla silang magtitili ng sobrang tinis.

"Si Nate, pumasok na siya!!!"

"Kyahhhhhh!!" Saka sila nagtakbuhan kung saan, habang panay ang tilian.

At napansin kong hindi lang ang grupo na yun ang nagtitilian habang tumatakbo sa iisang way.

Napairap nalang ako sa kawalan. "How can I survive this?" Inis kong sabi at muling binaba ang salamin ko at naglakad na para hanapin ang room ng first period ko.

Damn! I really pity myself. Sisiguraduhin kong hindi ako gagraduate sa school na to. Pagkaahon na pagkaahon namen ni Daddy sa nawalang pera samen, mabilis akong lalayas dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Last ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon